Meeting Quiel

Katatapos lamang maligo at maghapunan ni Eliza…The warm bath made her feel good.Kahit paano ay natanggal na rin ang pinagsama-samang pawis at alikabok sa kanyang buong katawan. Kasalukuyan siyang umiinom ng mainit na tsokolate sa may living room.


She smiled,while feeling satisfied.
Patuloy pa rin ang malakas na buhos ng ulan,and she liked this kind of peacefulness…


Matapos noon ay iginala ni Eliza ang kanyang paningin sa buong sala.
Napakalawak ng sala na iyon and it has a classic feel on it.Biglang napadako ang kanyang tingin sa isang lamesita kung saan naka-display ang mga picture frames…Nakita niya ang larawan ng isang mag-asawa. Parang hinaplos ang kanyang puso dahil kitang-kita niya sa mukha ng mga ito ang pagmamahal habang nakatingin sila sa bawat isa. 


"Welcome to Hacienda Miranda,Eliza.
"


Napapitlag si Eliza mula sa kanyang kinatatayuan nang muli niyang marinig ang baritonong boses ng lalaki na tumulong sa kanya sa pagpasok sa hacienda.
Matapos siya nitong maihatid kanina ay inutusan nito agad ang isa sa mga kasambahay sa hacienda na papasukin siya sa napakalaki at engrandeng mansiyon upang maligo at magpalit ng damit dahil nabasa sila ng ulan. Magpapasalamat na sana siya sa lalaki ngunit hindi na niya nagawa iyon dahil nanginginig niya ang kanyang buong katawan sa lamig. Napagpasiyahan niya na magpasalamat sa lalaki at tanungin ang pangalan nito. Hindi na kasi natanong ang pangalan nito kanina...At gusto din niyang tanungin dito kung kailan ba niya puwedeng makausap ang apo ni Lola Miranda na is Quiel Montecillo.
"Maraming salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin kanina.
Pasensiya ka na rin kasi naulanan ka nang dahil sa akin.
Wala siyang mabasang kahit anong ekspresyon sa mukha ng lalaki ngunit hindi naman ito nagpapakita ng kagaspangan ng ugali.
The man was just---civil to her.
"Walang anuman.
Sanay na ako sa ulan dahil nagtatanim ako sa palayan kahit na umuulan.
"Oo nga pala,puwede ko bang makausap si Mr.
Quiel Montecillo? May mahalaga kasi kaming pag-uusapan." ang tanong ni Eliza.
"Well,you're talking to him now.
I apologize for the late introduction. I'm Quiel Montecillo,ang nag-iisang apo ni Lola Miranda. And yes,kailangan nga nating mag-usap ng mansinsinan." ang biglang pakilala sa kanya ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Eliza dahil sa labis na pagkagulat.
Hindi niya inaasahan na ang lalaking ito ang ang hinahanap niya. Okay,hindi rin naman niya talaga alam ang totoong hitsura ng apo ni Lola Miranda dahil puro baby pictures lang naman ang laging pinapakita sa kanya ng matanda mula ss lumang photo album nito. At dahil naputol ang komunikasyon ni Lola Miranda at ng anak nitong lalaki ay hindi na nakita ng Donya ang paglaki ng kanyang pinakamamahal na apo...
Her train of thoughts stopped in a halt nang muling magsalita ang lalaki.

"Pero ipagpabukas na lang natin ang ating pag-uusap.
Alam kong napagod ka
sa malayong biyahe mula sa Pangasinan hanggang dito sa Cavite.
I'll see you in the morning."  
"O-Okay.
Maraming salamat muli sa pagpapatuloy mo sa akin." ang pasalamat muli ni Eliza nang makabawi siya sa pagkabigla.
Makalipas pa ang ilang sandali ay sinamahan siya ng isa sa mga kasambahay sa kanyang magiging kuwarto...

Next chapter