Remembering Lola Miranda.

"Halika at tutulungan kitang makasakay sa kabayo." ani ng lalaki,habang naka-ready na ang kamay at bisig nito upang alalayan siya.
"H-Hindi ba tayo puwedeng maglakad?
Ang ganda ng panahon,o,hindi masyadong maaraw at hindi mainit. Baka gusto kong maglakad para exercise na rin." she said it all in one breath. Natataranta kasi ang presensiya ni Quiel kaya hindi na niya alam kung may sense pa ang pinagsasasabi niya.
Quie frowned at her at matiim siya nitong tinitigan.

"Aabutin tayo ng buong maghapon kung lalakarin natin ang mausoleum ni Lola Miranda.

Mas lalo tuloy pinagpawisan ang kili-kili ni Eliza sa sagot ng lalaki.

"Uh, wala ka bang sasakyan?
" ang hirit niya.
"Nasa talyer ang aking sasakyan.
Iyon lang ang nag-iisa kong sasakyan at wala akong balak bumili ng bago." mabilis na sagot ni Quiel.
Okay,kailangan mo nang mag-give up,Eliza.
Wala ka nang magagawa kung hindi ang sumakay sa kabayo kasama ang lalaking ito,at samyuhin ang mala-barakong amoy nito at damhin at muling damhin ang matigas na dibdib nito...
Napakagat-labi siya nang muli niyang madama ang init ng mga kamay nito sa kanyang beywang habang tinutulungan siya nitong makasakay ng kabayo.
Wala din sa loob na napapikit siya nang maramdaman niya sa kanyang likod ang matipunong harapan ni Quiel...
"Don't worry,mabagal lang ang pagpapatakbo ko kay Maximus.
" Quiel reassured her.
Lihim naman na nagsitayuan ang mga balahibong pusa ni Eliza dahil naramdaman niya ang mainit na hininga ni Quiel sa kanyang tenga.

Mukhang kailangan na yata niyang maligo ng holy water dahil puro kalandian na lamang ang nasa isip niya...

MAKALIPAS pa ang ilang sandali ay narating na rin nila sa wakas ang mausoleum ng pamilya Montecillo. Muli siyang inalalayan ni Quiel na makababa mula sa kabayo. Napansin niya na yari sa puting marmol ang kabuuan ng mausoleum,mula sa dingding at sahig. May malaking gate din iyon,at maihahambing mo na sa isang magarang bahay ang museleo na iyon.
Hindi na niya napigilang mapaiyak nang makita ang puntod ni Lola Miranda.
 
Nakita niya sa lapida ng Donya ang buong pangalan nito---Donya Miranda Ysabelle Trinidad-Montecillo.
Nakita niya ang munting larawan na naka-engrave sa lapida ni Lola Miranda...She looked so beautiful and vibrant in her photo.
"I'm so sorry kung hindi ko po kayo naihatid sa inyong huling hantungan,Lola Miranda.
If only I can turn back the time...Sana ay tumabi po ako sa inyo sa pagtulog noonh gabing iyon. Kung hindi sana ako umalis noong gabing iyon ay baka buhay pa po kayo hanggang ngayon." ang umiiyak na sabi ni Eliza.
Medyo nasorpresa siya nang maramdaman niya ang kamay ni Quiel sa kanyang balikat.
Hindi na niya namalayan na nasa tabi na pala niya ang lalaki. Kahit papaano ay nakagaan iyon sa kanyang pakiramdam.
"Gusto pang makipagkwentuhan ni Lola Miranda nang gabing iyon pero sinabi ko sa kanya na kailangan na niyang matulog para hindi siya mapuyat.
Wala akong kaalam-alam na iyon na pala ang huling pag-uusap namin. Sana ay sinamahan ko pa siya ng mas matagal..." muling naglandas ang luha sa kanyang mukha.
"Everything happens for a reason,Eliza.
Huwag mong sisihin ang sarili mo. Lola Miranda's with our Creator now,and she won't feel any pain or sufferings...Kasama na rin niya sa langit si Lolo Daniel kaya maging masaya tayo para sa kanya." Quiel stated,in a gentle tone.