7 Healed

Kaizen Pov's

"Itigil mo ang pagdududa sa kapatid mo Kaizen." may diing utos ng Ama kong hari. Nasa tabi nito ang aking Ina na tahimik lang sa aming pag-uusap.  "Walang basehan para lagi mo siyang ituring na salarin, sa mga krimeng nagaganap dito sa Hilvano" Pagtatanggol nito sa anak nitong bastardo.

Kahit kailan talaga ay pusong mamon si King Condrad. Ngunit hindi ko mapapalampas na lagi niyang pinapaboran ang taong isinumpa kong ibabaon sa ilalim ng lupa. Kasama ng kaniyang pagkakakilanlan.

"May mga ebidensya akong nakalap, Upang patunayan ang mga hinala ko, Aking Ama"  katulad ng dati ay nagkibit-balikat lang ito.

Nagsalin ito ng red cola sa kopita at inubos ang laman non.

"Naalala mo pa ba ang naging pagbabago sa propesiya?" sadya yatang mas pinaniniwalaan ng mahal na hari ang bagong propesiyang nakatanim sa isip nito.

Hinintay ko ang kanyang kasagutan. Magmula nang mawala ang una at pangalawang anak nito ay wala na itong itinirang pag-asa para sa akin.

"May hahalili sayo na mas malakas. Isang bampirang nagmula rin sa ating bloodline" itinuro nito ang buwang nagliliwanag sa kalangitan. "Nakikita ko ang liwanag sa tinatawag mong bastardo Kaizen" Pagpapatunay nito.

"Liwanag na siya niyang, ibinubulag sa inyo. Subalit ang totoo'y kadiliman ang bumabalot sa buo niyang pagkatao" may laman ang mga binitawan kong pahaging.

Wala itong tugon. Lumagok muli ito ng isang kopita pa ng red cola. Napapadalas ang pag inom nito niyon. Karaniwan kasi ay isang kopita sa bawat araw ang nauubos nito. Ang aking Ina ay hindi na palakibo. Sunod-sunuran ito sa anumang sabihin ng esposo. May nagbabago sa kanila na ngayon ko lang nabibigyan pansin.

"Sa'tin ang Hilvano, Kaizen" sambitla nito. "Subalit rumurupok ang iyong depensa. Malabo ang nakikitang hinaharap ng kaharian sayo"

"Iyan ay pawang mga hula. Hah! si Quillon ba ang nagsabi sa inyo ng mga bagay na yan?" Ang anay ay nagsisimulang manira ng samahan naming mag Ama.

"Lahat ng sinabi niya ay wala pa ni isang mintis" paninindigan nito.

"Dahil unti-unti niyang nilalason ang utak niyo" may pagtaas ang aking tono.

Sa pagtakip ng itim na ulap sa buwan ay nabalot ng kadiliman ang paligid.

Lilang mga mata ay nagtatagisan sa patatagan. Subalit ang magpaparaya sa tunggaliang yon ay ang batang Vladimir.

"Akin ang Hilvano."

"Patunayan mo Kaizen."

Hamon ng aking Ama.

"Kamahalan, ang majestic blood ay namataan sa mundo ng mga tao. Ang inyong anak na si Quillon ay nauna na pong umalis" Isang vampire ranger ang nagbalita. "Limang minuto na po ang nakakalipas."

Naging alerto ang aking pandinig.

"At ngayon niyo lang yan ipinarating sakin!" asik ko.

"Paumanhin mahal na prinsipe, akala po namin ay may mahalaga kayong pinag uusapan" nakayukod na sagot ng ranger.

Wala nang dahilan para manatili pa ko sa Hilvano. Dapat kong maunahan ang bastardong yon sa paghuli sa majestic blood.

===

Ang sumalubong sakin sa isang klinika ay magulong tanawin. Wasak ang kabuuan ng lugar. Ilang mga hayop ang nagsusumiksik sa kanilang mga kulungan. Wari bang kanina pa sila ganon. Kumikisap-kisap na ilaw ang siyang tanging liwanag sa kabuuan niyon. Mabuti nalang at mas sanay ang mata ko sa dilim.

