5 Zepto

Selena Pov's

"Sumabay ka lang sa agos ng tubig. Dahil kung kokontra ka, ikaw din ang mahihirapan Selena"

Iyan ang payo ni Hermina. Wala naman daw masama kung maging alipin ako ni Kaizen. Doblehin ko nalang daw ang pag i-ingat ko.

Ito ang araw na pinaghahanda ako ni Kaizen. Ano bang plano niya? Pahihirapan ba niya ko tulad ng mga naunang alipin na pinagtripan niya?

Yup, hindi ako ang unang naging alipin niya. Ang alam ko ang ilan sa class E ay naging alipin niya rin. Sa kaso nga lang ngayon, ay babae ang napili niyang maging tagasunod.

At ako yon.

Patamad akong umupo sa silya. Hinihintay ko yung pagdating ng mga classmates ko.

Inaliw ko muna ang sarili ko sa pagbabasa.

"Selena, simula sa araw na ito ay sa Class A kana papasok"

"Hindi!"

Sa narinig ko ay natulele yata yung guro ko sa lakas ng pagkakasabi ko ng pagtutol.

"You may go now, poor vampire" pang-uuyam ang tono nito.

Iniisip kong niloloko lang ako ng guro ko. Ngunit bigo akong marinig ang pagbawi niya ng mga salitang sinabi niya sakin.

Ito ba yung pagbabago sa buhay ko?

-------

CLASS A

Ni sa hinagap, wala sa bukabularyo ko na makakapasok ako sa Class A. 

"Welcome Selena"

nangingit-ngit ako sa nangyayari ngayon at sa bampirang may pakana ng lahat kung ba't ako nasa Class A.

"Welcome your face" sopla ko sa kanya.

Kaizen just smiled at her.

Malaki ang inilaang lugar para sa  Class A. Samantalang ang Class E, parang pinagkasya kami sa isang maliit na garapon. Nasa mababang uri kami kaya di pinag aaksayahan ng panahon.

Nasa malawak na field kami ng university.

Habang ang lahat ay abala sa streching ay nakaupo ako sa bench, katapat ng upuan ni Kaizen.

"Dapat kang matuwa at nandito kana sa Class A. Bihira ang may makapasok ditong tulad mo" binalingan niya ng tingin ang mga katulad nitong nasa antas ng royal vampire. "Isang pangarap para sa inyo ang mapunta sa aming antas, kahit ang maging alipin namin ang sinoman sa inyo ay karangalan na"

"Pero hindi ako tulad nila" kontra ko dito.

"Pumayag lang akong maging alipin mo dahil kailangan kong mabuhay. At ni sa panaginip ko, isang kabaliwan para sakin na magpasakop sa mga tulad niyong kinakaya kami"  kung kabastusan ang dating ng lumalabas sa bibig ko ay di ko na yun pinansin pa.

"Oo kaya namin kayong tapakan, durugin, at maging katawa-tawa. Kung makaasta ka'y parang may ipinagmamalaki ka samin. Isa ka lang laruan ni Prinsipe Kaizen, wag kang maghangad ng higit pa!"

Tumayo ako sa kinauupuan ko at marahang pinagpag ang palda ko. Kahit may kaba sa dibdib ko ay lakas loob akong humakbang.

Ganito ba talaga ang mga bampirang mas angat ang kakayahan kumpara sa class E?

Kaklase ni Kaizen ang basta nalang sumingit sa usapan. Nakangisi ang lahat sa sinabi nito.

Wala man lang reaksyon ang binata. Prente lang itong nakaupo at nakamasid.

Nilagpasan ko ang lahat ng maraanan ko.

"Malamang bumahag na ang buntot niya"

Ngumiti ako sa aking isipan.

Patuloy ako sa paglakad at walang babalang kinuha ko ang pana at palasòng nakalapag sa damuhan.

Isang pana. Tatlong palasò.

Ang takot ko'y napalitan ng tapang.

"Hunghang! sigurado akong sablay yan"

Hinigpitan ko ang paghawak sa pana. Ang tatlong palasong pinakawan ko ng sabay-sabay ay tumama diretso sa puso niya.

Nagkagulo ang lahat ng nasa field. Dinaluhan ang isang royal vampire na bumulagta.

Ngunit nagulat ang lahat sa sumunod na nangyari.

Nalusaw ang buong katawan nito. Isang maitim na usok ang pumalibot dito.

Pagkawala ng usok ay lumitaw ang lalaking pinuntirya ko ng palaso.

"Isang Zepto!" sigaw ni Kaizen na nasa tabi ko na pala.

Iba na ang itsura nito. Puno ng itim na dugo ang bibig at halos tuyot na ang buong katawan. Itim ang parehong mata at ang mga ngipin nito'y naging matulis.

"Lahat kayo magsilayo sa nilalang na yan!" utos ng may suot na baluti. Hindi ito nag iisa, may mga kasama ito na di lalampas sa sampu.

Saan sila nanggaling?

"Tapusin niyo yan Alfon. Pagkatapos ay ipasuri mo ang lahat ng narito" seryosong turan ni Kaizen.

"Masusunod mahal na prinsipe" anito.

Nakatulala ako sa kinatatayuan ko.

Nakapatay ako!

Ngunit ang sabi ni Kaizen ay isa itong Zepto.

"Patay na siya." sambit ko.

