8 Prince Rave

Selena Pov's

SA PAGBALIKWAS ko ng bangon, ay nasilaw ako sa liwanag na tuwina'y tumatagos sa'king kwarto. Umaga na pala at sumisilip na ang haring araw. Nag a-anyaya na siya'y silayan ko sa labas ng aming bakuran. Tuluyan na kong bumangon at sinunod ang utos aking ng katawan.

Ipinusod ko ang may kahabaan kong buhok na lampas balikat. Magaan ang pakiramdam ko sa araw na ito. Pagbukas ko ng pintuan ay nag-inat agad ako. Sinalubong ang may katamtamang init na mula sa araw. Medyo may kalayuan ang bahay namin sa ibang mga kabahayan. Kaya hindi ako nangagambang gawin ang bagay na hindi gawain ng isang bampira.

Ayaw nila sa araw. Bukod sa nakakasilaw ay nakakabawas yun sa lakas nila. May ilan na nakakaya ang sikat ng araw. Tulad ng mga Class A.

"Baka malusaw ka sa ginagawa mo, alipin."

Napadilat akong bigla. Si kaizen ay nasa ibabaw ng poste ng ilaw, nakatanaw ito sakin. Sinuyod ko ang kanyang kabuuan. Mula sa gray hair nito pababa sa lila nitong mga mata, ay napako ako panandalian sa titig niya. Naalala ko yung pag i-iiba iba ng kulay nun. Ang matangos nitong ilong, at ang pang huli ay ang labi nitong maputla man ay alam kong kasasabikan ko pa ring mahangkan kung may susunod pa.

Parang lumalapit siya sakin. Ngunit imahinasyon ko yata yun.

Himahinasyon rin ba yung pang angat mo sa kinatatayuan?!

Bulyaw ng isip ko.

Oo nga! bat ako binuhat ni Kaizen?

"Teka, san mo ko dadalhin?" hindi ito sumagot sa tanong ko. Patuloy lang siya sa pagtalon sa mga sanga ng puno.

Nang huminto siya ay nalula ako sa taas. Kita ko pa rin ang bahay namin pero lumiit yata yun sa paningin ko.

"Sa pagpunta ko rito ay may mga nauna sakin. Mga nilalang na hindi taga Hilvano"

Wala akong alam sa sinasabi ni Kaizen. Kung bisita ang tinutukoy nito, ay wala namang sinabi si Hermina sa kanya na may dadalaw rito.

"Baka naman nagkakamali ka ng hinala" mas lalo akong kumapit sa kanya ng mahigpit. Mabagal itong nagbuga ng hangin.

Tumingin siya saking nakataas ang isang kilay.

"Selena, tingin mo ba'y naligaw lang ang mga lobong nasa paligid ng iyong bahay?" tinapunan nito ng tingin ang nasa ibaba. "Tingnan mo, lumabas rin sila sa kanilang pinagtataguan"

Totoo nga ang sinabi nito. Kahit nasa taas kami ay nagkumpol-kumpol ang mga lobo sa ibaba.

Malalaki ang mga naroon. Waring may hinahanap na kung ano. Mula sa pinto ay may lumabas 'ron na puting hayop.

Ang alaga ko!

"Kailangan nating bumaba"

"Para ano? Para pagpiyestahan ng mga yan ang katawan mo."

Natahimik nalang ako. Tama naman kasi ito. Makakaya kong labanan isa-isa ang mga lobong patuloy na nagtitipon saming bakuran. Pero kung sabay-sabay 'silang susugod ay baka mas dumami pa ang magiging kalaban ko.

"Alaga mo ba ang puting lobo" hindi ito nagtatanong sa tono ng pananalita nito.

"Oo, at hindi siya lobo. Isa siyang aso" pagtatama ko.

Tumawa siya sa sinabi ko.

"Kumapit ka ng mahigpit Selena. Ipapakilala kita sa sinasabi mong aso." bumwelo ito bago kami bumulusok pababa. Napasigaw ako sa sobrang gulat.

Parang naiwan ang kaluluwa ko sa bilis ng aming pagbaba. Ang puso ko'y pigil sa pagtibok. Ayaw lumabas ng hangin sa dibdib ko.

"Huminga ka Selena" sabi nito habang ako ay nagsusumiksik parin sa kanyang malapad na katawan.

Buhat niya pa rin ako at tila ba wala balak ibaba. Sa paglipat ng aking tingin ay mga nakaabang na lobo ang nasilayan ko. Lahat ay nasa payapang anyo. Ang naka-agaw pansin sakin, ang kumpol na lobong naroon ay nasa maayos na hilera. Nakaupo at alerto ang tainga.

Dumaan sa harap ng mga ito ang puting hayop na iniligtas ko. Maliksi itong tumakbo paroo't parito sa harap ng mga lobo.

Sa isang iglap ay nagliwanag ang katawan nito. Nabalot ng usok ang bakuran. Ibinaba ako ni Kaizen ngunit hawak niya ang braso ko.

"Anong nangyari?" wala na kong maaninang sa kapal ng usok.

Nasagot ang katanungan ko ng unti-unting lumilinaw ang buong paligid.