Dalawang bulto ang naaninag ko.

"Nasaan ang Hinirang!" marahas na tanong ng isa.

"Hindi ko alam panginoon, may nagtanggol sa kanya ng akin sana siyang dadakpin" garalgal na depensa nito.

Hindi nila namalayang nakikinig ako. Nakikinig na may pag ngit-ngit.

"Tao ang hinirang. Kaya paanong halos mawasak 'tong lugar huh! Siguro ay naghangad ka rin sa kanya, kaya mas inuna mo ang sarili mong kasuwapangan!"

ramdam ko ang panghihinayang at galit sa tono ng nagsalita.

"Bastardo, mana sayo ang yong tagasunod. Suwapang!" ngumisi ako at nagpakita sa kanilang dalawa.

Ang pinagagalitan nitong suwail ay may kipkip na kung ano. Nakadaop ito sa kanyang palad. Ingat na ingat sa bagay na hindi ko alam.

"Wag kang mangialam. Ako ang nauna rito!" mas inintindi ko ang pagsipat sa itinatago ng bampirang may saya sa mata.

Inilahad ko ang aking kamay. Nagunit mas kinipkip pa nito yon. Kaya binigwasan ko siya na halos ikaalis niya sa pwesto. Nakuha ko ang hawak niya at dila ko'y nasabik na tikman ang kaunting likidong naroon.

May humawak sa balikat ko.

"Iyan ang dugo ng Hinirang, Ibigay mo sakin yan!" sigaw ni Quillon.

Dinakip ko ang kanyang kamay at walang babalang ubod lakas ko siyang inihagis sa wasak-wasak na lamesang andun.

"Rawr!" Angil ko.  Hindi ko makontrol ang aking sarili. Napakabango ng dugong nasaloob ng maliit na injection.

Anong pumasok sa isip mo Majestic Blood, at nagpaparamdam ka ngayon? 

Wala sa sariling  inilapit ko yun saking ilong. Puno ng kasabikang matikman ang kapiranggot nitong dugo.

Itinaas ko yun upang mapagmasdan ng ilang sandali.

Sabik na ang aking dila upang matikman yon.

Isang bolang apoy ang biglang tumungo sa kinaroonan ko. Pinuntirya nito ang hawak ko, na ngayon ay tinutupok na ng apoy.

"Anong ginawa mo!" Hibang ba ito?!

"Walang ibang magiging malakas sa'tin,  kundi ako lang Kaizen!"  Nakatayo si Quillon at pinagpag ang suot nito.

Tuluyang naging asul ang aking mata.

Galit.

Pinaghaharian ako ng damdaming yan.

Pinalitaw ko ang mahahaba kong kuko. Ginamit ang bilis na hindi nito magaya-gaya.

Nakangisi pa rin ito kahit nasalikod niya na ko.

"Ang dapat sayo'y binubusalan ng bato sa bibig" banta ko dito.

"Magagawa mo kaya?" humarap ito sakin na asul rin ang mata "Ako na ang papalit sayo Kaizen! at hindi ako papayang na mas mauna kang makatikim ng dugo ng hinirang!"

Isang malakas na pag atake sana ang ipapalasap ko sa kanya nang mawala na naman ito.

Naiwan akong mag-isa.

Pinagdiskithan ko ang bampirang kanina ay nabigwasan ko.

"Bakit narito ang Majestic Blood!" angil ko.

Idinilat nito ang isang mata.

Ngunit bago pa niya masagot ang tanong ko ay nawalan na ito ng buhay.

Naipon ang galit ko sa kawalang kasagutan. At ang bastardong yon ay dumagdag pa.

Lalo mo kong tinatakam Majestic Blood!

=====

PUTING kisame ang una kong nasilayan. Antok na antok pa ang aking pakiramdam. Ngunit kailangan kong iligtas ang hayop na aking yakap.

