Getting to know Quiel

Kinabukasan...
Kanina pa pinakikiramdaman ni Eliza si Quiel habang sabay silang nag-a-almusal.
 Kanina pa tahimik ang lalaki, pero nahuhuli niya ito na tumitingin sa kanya paminsan-minsan…
Nagulat na lamang siya nang biglang magsalita si Quiel.

“Ang sarap ng chicken adobo,Manang Caring...
May idinagdag po ba kayong bagong sangkap?” ang tanong nito.
Napatingin si Eliza kay Manang Caring,ang matandang Mayordoma sa Hacienda Miranda.
Kahit na ilang oras pa lamang sila silang magkakilala nito ay nakaganaanan na nito ito ng loob,at ganoon din si Manang sa kanya.
“Ay,hindi anak.
Ang totoo niyan ay si Eliza ang nagluto ng adobong manok. Masyado na kasi akong naging abala sa paghahanda ng almusal at kape para sa ating magsasaka kaya tinulungan akonni Eliza na maghanda ng almusal mo ngayon." ang nakangiting paliwanag ng matanda.
Naramdaman ni Eliza ang pag-iinit ng buong mukha niya nang biglang tumingin sa kanya si Quiel.

“Oh,really?
Salamat sa pagtulong mo kay Manang Caring. Nahihiya tuloy ako sa'yo dahil bisita ka naman dito sa hacienda and we should be taking care of you pero kabaligtaran naman ang nangyari." Quiel stated,while smiling at Eliza.
Mukha naming natuwa si Lilet sa sinabi niya dahil tuluyan na itong napangiti.

Nahigit ni Eliza ang kanyang paghinga nang makita niya na nginitian siya ng lalaki.
Parang hinaplos ang kanyang puso dahil nang makita niya na umabot ang ngiti ng lalaki sa mga mata nito,at ang ibig sabihin noon ay sinsero ito.
Napatingin si Lilet sa kanyang sarili.

"Naku,ako nga ang dapat mahiya dahil bigla na lang akong napapunta dito sa hacienda ninyo.
Nakakahiya man,pero may hihilingin sana akong pabor sa'yo." ang panimula niya.
Nagkatinginan muna sina Quiel at Manang Caring bago siya muling kausapin ng lalaki.

"Sure,ano iyon?

"G-Gusto ko sanang madalaw ang puntod ni Lola Miranda.
"
Muling ngumiti ang lalaki sa kanya,but this time ay bahid iyon ng lungkot.

"Siguro ay pareho tayong binulungan ni Lola...
Doon din kasi ako pupunta ngayon. Let's go to there together after breakfast..." tugon nito.
"Salamat.
" muling pasasalamat niya dito. Sa wakas ay madadalaw na niya si Lola Miranda makalipas ang mahabang panahon. Hanggang ngayon kasinay nagi-guilty siya dahil hindi niya naihatid sa huling hantungan nito si Lola kaya naman kahit papaanonay makakahinga na siya ng maluwang ngayon...

"Come on,hop in.
Bigla kumabog ang kanyang dibdib habang tinitignan niya ang kabayo na nakatayo sa kanilang harapan.
It's not al about the horse,pero medyo kinakabahan siya dahil magkasama nanaman sila ng lalaki na sasakay sa kabayong iyon,at madarama nanaman niya ang matigas at matipunong dibdib ni Quiel. Masasamyo nanaman niya ang lalaking-lalaking amoy nito,at tiyak na lihim nanaman siyang mababaliw.
"Teka,ano bang kalandian itong naiisip niya?
It's too early in the morning,para mag-isip siya ng ganito! Bukod pa doon ay nakakahiya ang kanyang iniisip dahil baka pinapanood siya mula sa langit ni Lola Miranda!"
She furiously shook her head as if she's shaking all those thoughts away.

"Is there something wrong,Eliza?
"
Naputol sa malalim na pag-iisip si Eliza nang marinig niya ang boses ng lalaki.
Nang mapatingin siya dito ay nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng lalaki...O baka namamalik-mata lang siya?

"A-Ah,wala naman,okay lang ako." ang tugon niya sa lalaki,as she lets out an airy smile.

Next chapter