Guardians of Majestic Blood

Selena Pov's

May apat na guardians ang majestic blood. Sila Rave at Eisley ang dalawa sa Guardians ko. May dalawa pa kong hindi kilala. Walang ideya si Hermina kung sino sila. Ang sabi niya'y parehas ang dugo ng mga ito. Subalit sadyang nag-iiba raw ang pinapakitang pangitain ng kawa ng tadhana.

"Selena, darating sila sa araw ng iyong kapahamakan." turan ni Hermina. Nasa basement kaming apat. Sina Rave at Eisley ay nakikinig na mabuti.

"Anong klaseng hinaharap ang meron ako pagkatapos ng aking kaarawan?" nakakabahala man ang mga nagaganap ay gusto ko yong panghandaan.

Si Eisley ang sumagot sa tanong ko. Tinaguan kasi ito ni Hermina. "Kamatayan." saglit na tumigil ang paligid. Maging si Rave ay nagkuyom nalang ng palad sa narinig.

"O, buhay na siyang maaring makasama't makabuti sa desisyong pipiliin mo." Bitin ang binitawang salita ni Eisley. Marami siyang nalalaman ngunit ayaw nitong lumampas ng higit pa.

"Piliin mong mabuhay" payo ni Hermina at inabot sakin ang isang kwintas. "Mas mahaba ang epekto ng spell na yan upang di ka maamoy ng mga bampira. Kami ni Eisley ang may gawa niyan kaya ingatan mong wag mawaglit sayo." si Rave na ang nagprisintang ikabit yun sa leeg ko. Ang lumang kwintas ay inalis nito. Isang silver necklace ang ipinalit ni Hermina. Korteng pana ang palawit niyon. Hindi pansinin dahil sa nipis. Pero ang kalidad non ay kasing tibay ng bakal pag nakabit.

"Salamat" ani ko pagtapos yon ikabit.

"Masanay ka na lagi kaming nakabuntot sayo Selena, Para yon sa kaligtasan mo" si Rave.

"Umaasa akong magiging matalino ka sa pagpili mo. Ang hinaharap ay babalik sa pasimula kung saan ay hihimukin kang mabuhay. At nangangamba akong wala ako sa tabi mo sa sandaling pipili ka." Ano ba 'tong pinagsasabi ni Hermina? Pinararating ba nito na dapat akong laging alerto?

Sa maraming taon naming magkasama ay alam kong hindi ako pinabayaan ni Hermina. Kaya bakit parang nagpapaalam ito?

"Whew! hindi ka namin hahayaang mapahamak, pangako yan" masiglang singit ni Rave.

Kahit may kaba ay pinilit kong maging positibo. Mailap man sila sa dapat kong malaman, marahil ay parte yon ng pag-iingat nila. Naiwan kami ni Hermina  sa basement nang ayain ni Eisley si Rave na umakyat muna sa taas.

"Si kaizen" wika nito.

"Anong meron sa kanya?" Sasabihin niya bang isa rin si Kaizen sa guardians ko?

"Nandito siya sa loob ng bahay. Tara na sa itaas at baka naiinip na ang prinsipe mo" namilog ang mata ko sa narinig.

"Kala ko Guardian ko siya" pero umakyat na si Hermina kaya sarili ko nalang ang sumagot sakin.

asa!


"MALAKI ang palasyo ko, bakit dito kayo sa kulungan ng ibon gustong tumira" nag-init ang tenga ko sa sinabi ni Kaizen.
Maliit lang ang tahanan namin at mas bahay pa yon kaysa sa palasyo niya.

"Kung lalaitin mo ang pamamahay namin ay umalis ka na" sinuri nito ang bawat sulok ng pamamahay namin. Nakakainis siya at nakaka-miss?

"Ganito pala ang itsura ng bahay ng nasa mababang uri" walang pakundangang umupo ito sa sofa. "Parang bahay ng isang ordinaryong tao." kinuha nito ang throw pillow na basta nalang inihagis sa kwarto kung saan naglalagi sila Rave.

