Game of Love

KANINA pa pabiling-biling si Astrid sa kanyang higaan habang panay ang tingin niya sa kanyang cellphone. She's been waiting for Gale's call or message for ages pero hindi pa rin nagpaparamdam ang lalaki.

She sighed, while feeing disappointed. Baka naman hindi talaga attracted sa kanya si Gale? Maybe she came on too strong for him? 

"Ah! I don't know anymore!" she moaned, while rolling back and forth on her bed.

She froze on her bed nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. She instantly grabbed her phone and held her breath in suspense while opening the text message.


"Hi, it's Gale and this is my number.
"

Hindi alam ni Astrid kung ano ang kanyang mararamdaman. Napaikli ng text message ng lalaki, and it sounded too formal. Anyway, kahit papaano ay masaya siya dahil nagparamdam pa rin sa kanya ang lalaki.

Nag-isip muna siya kung ano ang ire-reply kay Gale. After a few seconds, she started typing down her message;

"Hello, Gale. Took you a long time to reach out to me, huh? Does that mean you like me now?" she was just trying to tease him, upang huwag huwag itong maging pormal sa kanya.

Lumipas ang halos limang minuto ngunit wala siyang natanggap na kahit anong reply mula kay Gale. 

Hanggang sa hindi na siya makatiis. She got her phone again and she was about to press the "call" button nang muli siyang makatanggap ng message mula sa lalaki.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabuksan niya ang message. Napakahaba ng pinadala nitong reply, at mukhang talagang pinagisipan ni Gale ang bawat salita na nakapaloob sa mensahe.

"I really don't know how to deal with you. 


This is my first time to know someone like.
Hindi ako sanay makipag-interaksyon sa ibang tao lalo na sa babae. Pero ginulo mo na ang mundo ko simula nang lapitan mo akonat kausapin. Naitanong ko sa sarili ko "Bakit ako kinakausap ng babaeng ito?" "Why does she wants to get to know me better?" Simula noon ay hindi na ako makatulog,makakain at makapagtrabaho ng maayos dahil ikaw lagi ang laman ng isip ko..."


"Awww.
He's such sweet cinnamon roll!" ang kinikilig na nasabi ni Astrid matapos niyang basahin ang message ng lalaki.


Hindi na niya kaya pang pigilan ang sarili.
She wants to hear his voice so bad kaya napagdesisyunan na lamang niya na tawagan ito.


Natawa siya nang lihim nang agad sagutin ni Gale ang tawag matapos ang isang ring.


"H-Hello?

"Hi,Gale! Thank you for that long and sweet message. Pero sana ay tumawag ka na lang. I wanna hear you say those words in your own voice." she teased him.

Astrid heard him sigh over the phone. Napangiti siya, while thinking na hindi siya mahihirapan na mapaibig ang lalaki. Base kasi sa naging obserbasyon niya sa lalaki ay mukhang hindi ito sanay makipag-flirt, medyo ilang ito sa babae and at mukhang wala pa itong alam sa pakikipagrelasyon sa opposite sex.

And she'll be thrilled kapag siya ang naging unang girlfriend ng lalaki.