Let's go EK!

Selena Pov's

"Ang gwapo at ang ganda naman nila!" tilian ng mga kababaihang naroon.

"Ang galing naman nilang mag cosplay costume."

"Tara pa-picture tayo" ilang mga estudyanteng babae ang nagsilapit samin, Pero kila Rave at Kaizen sila nagkagulo.

Papicture pala samin hah!

"Ang lupet ng uniform niyo, ginaya niyo pa talaga sa code geass" panunuri ng isang nerd na lalaking mangha-mangha samin. "Pati contact lens ay bagay sa inyo. Maliban lang sayo miss na nag costume lang. Nag-effort ka ba? o nang-aasar?" turo nito sakin. Aba't nerd na nga siya'y mapanlait pa.

Di ko na sana papansinin pero heto si Kaizen lumapit na samin.

"Naasar ako sayo, kaya lumayo ka nga taong ipis" nalukot ang muka ng lalaking nanlait sakin.

"Salbahe!" kutya nito at lumayo.

Umiling nalang kami ni Eisley. Madaling maputol ang timpi ni Kaizen. Nakakapagtakang overprotective siya.

Pulos mga estudyante ang kasabay namin. Siguro yung iba ay fieldtrip. Nasa tapat kami ng space shuttle. Dahil mahaba pa ang pila roon ay nandito muna kami sa ilang game booths. Gustuhin ko mang makuha ang malaking pandang stuff toy ay sablay ako sa game kung saan naroon kami. Kanina pa kami ni Eisley nagta-try sa larong yon. Patatayuin ang bote gamit ang pamingwit. Bilog ang dulo ng pamingwit na yari sa kahoy at dahil bawal ang spell ay hirap na hirap kaming patayuin ang bote.

"Suko na ko" pakli ni Eisley.

Nafu-frustrate ako. Gusto ko talaga yung panda!

"Tara sakay tayo sa Rio Grande!" tumakbo si Rave palapit samin. May tangan itong stuff toy na unggoy.

"Oh sayo nalang Selena" abot nito sakin pero ayaw ko.

"Panda gusto ko" salbahe na kung salbahe pero di ko type ang unggoy.

"Si Kaizen?" magkasama kasi ang dalawa kanina. Nagkayayaan sa pang lalaking rides daw.

"Nandon sa Rialto nagbabayad sa nasirang 3D shades" sabay halakhak.

Nagkatinginan kami ni Eisley. Maya-maya ay nasa likod na ni Rave ang pinagtatawanan nito.

Isang malakas na kutos ang binigay nito sa loko-lokong lobo.

"Aray! kasalanan ko bang nerbiyoso ka!" asaran mode na naman sila.

"Tahimik!" sikmat ni Kaizen na tila hinang-hina.

"Sa anchors away mo muna ko samahan lobo" yaya ni Eisley kay Rave. Tumalima naman ito at di kami inaya. Ang sama lang di ba?

"May lugar ba na walang araw?" may munting usok na lumalabas sa katawan ni Kaizen.

Luminga ako at nagbabakasakaling may makita akong madilim na pwedeng pagtambayan.

"Don tayo sa horror house" inakay ko siya papunta don. Matapos magbayad ay pumasok na kami.

Mga nakakatakot na nilalang ang nanggulat samin. Napahawak ako sa braso ni Kaizen na medyo lupaypay pa rin. Katirikan kasi ng araw kaya di siguro nito inakalang mas matindi ang sikat dito sa mundo ng mga tao. Sa Hilvano kasi ay mas mahaba ang gabi kaysa liwanag.

Nagsisigaw ko ng may gumulat saking may pakpak na babae. Hati ang katawan nito.

"Wui Kaizen lumabas na tayo!" Dahil medyo madilim ay di ko siya gaanong maaninang.May bulto akong nakita malapit sa kabaong. Tinatanggal ni Kaizen ang dummy na patay don.

"Gawang tao lang ang mga yan. Huminahon ka Selena" Nang maalis nito ang dummy ay ito ang pumalit sa kabaong. Tinakpan nito ang sarili ng takip non.

Kinatok ko yun ng maraming beses. Deadma lang siya kaya nilakasan ko yung pang katok sa kabaong kung saan nasa loob siya.

"Nakakatakot dito.Tabi tayo diyan" may huni ng matinis na ibon. Nakakatakot na tunog ang pumapailanlang sa kadiliman.