"Matulog ka Selena, mataas pa ang lagnat mo" boses ni Hermina yon!

"Ang hayop, kailangan ko siyang iligtas. Tulungan mo ko" umalpas ang luha sa sulok ng aking mga mata.

"Lahat tayo ay ligtas. Maayos na ang kalagayan ng alaga mo. Kaya wag kana mag alala pa"  ipinikit kong muli ang talukap ng aking mata. Iyon lang ang gusto kong marinig. Sa susunod na pag gising ko ay tsaka na ko magtatanong ng ilang mga bagay.

---

Pagbungad niya sa veterinary clinic ay nagkaingay ang mga nakakulong na hayop na naroon.

Ang mga ibon ay walang humpay sa paglikha ng huning pag-kagalak at kalungkutan. Patuloy ang  pag i-ingay ng mga hayop, may kapansanan man o wala.

Agad siyang dinaluhan ng vet doctor. Sinuri ang hayop na kanyang dala.

"Ang markang nakatatak sa kanyang noo. Ikaw ba ang may lagay?"  tanong nito sa kanya.

Umiling siya bilang sagot. Simula ng makuha niya ang batang hayop, ay nandon na iyon.

"Patawad ngunit anumang sandali ay babawian na siya ng buhay" sinipat nito ang bahaging may benda "Ang kaharian ng Wizzo ay paniguradong magda-dalamhati."

Wala siyang maintindihan sa huling sinabi nito. Ang naunang salita ang pumasok sa kanyang isipan.

Iniwan sila ng vet doctor. Lalong nagkaingay ang mga hayop. Ang magkapatong na buwan at bituin sa noo nito ay biglang nagliwanag.

Ungol nitong humihingi ng animo'y tulong. Kaya yon ang nag trigger sa kanyang gawin ang hindi nararapat.

Gamit ang isang injection ay kumuha siya ng dugong nagmula sa kanya. Itinurok yon sa hayop at ang sumunod ay ang pagtalsik siya sa kulungang andon.

Pinilit niyang makatayo. Nagimbal siya ng masilayan ang vet doctor. Litaw ang matulis nitong mga pangil.

Bampira!

Lihim ang pagpunta niya sa mundo ng tao. Kaligtasan ng hayop ang gusto niyang isalba. Ngunit sino naman ang sasagip sa kanya ngayon?

Hahatawin nito ang hayop na nasa mesa gamit ang baseball bat. Mabilis kong kinuha ang hayop pero nahagip parin ako ng pamalo nito. Tiniis ko ang sakit saking braso.

"Palasapin mo ko ng yong dugo majestic blood!" parang baliw ito habang sinasabi yon.

Inihanda niya ang sarili. Ibinuka niya ang  palad upang palutangin ang lamesa. Umusal siya ng spell.

"Exotus!"

Humagis dito ang lamesa at wasak yong tumalsik kasama ng bampira.

Ang ilang mga aparatong andon ay handa niya nang gamitin pananggalang. Naliliyo siya ng di malaman. Paghawak sa noo ay may dugong umagos don. Nanlalabo ang kanyang paningin. Mukang katapusan niya na.

Tinig ng isang babae ang narinig niya. Gumamit rin ito ng spell tulad ng sinambit niya kanina.

"Exotus!"

Kalabog ng mga kagamitan ang sumunod na narinig niya.

Ramdam niya ang pagbuhat nito sa kanya at ang pagsasabi nito ng bagong spell.

"Tario!"

Ibig sabihin ay pagbubukas ng demension patungo sa mundo ng mga bampira.

Hangggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

====

A/N:

 maraming salamat pong muli sa pagbabasa.

may tanong kayo? Hmm basta marami pang magaganap.

Tingin niyo si Quillon yung tinutukoy ni King Condrad? hmmm ^_^ abangan. pro malayo pa yung part na yun..

jriz_resha

Next chapter