The Light at the End of the Tunnel

Kausap ngayon ni Dr. Lee ang Nanay ni Eliza upang ipaalam dito ang nangyari sa anak.Pero imbes na mag-alala sa mukha ng matanda ay tumawa ito ng malakas na para bang nagbibiro lamang ang doktor.

"Naku,dok. Magaling lang talagang magdrama si Eliza. Simula noong bata pa iyan ay hindi pa siya nagkakasakit at malakas siya.Huwag kayong maniwala sa kanya."

Samantala, napayuko na lamang sa isang tabi si Eliza matapos niyang marinig ang sinabi ng ina. Awtomatikong napaangat ang kanyang kamay at wala sa loob na nginatngat ang kanyang kuko. Nagulat na lamang siya nang may malasahang parang maalat,at doon niya lang napansin na nagdudugo na pala ang kanyang daliri. Mabilis niyang ipinunas ang dugo sa kanyang t-shirt,habang medyo nanginginig siya sa takot.

"Nakita ninyo ba ang ginawa ng anak ninyo,Mrs. Benitez? Isa po iyan sa nga signs ng pagkakaroon ng anxiety at depression. In my opinion,matagal na siyang nagsa-suffer and I'm guessing na nakikita ninyo na ang mga signs pero hindi ninyo lamang iyon binibigyan ng pansin." muling nagsalita si Dr. Jose Moreno,ang kaibigang Psychiatrist ni Dr.Clark Lee.

Natameme si Mrs. Benitez habang tinitignan nito si Eliza. Parang hindi pa rin ito makapaniwala sa sinasabi ng doktor.

"Mrs. Benitez bago pa tuluyang lumala ang sitwasyon ay kailangan na nating matulungan ang anak ninyo." ang singit naman ni Dr. Lee.

"At ano naman ang puwedeng gawin natin kay Eliza?" tanong ng matanda.

"Kaya ko po isinama si Dr.Romero ay para malaman natin kung ano ang magandang gawin upang matulungan si Eliza. He's the best Psychiatrist in this hospital,and he'll help your daughter to the best of his abilities...So,Dr. Romero,ano po sa tingin ninyo ang puwedeng gawin?" muling tanong ni Dr. Lee.

"She is in need of psychotherapy,and she has to be under medication...Kailangan niyang mailayo sa mga lugar at mga tao na puwedeng magpalala ng kanyang kondisyon habang nagpaoagaling siya kaya I strongly suggest na mag-stay muna siya sa isang mental health facility--!" hindi natapos ni Dr. Romero ang sasabihin nang muling magsalita si Mrs. Benitez.

"Sa isang Mental Health Facility?! Hindi baliw ang anak ko,Dr.Romero!" ang galit na galit na nasabi nito.

"Hindi po namin sinasabi na baliw ang anak ninyo. At kabaligtaran sa mga nakikita ninyo sa pelikula o mga teledrama,maayos ang pasilidad na sinasabi ko. Isang mayamang pamilya ang nagpapalakad ng facility na iyon. Nasa Pangasinan iyon,at may maayos na tulugan,she can have regular meals there,puro mga professional medical staff ang mga makakasama niya doon.Payapa ang lugar na iyon and it's under a tight security 24 hours a day,seven days a week." paninigurado muli ni Dr.Romero.

"Teka...May babayaran ba ako?" ang nananantiyang muling tanong ni Mrs. Benitez.

"Since that facility is owned and being managed by a well-to do family,ay wala po kayong babayaran." ang mabilis na sagot ng matandang doktor.

Mukha namang nakahinga ng maluwang si Mrs. Benitez.

"Sa tingin ko ay kailangan ko munang kumuha ng katulong para makasama ko sa bahay...Sige,Dr. Rodriguez,kailangan ba puwedeng pumunta doon si Eliza?"

"Sa lalong madaling panahon." seryosong tugon ng doktor.

Next chapter