Ang mga lobong nakahilera ay napalitan sa pwesto ng mga taong may taingang lobo. Maitim ang kutis ng mga ito at may tatak sa noo na korteng buwan.

"Magbigay pugay sa Prinsipe ng Wizzo!" sabay-sabay na sambit ng mga ito. Pagkatapos ay umalulong ng isang tunog.

"Sino kayo?" lakas loob kong tanong. May tumayong isang taong lobo. Dilaw ang gitna ng mata nito at sa palibot non ay itim.

Wala naman silang pagakakaiba sa anyong tao. Maliban lang sa tenga nilang katulad parin sa lobo.

"Magbigay galang ka sa aming prinsipe. Bago ko sagutin ang katanungan mo hangal na bampira" matalas ang dila nito. Malaki ang bulto niya. Ito siguro ang pinuno ng lobo.

"Ang mga paa niyo'y nakatapak sa kaharian ko lobo" hinila ako ni Kaizen papunta sa likuran niya. "Ikaw at ang mga kasama mo'y dito na ililibing ng buhay kasama ng prinsipe niyo, kung gugustuhin ko. Walang ibang pupugayin sa kahariang ito kundi ako. Tandaan mo yan." nagsukatan ang dalawa ng mabalasik na tingin.

Nang mula sa likod ay may kumalabit sa balikat ko.

Natulala ako nang masilayan ko ang nilalang sa likuran namin.

Sino ang matikas at gwapong lalaking ito?

Magkasing tangkad sila ni Kaizen. Kasing puti ng niyebe ang kutis niya. Ang bughaw nitong mga mata ay kay gandang pangmasdan tulad ng kalangitan.

"Prinsipe Rave!" masiglang usal ng kausap ni Kaizen.

"Ikaw pala yan palaboy na lobo" walang ganang sambit ni Kaizen.

Dinaluhan ito ng mga taong lobong andon.

Aakalain kong magkambal sila ni Kaizen dahil Magkakulay rin sila ng buhok. Napansin ko ang buwan at bituin sa noo nito.

Katulad ng sa alaga mo

"Wag mong sabihing ikaw-- ang" nabitin ang ilang hinala ko. Baka magkamali ako sa maaring lumabas sa bibig ko.

"Ako nga aking tagapagligtas" sagot nito na may pagsuyo.

"Palaboy na lobo" parinig ni Kaizen.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila.

"Magkakilala ba kayo?" pumagitna ako sa kanilang dalawa. Nagsitawanan lang sila na parang wala ako.

"Bampirang walang modo." balik asar nito.

Nanlamig ako dahil kung magkakilala ang dalawa. Ibig sabihin may posibilidad na malaman ni Kaizen na ako ang majestic blood! At yung lobong alaga ko, na akala ko'y aso ay prinsipe pala.

"Hayaan mong ipakilala ko ang aking sarili ng maayos, sa magandang binibini" pangunguna ni Rave na magiliw sakin.

Napasimangot lang si Kaizen. Kumibot-kibot ang labi nito na may nais sabihin pero hindi naman kumibo.

"Aalis na ko," Nagtaka ako sa biglaang pamamaalam ng binatang bampira. "Rave, bilisan mo ang pagpapakilala at umalis kana. Ang 'yong Amang hari ay handa nang lusubin ang Xyfiria anumang sandali." Sa pamamagitan ng tango ay para bang nagkaintindihan sila.

"At ikaw alipin, magpagaling ka"

nahigit ko ang aking paghinga. Ayan na naman ang puso ko, kumakabog ng pagkalakas-lakas.Umalis ito na di nagpaalam ng maayos sakin. Nang mawala siya sa tanaw ko ay napagtanto kong na-miss ko siya ng sobra.

Tikhim ang nagpabalik sakin sa realidad. Oo nga pala may iba 'kong kasama.

Sumenyas si Rave sa mga lobong andon na lumayo muna samin.

Nang kami nalang ay yumukod siya sakin. Tila ba isa kong prisesa sa harap niya.

"Alam ko kung sino ka," panimula nito "Ikaw na nagtataglay ng majestic blood ay aking po-protektahan, maging buhay ko man ang kapalit. Aking ililihim ang 'yong katauhan, kapalit ng walang pag-aalinlangan mong pagliligtas sakin. Ako ang Prisipe ng Wizzo. Ako si Prince Rave Agroan, ay tutuparin ang lahat ng sinumpaan kong salaysay sa harap mo, Selena Contessa. Salamat sa ikalawang buhay na idinugtong mo." sapat na saking ilihim niya kung sino ako at ang pagpapasalamat niya.

Ang lobo ayon sa nabasa ko ay mabangis. Ngunit ang kanilang katapatan at dignidad bilang isang lobo ay hindi mababali.

Pumantay ako sa kanyang pagyukod.

"Rave, lubos rin akong nagpapasalamat sa paglilihim mo" Ngumiti siya sakin. "Gagawin ko pa rin ang bagay na yon, kahit mapahamak pa kong muli." habang nabubuhay ako sa mundong ito, ay sisikapin kong maging kapaki-pakinabang ang natitirang panahon sakin.

