6 Sweet Darkness

Selena Pov's

Dalawang araw ang naging pagsusuri sa lahat ng bampira sa Vladimir University. Bukod kay Howard ay may anim pang estudyante ang napag-alaman na isa nang zepto. At dahil sa nangyari ay mas lalong hinigpitan ang pagbabatantay. Hindi lang sa buong university, kundi sa buong nasasakupan ng Hilvano.

Ang Hilvano ang may pinaka malaking kaharian sa tagong mundo. At ang Hilvano ay pamumunuan ng bagong hari sa katauhan ni Kaizen, pagdating ng araw.

Ang katabi nitong mga kaharian ay may ibat-ibang klaseng nilalang ang namumuno.

Limang Lupaing magkakaiba ng katauhan. Mga nilalang na akala ng iba ay hindi totoo at kathang-isip lang.

Hilvano, Wizzo, Adreline, Mrunos at Xyfiria.

At ang hindi mo gustong mapuntahan ay ang huling nabanggit.

Si Hedus ang diablong Bampira. Hanggat may pagkakataon ay naghahasik ito ng kasamaan. Panginoon ito ng mga bampirang inialay ang buhay, magkamit lang ng buhay na walang hanggan sa maling paraan.

Ang pagiging zepto ni Howard ay alam ko. Sapagkat matagal na kong tinuruan ni Hermina ng kanilang mga pagkakaiba at pagkakakilanlan.

Ang Vampirocism na isinasagawa sa mga patay nang bampira ay magdudulot ng hindi perpektong pagkabuhay. Mabubuhay itong normal. Ngunit sa katagalan ay lalabas ang palatandaan na ito'y isa nang zepto.

Hindi mamatay ang mga uri nila ng basta-basta. Kailangan ay patamaan mo ito sa puso ng tatlong palasò. Kaya bata palang ako ay sinanay na ko ni Hermina sa pag-gamit ng pana at sa iba pang maaaring pamuksa sa mga bampirang magtatangka sa buhay ko.

Walang nakapansin sa pag itim ng buong mga mata ni Howard ng araw na mapatay ko siya.

Hindi na ko nag isip pa.

Anumang sandali ay magbabago siya ng anyo. At ako ang pupuntiryahin niya.

He smelled, that I am human.

Pag naging Zepto ka. Ang pandama at pang-amoy mo ay magiging mapanghanap. Madali nilang nalalaman kung ang kaharap nila ay tao.

Kaya pala malimit ko siyang mapansin na nakatingin sakin. Inakala kong mali ang una kong hinala sa kanya. Napatunayan ko lang na tama ako, nang hindi nakatingin si Kaizen non ay lumabas sa noo niya ang pabaliktad na krus. Nawala man yun agad ay wala na kong sinayang na sandali. Kung aantayin ko pang mabago siya ng anyo ay magiging delikado ang lahat para sakin.

Kaya nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong, hindi ako paparusahan sa kapangahasan ko.

Ang Class A ay hindi nagbago ng turing sakin. Imbes na magpasalamat sila ay lalo nila kong pinariringgan. Keso ako daw ay pasikat.

Nagtalaga si Kaizen ng mga kawal sa palibot ng unibersidad. Pinaghahanda din nito ang buong kaharian sa maari pang mangyari.

Natapos ang klase ko sa araw na ito. Uuwi ako ng diretso sa bahay. Ni wala akong kaibigan sa mundo ng mga bampira. Walang Prinsipe ang mangungulit sakin ngayon. Simula ng mawala si Howard ay di pa pumapasok si Kaizen.

Ayon sa nasagap kong balita ay nasa mundo ito ng mga tao. Walang katiyakan ang pagbabalik nito.

======

DUMAAN ako sa kasukalan pauwi. Mangunguha rin kasi ako ng kabute na inihabilin ni Hermina.

Walang nagagawi dun kaya panatag ang loob ko.

Ang unang kaluskos ay hindi ko pinansin. Patuloy ako sa pagkuha ng kabute.

Ungol ng isang hayop ang naulingan ko.

Maliit na hayop, ayon sa paghibik nito. Nagpasya kong silipin ang nasa likod ng malaking puno. Dun ko narinig ang ungol at kaluskos.

Tumambad sakin ang sugatang hayop. Nahabag ako sa kanyang kalagayan. Dali-dali kong kinuha ang balabal na nasa bag ko at mabilis na binalot ang hayop sa tela.

"Anong nangyari sa'yo, Susme siguradong walang magawang mga bampira ang may gawa sayo nito" umungol lang ang hayop na sinasabi yatang tama ako. Lumigid ang mata ko sa paligid. Puro dugo ang naroon. Hindi na yun sariwa.