"Lumabas kayo diyan! mga tsismosa" maya-maya pa ay lumabas si Rave. Nakasasunod dito si Eisley na nakahawak sa laylayan na damit ng binata.

"Kaizen naman, napag-usapan na natin ang bagay na ito" padaskol na sagot ni Rave.

"Kayo ni Eisley ay inihabilin sakin ng inyo-inyong mga magulang. Kaya may karapatan ako sa gusto kong gawin sa inyo" responsable rin pala si Kaizen. Iniintindi kasi nito ang kapakanan ng iba.

"Kumain muna kayo habang nagkwe-kwentuhan" naglapag si Hermina ng meryenda sa center table. Nakakunot lang ang noo ni Kaizen. Nagtatanong.

"Bat narito ka?" kay Hermina ang katanungang yon.

"Binabantayan ko si Eisley, kaya hayaan mo nang andito sila" nalilito ko sa pinag sasabi ni Hermina. Siya ang tagabantay ko kaya bakit sinabi nitong si Eisley ang binabantayan nito?

"Ikaw rin ang tagabantay ni Selena?" bat ang daming tanong ni Kaizen?

"Oo, simula ng maulila siya." hindi nagkaila sa bagay na yon si Hermina. Parang isang pag-susulit ang pina-aabot ng pag-amin nito.

"Pumunta tayo sa kabilang mundo bukas!" ang tuwang-tuwang si Eisley ay yapos ang anyong lobong si Rave.

"Hindi!"

"Kaizen naman eh, kaarawan ko yun" giit ni Eisley.

"Nasasakal muna si Rave" pag-aalala ko.

nang makawala ang lobo ay tumakbo ito sakin. Kumalong sa kandungan ko. Ang cute talaga ni Rave pag baby wolf siya.

"San naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa Enchanted Kingdom!" na-excite ako sa nalaman.

"Sige punta tayo, papayag si Hermina kasi kasama ko kayo" kumahol si Rave bilang pagsang-ayon.

Tinaasan ni Eisley ng kilay ang prinsipeng nakakunot ang noo.

"Sasama ako para bantayan kayo. Bawal gumamit ng anumang uri ng spell. At ikaw Rave" dinuro nito ang lobo. "Iwasan mong magpalit anyo."

Nag-apir kami ni Eisley.

Sinimangutan lang kami ni Kaizen.

= = = =

"HANDA na siya para sa binabalak mo" matapos nitong iturok ang huling virus na di madaling matukoy ay pinagmasdan nito ang babaeng wala pa ring malay.

"Ilang araw bago siya magising?" para sa katuparan ng kanyang plano ay mahalaga ang bawat oras.

"Kasabay ng paglubog ng araw ang kanyang pag gising bukas. Natititayak kong walang ibang susundin ang obra mo kundi ikaw, Quillon" nasa harap niya si Hedus. Kalubot na ang balat nito. Katandaan na siyang nagpapatunay ng kahabaan ng pananatili nito sa mundo. Ang bampirang kalaban ng lahat ng kaharian. Dito niya ibinenta ang kanyang pagkatao't kaluluwa simula ng malaman niyang kailanman ay di siya magiging hari ng Hilvano.

"Tama ka, ako lang ang susundin niya. Dahil kung susuway siya'y kamatayan ang kaparusahan," magsasaya ang kapatid niya ngayon. Pero sa susunod na araw ay magiging masayang tanawing  makita si Kaizen na nabubuhay sa nakaraan. "Ngayon palang ay ramdam ko na ang tagumpay. Ibabalik ko sa buhay niya ang mga taong sisira sa depensa niya" ngumisi siya. Sa tamang pagkakataong ito'y, lahat ay umaayon sa plano niya.

Oh! aking Lara, durugin mo si Kaizen para sakin.

====

A/N:

Hope you like this part:)..

next part...

"Let's go EK!"

tapos ay---

"Lara"

salamat po sa inyong pagsubaybay...^_^  pasensya na ulit sa mabagal na UD..

love you all...

jriz_resha

Next chapter