----

BALIK eskwela na ko. Balik alipin rin ni Kaizen na ngayon ay nakikipaglampungan sa babaeng di ko matandaan ang pangalan.

Kanina pa siya utos ng utos sakin na kumuha ng makakain at inumin. Nakakainis sa pakiramdam. Nagpakita lang ba siya ng concern sakin kasi may sakit ako 'non? tapos yung puso ko naman bumigay sa simpleng pag aalala niya.

Binulungan ko ng spell ang inuming pinapakuha ni Kaizen. Nasa pribadong silid-aralan kami ng mahal na prinsipe. Naabutan ko silang naghahalikan ng babae. Paninibugho at matinding selos ang bumalot sakin.

Padabog kong inilapag sa mesa ang dala ko. Di pa rin sila natinag.

"Mauna na ko Prinsipe Kaizen," di ko sila matingnan ng matagal. Kinukudkod kasi ng paninubugho ang puso ko.

Simula ng bumalik ako ay ganito na lagi ang malimit na sitwasyon. Imbes na asikasuhin ni Kaizen ang pag aaral at ang ibang tungkulin nito sa university ay pambabae ang inaatupag nito.

Kaya apektado rin ang pag aaral ko, dahil lagi akong nakabuntot sa kanya. Kung di ito titigil edi ako na ang a-aksyon. Yung red cola ay may spell. Ang sino mang makainom nun ay mama-mantal ang buong mukha.

Nagpasya kong pasukan ang susunod na subject ko. Bahala si Kaizen kung magalit siya.

Maingay sa loob ng room namin.

Anong meron?

Lahat sila nakatayo sa unahan at may pinagkakaguluhan. Umupo ako sa upuan ko at binuksan ang libro para sa subject na pinasukan ko.

"Magsibalik kayo sa inyong upuan at nang mapakilala ko ng maayos ang bago niyong kaklase" guro namin ang nagsalita. Sinara ko muna sandali ang libro.

Siguro galing sa ibang class ang bagong kaklase namin. O di naman kaya ay---

"Prince Rave Agroan. Siya ang exchange student na ipinadala dito sa'ting university, kapalit ni Xenjo na mag aaral naman sa kanila." umugong ng malakas na ingay ang buong room.

"Maupo kana Mr. Agroan sa tabi ni Ms. Contessa" parang slow motion yung paglakad ni Rave papunta sa katabing upuan ko. Bagay na bagay rito ang school uniform nito.

Kimi niya kong nginitian. Pagtapos ay tumuon ang pansin niya sa white board. Alam kong nagpre-pretend siyang di ako kilala. Kaya siguro, mamaya nalang ako hihingi ng paliwanag kung bakit andito sa Vladimir University.

"Selena Contessa, may parusa ka sakin mamaya" boses ni Kaizen yun.

Nasa katabing upuan ko siya. Kanina pa kaya siya don?

"Huh?" tanging salita na lumabas sa bibig ko.

"Gumamit ka na naman ng spell" anito sabay baling sakin. Umiling ako upang itanggi ang paratang. Pero pinandilatan niya lang ako ng mata.

"Kaizen, Magpalagay ka nga ng aircon dito sa room. Ganito na ba ka pulubi ang school niyo" singit ni Rave na nagtanggal na ng pang ibabaw na polo.

Init na init ito at panay punas ng noo dahil sa pawis.

"Hayaan mo at bukas na bukas limang aircon ang ipapakabit ko Lobo" pakli ni Kaizen. "Kaya kung maari lang ay magkatawang tao ka muna, bago ka pa gawing hapunan ng mga bampira dito" ang kaninang taong si Rave ay nag anyong lobo pala.

Bumalik naman ito sa pagiging tao. Magulo ang buhok at naiirita. Inabutan ko siya ng baon kong tubig na may kalamigan. Hindi nito yun ininum. Bagkus ibinuhos nito yun sa buhok at walang pakialam kung mabasa ang kasuotan nito.

"Wala ka talagang munting kagandahang asal, Rave." pangungutya ng nasa kanan kong si Kaizen.

"Nagsalita ang bampirang puro yabang" buska ni Rave.

Hay ano bang gagawin ko sa kanilang dalawa? Tinakpan ko ang bibig nila ng tig-isa kong palad. Nakakahiya kasi sa guro naming kanina pa nagtuturo.

Hinawakan nilang parehas ang pulu-pulsuhan ko.

"Behave please" pinakinggan naman nila ko. Daig ko pa nag alaga ng dalawang batang hindi magkasundo.

Isang exhange student mula sa Wizzo. Ibig sabihin may iba pang mag-aaral ang darating sa Valdimir University. Sino-sino naman kaya sila?

Bulung-bulungan na may mang gagaling sa Xyfiria. Walang ibinigay na detalye ukol dun. Kung mangyayari nga iyon, pwedeng gulo ang maaring hatid ng bagong estudyante sa University.

-----------

A/N:

maraming salamat pong muli sa inyong pagsubabay.

Please leave a comment.

jriz_resha

Next chapter