"At tama lang na patayin mo siya. Matagal na siguro siyang Zepto. Ang bampirang patay, na muling binuhay sa pamamagitan ng pag-aalay ng hindi ba-baba sa labintatlong tao. Ngunit sadyang mapanganib ang prosesong yon. Ang patay na bampira ay hindi na maaring buhayin" inilayo ako ni Kaizen at dinala sa isang silid nang hindi ko namamalayan. Ukupado ng isip ko ang ginawa ko kanina. Kaya hindi ko iniintindi ang sinasabi ng binata.

"Dadalhin niyo ba ko sa Hawlang Tinik?" Labis akong nilulukob ng pag-aalala.

Itinungo nito ang baba ko, ang mata namin ay nagkasalubong. Lumalakas na naman ang tibok ng puso ko. Damdaming ayaw kong aminin sa sarili ko.

"Hindi Selena. Hanggat alipin kita'y hindi ka nila pwedeng galawin. Mapangahas man ang naging pagkilos mo, ay ikinagagalak kong lumaban ka" gumaan ang pakiramdam ko sa narinig. Naluluha ang mata ko sa labis na galak.

"Salamat Kaizen" mahina kong bulong dito.

"Nagiging interesante ang mga nangyayari rito sa Vladimir University. Selena, ikaw man ay interesante" alam kong namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

Inirapan ko siya upang pagtakpan ang sayang nadarama ko. Marahan kong tinabig ang kamay niyang nasa baba ko.

"Ang mabuti pa'y samahan mo kong kumain. Nagpahain ako ng masarap na putahe at buhay na kuneho. Sigurado akong magugustuhan mo ang lasa non" aya nito sakin.

"Ikaw nalang, may baon ako"

Buhay na kuneho? Isipin ko palang na kainin yun ay bumabaliktad na sikmura ko.

"May red cola pa naman, Mahal na inuming alam kong gusto mong matikman" dugo ng tao ang ibig nitong iparating. As if namang iinum ako nun.

"Salamat nalang ulit, ang kulit mo rin noh? may baon nga kong tuna sandwich" sa ikalawang pagkakataon ay tinawanan niya ko tulad ng pagtawa niya sakin sa rooftop.

"Sandwich? bampira ka ba talaga?" bigla niyang tanong.

"Vegetarian ako, masama ba yon?"  knowing Kaizen, masyado siyang matanong.

"Kakaiba ang panlasa mo. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang sagot. Isang bampirang ayaw sa dugo? nakakapanibago." gustuhin ko mang bawiin ang sinabi ko ay bumukas ang pinto. Bumungad ang nakabaluting sinabihan ni Kaizen na tapusin ang Zepto.

"Mahal na prinsipe, masamang balita. Napag-alaman namin na ang kapatid niyong si Quillon ang may gawa kung bakit naging Zepto si Howard"

Sumama ang naging ekspresyon ni Kaizen.

Galit ang pumalit sa kanina'y masaya nitong pakikipagbiruan sakin.

"Hindi lang yon mahal na prinsipe, ang pamilya ni Howard-" sandaling tumigil ang naghahatid ng balita. Tinapunan muna ko ng tingin.

Tinging nagsasabing umalis ako.

"Magpatuloy ka o lalabas ka sa silid na itong gagapang" nataranta ang nakabaluti. Natakot sa narinig.

"Napag alaman naming may bihag silang mga tao, at lahat ng yon ay ibinibigay nila kay Quillon. Hindi ipinaalam ng pamilya ni Howard na patay na siya. Hindi matanggap ng angkan ni Howard na patay na ang kanilang anak." pagtatapos nito.

Kaunti lang ang nalalaman ko kay  Quillon. Bastardong anak ito ng hari at may pagka sakim.

Hindi ko pa nakikita ang kapatid ni Kaizen. Kaya wala akong ideya sa itsura nito.

"Ipapatay mo ang lahat ng buong pamilya ni Howard. Wala kang ititira maski alaga nilang isda" naka-kuyom ang palad ng binata.

"Masusunod mahal na prinsipe"

Nang kami nalang ang naiwan ay dumukot ako sa bulsa ko ng panyo.

Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luhang umalpas sa sulok ng mata nito.

Ang pag luha ng isang prinsipe ay sadyang mailap.

Ang desisyon nito ngayon ay sadyang mahirap. Ngunit dapat ipatupad upang wag tularan.

Si Howard.

At ang pamilya ni Howard ay dapat parusahan sa malaking pagkakasala ng mga ito.

Hinayaan niya kong punasan ang luha niya. Hanggang sa sumubsub siya sa balikat ko at dun inilabas ng tahimik na tangis.

Alam ko ang mawalan ng mahal sa buhay. Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman ni Kaizen.

Si Howard kasi ang bestfriend nito. Karamay sa lahat ng mga bagay. Kaisa-isang kaibigan na itinuring nitong mas kapatid kaysa kay Quillon.

"Narito pa ko, hindi kita iiwan" pangako ko sa kanya.

Alam kong kasinungalingan yun, ngunit habang nasa tabi niya ko. Sisikapin kong matupad ang pangakong binitawan ko.

--------

A/N

Nawa'y magustuhan niyo po ang part na ito ^_^...

Nagpapasalamat po ako sa lahat ng sumusuporta sa story ko.

Pasensya na po kung matagal ako nakapag UD... Ako po kasi ay nagre-research about vampires haha (Aning lang?)

marami pa po ang magaganap^_^

patuloy pong subaybayan..

I love you guy's!

pa-comment nalang po ulit^_^...

jriz_resha

Next chapter