A New Beginning

Tierra Alta Mental Health Facility.

"Eliza,may naghahanap sa'yo!"

Napaangat ng tingin si Eliza mula sa kanyang dinidiligang mga halaman nang may tumawag sa pangalan niya. Nakita niya ang isa sa mga staff ng Tierra Alta na kumakaway sa kanya.

"Sino ang naghahanap sa akin?" ang tanong niya dito.

Napangiti na lamang sa staff sa kanya pero hindi nito sinagot ng diretso ang tanong niya.

"Basta pumunta ka na lang sa visitor's lounge. Kausap ni Lola Miranda ang bisita mo."

Bago makapagtanong ulit si Eliza ay agad na tumalilis ang staff palayo sa kanya,at naging busy na ito sa pag-aasikaso sa ibang pasyente na nagmo-morning walk sa napakalawak na hardin ng Tierra Alta. Mataas na ang sikat ng araw ng umagang iyon,pero napakasarap pa ring maglakad,mag-jogging at mag-exercise dahil sa lamig ng hangin. Ang Alta Tierra kasi ay nasa itaas na bahagi ng isa sa mga burol sa probinsya ng San Carlos City,Pangasinan. It was just like a place of heaven on earth...

Kung hindi sinabi ng staff na kausap ni Lola Miranda ang kanyang misteryosong bisita ay mag-aalanga siya na harapin iyon. Wala kasi siyang ibang tao na dadalaw sa kanya. Isang taon na siyang nanunuluyan sa Tierra Alta,ngunit hindi pa rin siya nadadalaw ng kanyang ina. Pero siguro ay mas mabuti na iyon para magkaroon sila pareho ng space at peace of mind. Ayaw niyang ma-trigger siya at bumalik nanaman ang kanyang anxiety at depression. May isang beses na sumulat sa kanya ang ina at sinabi nito na kukunin daw muna ito ng kanyang Ate sa Australia dahil manganganak ito. Naisip niya na mas mabuti na rin siguro na nangyari iyon para na rin sa ikakabuti ng lahat...

Kaya naman palaisipan sa kanya ngayon kung sino ang nakaisip na dumalaw sa kanya. Pero kung kausap naman ito ni Lola Miranda ay hindi naman siguro masamang tao ang kanyang bisita.

Malaki ang kanyang tiwala kay Lola Miranda. Ito na ang kanyang naging sandigan at ito na rin ang nagsilbi niyang pamilya sa Tierra Alta. Lola Miranda's already 90 years old pero maliksi pa rin itong gumalaw,kahit na gumagamit na ito ng tungkod. Laging tumatawa ang matanda at lagi itong positibo sa buhay.

Si Lola Miranda ang may-ari at namamahala sa Tierra Alta,kasama.ang pinagkakatiwalaan nitong sekretarya. Tinutulungan ito ng trusted aid ng matanda,kasama ang pamilya nito.

Masasabi niya na kahit papaano ay napakasuwerte niya na mapunta siya sa Tierra Alta dahil nakilala niya si Lola Miranda.

Sa ngayon nga ay nakatayo na si Eliza sa entrance door ng visitor lounge ng Tierra Alta. Huminga muna siya ng malalim at pinayapa niya ang sarili bago siya kumatok sa pintuan.

"Come in,hija." narinig niya ang boses ni Lola Miranda mula sa loob.

Pinihit niya ang doorknob upang mabuksan ang pinto. She was pleasantly surprised to see Lola Miranda happily talking to Dr. Clark Lee,ang Cardiologist ng kanyang ina noon,at ito ang isa sa mga tumulong sa kanya upang mapunta siya sa Tierra Alta Mental Health Facility...

"Dr. Lee! Kailangan pa po kayo nakauwi ng Pilipinas? Bakit hindi po kayo nagpasabi?" ang natutuwang tanong ni Eliza dito.

Namalagi kasi si Dr. Lee sa Cambodia dahil sa isang mission work. Hindi nila alam kung kailan makakabalik iyo,kaya naman gulat na gulat siya dahil nakabalik na ito ng Pilipinas makalipas ang isang taon.

"Well,I wanted to surprise you and Lola Miranda kaya hindi ko ipinaalam ang pag-uwi ko. And I think I did the right thing." ang natatawang sagot ni Dr. Lee.

" akong makita kang muli,Dr. Lee." turan ni Eliza.

"Ako man,Eliza. You don't have any idea on how happy I am to see you again." responde ni Dr. Lee,habang nakatitig ito kay Eliza.

"---Teka,teka...Huwag mong sabihing nagpapalipad ka ng hangin kay Eliza! Baka nakakalimutan mo na nirereto ko siya para sa nag-iisa kong apo." biglang singit ni Lola Miranda sa kanilang usapan.

"May the best man win,Lola." ang nakangiting sagot naman ni Dr.Lee.

Napailing na lamang si Eliza. Kahit kailan talaga ay mahilig magbiro sina Lola Miranda at Dr. Lee kaya siguro magkasundo ang dalawa.

"Hay naku,ginu-goodtime ninyo nanaman ako. Ang mabuti pa ay halina kayo sa komedor at magtitimpla ako ng kape para sa'yo Dr.Lee at maghahanda rin ako ng almusal para kay Lola Miranda." ang yaya niya sa mga ito.

Hindi na niya napansin ang pagkislap ng mga mata ni Dr. Lee habang nakatitig ito sa kanya...

"Psst! Tama na ang kakatingin at baka bigla na lang matunaw si Eliza." ang natatawang saway ni Lola Miranda.

Napalingon muli si Eliza kay Lola Miranda dahil narinig niya ang pangalan niya.

"Anong pong sinabi ninyo ulit,Lola?"

Mabilis naman na umiling ang matanda pero hindi pa rin naaalis ang mga ngiti nito sa labi.

"Ah,wala,iha.Tara na at nagugutom na rin ako." anito.

Nagkibit-balikat na lamang si Eliza at inalalayan na lamang si Lola Miranda...

Next chapter