Ang Pamana

PATULOY ang pagdaloy ng luha ni Eliza mula sa kanyang mga mata habang yakap-yakap niya ang photo album na laging tinitignan ni Lola Miranda bago ito matulog sa gabi. Ito ang nagsilbing kayamanan ng matanda bago ito tuluyang pumanaw,dalawang linggo na ang nakakaraan...

Lola Miranda died in her sleep. Kaya pala hindi siya mapakali noong gabi na iyon. Sana pala ay hindi niya iniwanan si Lola that night. Sana pala ay nag-stay siya sa kuwarto ng matanda...Bago may nagawa pa siya,at siguro ay buhay pa si Lola hanggang ngayon.

Nang malaman niya na tuluyan nang pumanaw si Lola Miranda ay hindi iyon natanggap ng kanyang puso at isipan. Sobrang siyang na-shock kaya naman ayon sa mga tumulong sa kanya sa facility ay nawalan siya ng malay kaya siya nahimatay,at tumama ang likuran ng kanyang ulo sa matigas an sahig. Mabuti na lamang at nadala siya agad sa ospital at nanatili siya doon ng mahigit isang linggo,kaya hindi na niya naihatid sa huling hantungan si Lola Miranda.

Sa ngayon nga ay kausap niya ngayon ang pinagkakatiwalaang abogado ni Lola Miranda na si Attorney Rudy Santos. Ipinapaliwanag nito ang huling testamento na iniwan ng matanda. She's in big shock nang malaman niya na iniwan sa kanya ni Lola Miranda ang Hacienda nito...

"---Itinuring ka niyanv kapamilya,iha.At ako ang naging witness ni Donya Miranda nang gawin niya ang testamento,at ito ang huling inihabilin niya sa akin bago siya namatay." ang malumanay na paliwanag ni Attorney Santos.

"Pero napakalaking kayamanan naman po ang iniwan ni Lola Miranda,hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga ito.At isa pa,hindi ko naman po kailangan ng ganito kalaking yaman." ang nag-aalalang nasabi ni Diana.

Napangiti ang matandang abogado matapos niyang marinig ang sinabi ni Eliza. Tama nga ang sinabi ni Donya Miranda bago ito sumakabilang-buhay. Tiyak na hindi tatanggapin ni Eliza ang mana,ngunit ipinangako niya sa matanda na kailangan niyang kumbinsihin ang dalaga.Kailangan niyang tuparin ang pangako sa namayapa niyang kliyente. "Iha,sana ay respetuhin natin ang kagustuhan ng Donya. Hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay ikaw ang kanyang iniisip.Kakayanin ba ng konsensiya mo na ipagwalang-bahala ang huling habilin sa'yo ng matanda?" Natigilan si Eliza. Oo nga naman,hindi kakayanin ng kanyang konsensiya kung hindi niya bibigyan ng importansya ang mga bagay na ibinigay sa kanya ni Lola Miranda. Baka multuhin pa siya nito at hindi siya tantanan.Pero hindi pa rin niya maalis sa kanyang katawan ang takot at nerbiyos dahil ngayon pa lamang siya makakahawak ng ganito kalaking pera at napakaraming mga alahas. Bukod pa doon ay hindi niya alam kung papaano mapapamahalaan ang napakalaking hacienda nito.

She wondered kung ano ang iniisip ngayon ng apo ni Lola Miranda. Baka masama ang loob nito sa kanya dahil sa kanya halos ipinamana ang lahat. Siguro ay abot hanggang langit ang pagkasuklam nito sa kanya,since they're not blood-related pero may pamanang iniwan sa kanya si Lola Miranda.

Muli niyang itinuon ang kanyang atensyon sa matandang abogado.

"Attorney,nakausap na po ba ninyo ang apo ni Lola Miranda? Ano po ang opinyon niya tungkol dito?" ang kinakabahang tanong niya rito.

Next chapter