Ibig bang sabihin ay ilang araw na siyang andito?

Sa mundo ng tao ako nakakita ng hayop na ito. Hawig siya ng isang aso. Siberian Huskies kung tama ako. Ngunit ito nga ba yon?

Mabilis akong umalis sa lugar na yon. Ang hayop ay sumiksik sakin ng husto. Humuhuni ito ng munting ungol. Naawa ako sa kalagayan niya.  Parang may tinatawag ito. Baka Nanay niya.

"Hushh, Pagagalingin kita. Wag ka munang mamatay" kausap ko dito.

======

BUSY ako sa pagsusulat ng sagot sa aming munting pag-susulit. Binibilisan ko na ang pagsulat dahil inaalala ko ang kalagayan ng aking pasyente. Yung hayop na nakuha ko sa kakahuyan.

Habang tumatagal kasi ay nanghihina ito. Mabuti nalang at nasa kabilang mundo si Hermina. Sabi niya ay magtatagal ito don ng isang buwan.

"Alipin"

Arghhh pati sa isip ko tinatawag ako ni Kaizen.

"Itigil mo ang pagkausap mo sa sarili mo!"

Sa pag angat ko ng ulo, ay nagulat akong nasa harapan ko siya.

Matiim itong nakatingin sakin. Nakasimangot na parang batang hindi pinansin agad.

Lumukso ang puso ko sa tuwa ng makita siya. Gusto ko siyang yakapin ngunit nagpigil ako.

Naalala ko na kailangan kong matapos ang sinasagutan ko.

"Kung tatapusin mo pa yan, magseselos ako sa walang kwentang papel na hindi mo gugustuhing magkapira-piraso"

What did he say?

Inismiran ko siya at tinigilan ang pagsulat.

"Palibhasa prinsipe ka kaya apurado ka lagi" pang-iinis ko.

"Dapat mong tandaan na pag ako ang sinisilbihan mo ay lagi kang maghanda" angil nito.

Sa inis ko ay pinasa ko na ang papel, kahit di pa ko tapos.

Ang mga bampira namang nandon ay masama na naman ang tingin sakin. Nakakaasar na hindi man lang yata sila marunong ipagtanggol ang kapwa nila.

Nang makalabas kami ay may kabayong nakahanda sa labas ng gate.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Nangangati na ang paa ko para umuwi.

"Samahan mo ko sa aking pangangaso" nagpatiuna siyang sumakay. Inilahad niya ang palad niya upang makasakay ako sa likuran niya. "Bilisan mo Selena, maganda ang panahon ngayon upang mag-isip ka pa ng dahilan"

Napapiksi nalang ako sa inis.

"Pakiusap kailangan kong umuwi agad" pununubok kong sabi.

"Ang oras mo ay akin. Kaya masanay kang igugol ang panahon mo sakin habang magkasama tayo" gustuhin ko mang gumulong sa kilig, ay mas lalo akong naiinis sa pinagsasabi niya.

Kaya padabog nalang akong sumunod.

Pagdating namin sa parâng ay naaliw naman ako sa bilis niyang manghuli ng ibon. 

Papalubong na ang araw ngunit di pa rin tumitigil si Kaizen sa panghuhuli.

"Kung di naman nakakaabala sayo mahal na prinsipe, ay uuwi na talaga ko sa ayaw o gusto mo" tutol man ang puso ko sa pag-alis ay may bumubulong saking magmadaling lumisan na.

Mabilis pa sa hangin ang naging paglapit niya sakin. Bahagya akong napaatras. Wala ni isang pawis ang namuo sa kanyang mukha kahit pa maliksi ang naging pag galaw niya.

"Kanina papel" kumunot pa ang noo nito "Ngayon naman bahay. Mas gusto mo silang bigyan ng pansin kaysa sakin"

Naumid ang dila ko para magsalita. Ano na naman ba ang gusto niyang ipunto?

Tinulak ko siya ng bahagya kasi ang lapit-lapit niya na eh.

"Intindihin mo sanang tulad mo ay may nag-aalala rin sakin." sinabi ko yun habang sa paa ko ako nakatingin.

Naramdaman ko nalang na pinatong niya ang palad niya sa bumbunan ko.

Bumuntong-hininga na sumusuko sa sinabi ko.

"Selena, pagbibigyan kita ngayon. Pero sa susunod, ayaw ko na bigla ka nalang aalis" Humakbang siya palayo sakin at nagpatiunang umangkas sa kabayo.

Inalalayan niya kong makasakay ulit tulad kanina. Lihim akong napangiti.

Next time, magtatagal talaga ko sa tabi mo.

====

Hmmm sana magustuhan niyo. Kung may violent reaction ay okay lang po.

Salamat.

jriz_resha

Next chapter