Sa dulong pasilyo ay tila may mga yabang. Kaya bago pa ko makasigaw ay nasa loob na ko ng kabaong. May kalakihan din pala yun. Nasa gilid ako ni Kaizen, naksiksik. Infairness mabango ang prinsipeng bampira.

"Kaizen" mahinang tawag ko.

"Shss, maya-maya ay lulubong na ang pesteng araw. Dumito muna tayo." katahimikan ang namayani. Huminto ang tibok ng puso nito. Indikasyon na pansamantala itong mamamahinga. Kaya pumikit na rin ako at sinulit na ganito siya kalapit sakin.

=====
Kaizen Pov's

PAPALUBOG na ang araw ng lumabas ako sa horror house ng mag-isa. Nagulat ko pa ang ilang mga kabataang kasalukuyang nandon din sa loob. Sila ba naman makakita ng taong basta nalang bumangon sa kabaong.

"Buti lumabas kana sa lungga mo Kaizen" puna ni Eisley na hawak ang unggoy ni Rave. Nakuha namin ang premyong yon sa isang game na tatawid sa tulay. Magaling Bumalanse ang lobo kaya walang hirap nitong nakuha ang premyo.

"Nasaan ang dalawa?" nginuso nito ang pila sa space shuttle. Andon ang hinahanap ko nakapila.

"Alam mo gusto ni Selena na makuha yung pandang yan" turo nito sa pandang nakasabit. "Kaso ang hirap patayuin ng bote" nagkibit balikat nalang ito.

Pinuntahan ko ang sinabi nito at tumingin sa mga nagta-try ng larong yon. Medyo may kahirapan nga.

"Miss isa nga!" nagconcentrate ko upang maitayo ang bote.

"Isa pa!"

"Isa pa!"

"Isa pa!"

Umiinit na ang ulo ko sa larong 'to. Nakakailan na kong try pero laging palpak.

"Need my help?" Mapang-asar na offer ni Eisley. Tinapunan ko siya ng matalim.

"Isa pa!" pati yata ang mga staff roon ay pinagtatawanan nalang ako. May click at flash ng camera akong naramdaman. Kanina pa ay alam kong may panakaw na kumukuha ng litrato ko.

Mas matindi nga lang ang mithiin kong makuha ang premyo, kaya kaysa singhalan ang mga taong ito'y di ko nalang sila pinansin.

Kalaunan ay----

"Witch--- Gamitin mo na" pagsuko ko.

Tumango lang siya. Alam niya ang sinabi ko. Kaya ang huling---

"Isa pa!" siguradong mauuwi ko na ang premyo.

para kay Selena. bilang pasasalamat.

====
Selena Pov's

"WOW! salamat Kaizen!" yakap ko ang malaking pandang kanina lang ay pinagsisikapan kong mapalalunan. Kabababa lang namin ni Rave sa space shuttle feeling ko naiwan pa roon ang kaluluwa ko. Pero ang tibok ng puso ko'y walang tigil sa kasiyahang nadarama.

"Tsamba lang yan" parinig ni Rave na nakatawa.

"Paano kasi--" di na natuloy ni Eisley ang sasabihin dahil may bumunggo dito. Dalawang lalaking basta nalang dumaan mula sa likuran nito.

"Mga hijo, humingi kayo ng sorry sa binibining nabangga niyo" sita ni Rave. Maging si Kaizen ay disgusto ang itsura sa dalawang teenagers.

"Tanga siya at di tumabi" maangas na sabi ng isang isa.

"Sorry niyo muka niyo!" sabi pa ng kasama nito at kumaripas ang mga ito ng takbo.

"Rave, wag muna patulan mga bata lang yan" pag-awat ni Eisley. Tumalima naman ito. May pag aalalang nilapitan ko ang nabuggong si Eisley. Sumenyas itong ayos lang at ngumiti.

Nawala tuloy sa isip ko yung sinasabi niya kanina.

"Sakay tayong Rio Grande, tamang-tama at kumpleto tayong sasakay ng rides" pag-aya ko. Game naman sila.

Kaya nung nasa rides na ay tawang-tawa kami. Si Kaizen kasi ang pinaka 'nabasa sa'min. Todo reklamo ito na kesyo di daw tamang mabasa ang prinsipeng tulad niya. Kantiyaw ang inabot nito kay Rave.

