Crazy,Beautiful Stranger

Chapter One: The Broken Glass

At bakit ngayon ka lang,Eliza? Kanina pa nandito si Dr.Lee! Saan ka nanaman ba gumala at natagalan ka sa pagbili ng gamot ko?" ang agad na singhal ng kanyang ina nang makabalik na siya sa ward ng St Mattheus Hospital.

Namula si Eliza matapos masinghalan ng ina sa harap ng maraming tao.Bukod sa kanilang dalawa ay may tatlo pang mga pasyente sa ward na iyon,kasama ang kanya-kanyang bantay.Idagdag pa doon si Dr Clark Lee,ang Cardiologist ng kanyang ina at isang nurse.

She's already 35 years old pero kung kagalitan siya ng ina ay para siyang limang taong gulang.Para tuloy gusto niyang lumubog sa kanyang kinatatayuan.

"Pasensiya na po at hinanap ko pa ang isang gamot na hindi available sa ibang botika."

"Hay naku,aatakehin ako sa iyo!Sa sobrang bagal mo ay baka mamatay na ako sa kakahintay sa'yo!" patuloy na pagtataray ng ina.

Sumailalim kasi ang kanyang ina sa "Angiogram" kung saan may ipinasok ang cardiologist na maliit na wire sa inner thigh hanggang sa singit.Ipinasok ang wire sa loob ng katawan ng ina hanggang sa makarating ito sa puso upang tignan kung ilan ang baradong ugat sa puso ng ina.Sinabi ng doktor sa kanila na hindi na kailangang i-open heart surgery ang ina dahil puwede pa namang matunaw sa gamot ang bara sa ugat nito. As long as her mother would follow a strict healthy diet,kapag regular nitong naiinom ang mga gamot at regular din ang pa-check up nito sa cardiologist at wala namang magiging problema.Ngunit simula nang makalabas ang ina mula sa ospital ay mas naging demanding ito pagdating sa kanyang atensiyon.Pakiramdam ng ina ay imbalido na ito,ngunit normal naman niyang naigagalaw ang buong katawan.Sa sobrang pagiging demanding nito ay naapektuhan na rin ang kanyang trabaho at iba pang aspeto sa kanyang buhay...

"Mrs. Benitez,kakasabi ko lang sa inyo na naging maayos ang inyong Angiogram at hindi na natin kinailangan na mag-open heart surgery.Maaayos po ang kalagayan ninyo kung susundin ninyo lang ang lahat ng ipinayo ko sa inyo.Sa totoo lang po ay mas maganda nga po ang kondisyon ng inyong puso kumpara sa iba pa naming pasyente dito." and malumanay na pahayag naman ni Dr.Lee.

Natameme ang kanyang ina matapos nitong marinig ang sinabi ng doktor. Lihim naman na nagulat si Eliza sa pagiging prangka ng doktor na ito.

''--Well,since your overall condition is good,puwede na kayong ma-discharge bukas ng tanghali. At ibibigay ko po sa anak ninyo ang kadagdagan pang gamot na kakailanganin ninyong inumin.I would suggest na bilhin na niya ito ngayon din para tuloy-tuloy na kayong makauwi bukas.Huwag kayong mag-alala at may mga kasama naman kayo dito sa ward kaya hindi kayo nag-iisa.''

''O-Okay,dok.'' iyon na lamang ang nasabi ng ina at muli itong nanahimik.

Bigla namang tumingin ang lalaking doktor sa kanya.

''Please come with me.Kailangan pa kitang kausapin para sa karagdagang medications ng mother mo.'' utos nito sa kanya.

Tumingin si Eliza sa kanyang ina at nagpaalam dito.

"Ma,kakausapin ko lang po ang doktor.Pababantayan ko po muna kayo sa ka-ward natin."

"---Huwag kang mag-alala at kami na muna ang bahala sa Mama mo." narinig niya ang katabihan nila sa semi-ward na iyon.Apat ang pasyente sa kuwartong iyon at bawat isa sa kanila ay may bantay kaya hindi siya nag-aalala kung maiwanan niya sandali ang kanyang ina dahil mababait naman ang mga kasama nila doon.

"Maraming salamat po,Aling Maring.Babalik din po ako agad." matapos noon ay nagmamadali na siyang lumabas ng kuwarto upang sundan ang doktor.Baka nga nakalayo na ito.Nahihiya siya kay Dr Rodriguez dahil alam niyang marami itong pasyente kaya lagi itong busy...

"Doc,pasensiya na po kung naghintay kayo----!" hindi na natapos ni Eliza ang kanyang sasabihin nang biglang nagsalita ang lalaki.

"It's alright. Sumunod ka sa akin at may kailangan tayong pag-usapan." ang agad na sinabi nito,at pagkatapos noon ay mabilis na itong naglakad.

"O-Opo!" mabilis na sumunod si Eliza sa lalaki,habang lihim na kinakabahan.

Sinundan niya si Dr Lee hanggang sa makapasok sila sa elevator.Nagtaka siya nang pindutin nito ang groundfloor button. Sa pagkakatanda niya ay nasa 5th floor ang opisina nito dahil doon sila laging nagpupunta noon para sa check up ng kanyang ina...Pero bakit pupunta sila ng groundfloor?

Hindi na niya namalayan na huminto na pala ang elevator at bumukas na ang pinto. Tahimik pa rin siyang sumunod sa doktor ngunit mas lalong nadagdagan ang kanyang pagtataka nang mapansin niya na naglalakad na pala sila sa labas.

Hindi na niya natiis ang sarili na magtanong dito.

"Doc,saan po tayo pupunta?"

"We need to get away from the hospital.Gusto kitang makausap ng personal." maikling sagot nito.