ILANG sandali nalang ay fireworks display na. Mabilis natuyo ang damit namin. Salamat kay Eisley na pinayagan ni Kaizen na gamitin ang spell nito. Tutal lahat naman kami ay nakinabang.

Matagal na panahong di ko naranasan ang ganito.

Ang magsaya.

Mga nalalabing buwan. Ano pa kaya ang magaganap? Wala akong kapangyarihang itigil ang oras. Ang pagpapatuloy ng ikot ng mundo ay di ko matitigil.

Kaya sulitin mo ang lahat.

Pumunta muna kami ni Eisley saglit sa Restroom pagtapos ng fireworks display. Naabutan naming nag hi-five na naman ang dalawang binata.

"Magtitino na ang mga yon" si Rave.

"Dapat lang. Kundi dudukutin ko ang mga puso nila at luluray-lurayin" may kalokohan na naman siguro silang ginawa.

"Maniwala kayo may halimaw sa loob ng horror house!" nahihintakutang tungayaw ng dalawang lalaking pamilyar sakin. Sila ang bumunggo kay Eisley!

"Display lang po siguro yun" naiiling na wika ng isang staff.

Tikom bibig ang dalawa. Maang-maangan na naman.

"Uwi na tayo" wala ba silang ipapaliwanang? Kunsabagay di ko sila maintindihan sa ibang pinang-gagawa nila.

"Tario!" pagbubukas ng daan patungo sa aming mundo.

Sana makabalik ako sa lugar na ito. Sana lang talaga ay marami pa kong oras.

===
3rd Person

"Uy, kayo pala yan mga duwag!" ito yung mga sutil na batang bumunggo kay Eisley kanina.

"Hoy! mga bahag ang buntot!" hindi ba alam ng dalawang ito na ang kaharap nila ay mga prinsipe na marami nang pinatay at pinahirapan sa kanilang mundo?

"Kaizen, bigyan natin ng munting aral itong mga daga" pakli ni Rave. Kaaalis lang kasi nila Selena upang magbanyo. Tapos ay sumulpot ang mga ito sa harap nila.

"Sinong daga!" kala mo ay susuwag na toro ang lalaking apektado sa inihambing ni Rave dito.

"Tama ka lobo, ipakita natin sa mga ito kung paano ang tamang asal" dahil wala nang masyadong tao ay parang bulalakaw na napunta ang apat sa loob ng horror house.

Ayan. Ang mga daga'y nakakita ng pusa.

"Mga halimaw!" sabay pa sila. Sa aura ng dalawang taong to'y, ramdam ng dalawang prinsipe ang hintakot na dumapo sa mga ito.

Sino ngayon ang duwag?

"Pagbibigyan namin kayong mabuhay. Baguhin niyo ang ugali niyong, katulad ng sa daga." mahinahong usal ni Kaizen.

May kalakasang sapok ang dumapo sa dalawang teenager na hindi man lang sumagot.

"Sapok lang yan. Matakot kayo pag nagalit ako" si Rave na kanina pa mainit ang ulo sa dalawa.

"Yan lang ba ang kaya niyo? mga duwag! black magic siguro ang alam niyo!" sumagot pa talaga ang mga dagang 'to.

"Edi pagbibigyan ko ang gusto mo hijo" ang totoong anyo ni Rave ang pinakita nito. Halos takasan ng dugo ang itsura ng dalawang lalaki. Nagsisisgaw ang mga ito at humanap ng malalabasan sa horror house.

Hinuli ni Kaizen ang kwelyo ng dalawa. Nagpupumiglas pa ang mga ito.

"Sakin kayo mas matakot. Baguhin niyo ang pag uugali niyo. Dahil babalikan namin kayo at di na bubuhayin sa pagkakataong yon!" at binalya ito ni Kaizen sa sahig. Kumaripas ang mga ito ng takbo. Nag-uunahan sa exit door.

"Ampangit mo pala sa tunay na anyo, lobo" pang-uuyam ng prinsipe ng Hilvano.

"Malabo lang ang mata mo" balik kutya ng prinsipe ng Wizzo.

Simpleng biruan lang nila yon. Simpleng mga bagay na minsan lang mangyari.

===

next chapter: Lara Crane

jriz_resha