Bakit kailangan nilang makalayo mula sa ospital? At gaano ka-"personal" ang sasabihin nito sa kanya?

Makalipas pa ang ilang sandali ay nakarating na sila sa isang coffee shop. Pinagbuksan siya ng pinto ni Dr Lee at pagkatapos ay pumasok na rin ito sa loob.

"Anong gusto mo?"

"Kahit anong klase po ng kape,Doc."

Makalipas pa ang ilang sandali ay bumalik na si Dr Lee sa lamesa at inilapag nito sa mesa ang tray na merong dalawang tasa ng kape. Inilagay nito sa harapan niya ang tasa ng cafe latte,at kinuha naman nito ang tasa ng black coffee.

Napagpasiyahang niyang basagin ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Ano po ang importanteng pag-uusapan natin,Doc?"

Huminga muna ng malalim si Dr Lee bago ito muling nagsalita.

"Is your mother verbally and emotionally abusing you?"

Nagulat si Eliza nang marinig niya ang tanong ng doktor.Sa lahat ng naging doktor ng kanyang ina ay ito lamang ang nagtanong tungkol sa kalagayan niya.

"Uh...Okay lang naman po ako." ang sagot niya,habang ibinaba niya ang kanyang mga mata sa tasa ng kape.

"See,you're not even denying it.You can't look at me in the eye so it means na totoo nga ang hinala ko." turan ng doktor.

Sa mga nakalipas na sampung taon simula nang umalis ang kanyang ate ay sa kanya na nakaatang ang responsibilidad sa pag-aalaga sa kanyang ina.Kahit na nagpapadala ng financial support ang kanyang Ate ay hindi pa rin matatawaran ang emotional blackmail na ginagawa sa kanya ng ina.Noong bata pa siya ay nakaranas siya physical abuse mula sa ina ngunit kahit minsan ay hindi siya nagreklamo dahil ang akala niya ay isa siyang masama at makulit na bata kaya ang ginagawa niya ay iniiiyak niya na lamang ang kanyang sama ng loob sa kabila ng pananakit ng kanyang katawan dahil sa mga natamong pasa.Nang tumuntong naman siya ng highschool at College ay lagi siyang sinasabihan ng ina na mababa daw ang kanyang IQ,wala siyang common sense at hindi siya matalino katulad ng kanyang Ate at sayang lang daw ang pagpaaral sa kanya kaya naman noong second year College siya ay tumigil siya sa pag-aaral at nagtinda ng turon,banana cue at cheese sticks sa barangay nila.Naging helper at baby sitter din siya sa kamag-anak ng kanyang ina.Natigil na lamang siya sa kanyang trabaho nang makalipad ang ate sa Australia.Inutusan siya nito na na magbantay at alagaan ang ina at ito na lamang ang magpapadala ng pera sa kanila.

Pero kung utusan,sigawan at pagalitan siya ng kanyang ina at kapatid ay para bang alila siya ng mga ito.

Naputol sa pagmumuni-muni si Eliza nang muli niyang marinig ang boses ng doktor.

"Did you know that your Mother is faking some of her illness?" agad na simula ng lalaki.

"H-Huh? Anong ibig ninyong sabihin?" ang balik-tanong niya dito.

Dr.Lee leaned back on his chair,while crossing his arms unto his chest.Matiim niya munang tinitigan si Eliza bago ito muling nagsalita.

"I know I shouldn't be saying this since I'm a Cardiologist pero nag-try akong mag-consult sa isang psychiatrist at ini-explain sa kanya ang mga nakita ko previous medical records ng iyon ina ay we can tentatively conclude na meron siyang Hypochondria.Now,let me explain to you what a hypochondria is. It's a mental health disorder kung saan nakakaramdam ng abnormal na pagkabalisa ang isang tao pagdating sa kalusugan nito,at labis na pag-aalala sa kanilang kalusugan.Kapag nakaramdam sila ng kaunting sakit ay iisipin nila na may matindi na silang karamdaman na puwede nilang ikamatay,ayon sa kanilang paniniwala." ang paliwanag nito.

Hindi nagawang makapagsalita ni Eliza matapos niyang marinig ang paliwanang ni Dr.Lee. Napapansin niya na madalas magreklamo ang ina na masakit ang bawat bahagi ng katawan nito,pero hindi nito lubusang maipaliwanag ang mga sintomas at sakit na nararamdaman kaya naman nalilito na rin siya kung ano ang gagawin...Now,it's all making sense.

"Hindi lang ang buhay ng Nanay mo ang maaapektuhan,your life will be greatly affected as well.Your mental and emotional state are also in danger.Kailangang may magawa tayo sa kalagayan ng iyong ina." Dr Lee insisted.

a nakikita niya sa babaeng ito ay baka bigla nad lang itong magka-nervous breakdown o di kaya ay baka magkaroon ito ng mental health problem kaya kailangan nilang mai-address ang problema sa lalong madaling panahon...

"Maraming salamat po sa concern ninyo pero hindi ko po kailangan ng tulong ninyo.Matagal ko nang natanggap na ganito na ang aking kapalaran.Thank you po pala sa pa-kape ninyo pero kailangan ko na pong balikan ang Nanay ko." tatayo na sana si Nadia ngunit bigla siyang nakaramdam ng biglang pananakit ng kanyang dibdib. Nitong mga nakaraang araw ay natitiis pa niya ang sakit,pero ngayon ay parang hindi na niya kakayanin ang sakit na nararamdaman.Muli siyang napaupo,habang sapo-sapo niya ang kanyang dibdib.

Agad namang nilapitan ni Dr Lee ang babae at inobserbahan ito.Nang makita niya na hindi maganda ang kulay ng mukha nito ay agad niya itong binuhat,bridal style,at nagmamadali siyang naglakad pabalik ng ospital...

Next chapter