Princess Astrid: Love or Duty

Struck by Cupid's Arrow.

KANINA pa hinihintay ni Astrid ang customer na lumapit sa kanya upang kunin ang order nito na Caffe' Latte. Kanina pa niya naihanda iyon pero hanggang ngayon ay wala pa ring kumukuha ng Caffe' Latte on the go na hawak niya ngayon.

She scanned the whole place at tinignan niya kung kaninong wireless coaster pager ang umiilaw. Maliit lang naman ang coffee shop na kanyang pinagtatrabahuhan kaya madali lang niyang mahahanap ang customer.

And bingo.

Nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa tabi ng glass window ng kanilang shop. Nakasubsob ang customer sa hawak nitong tablet. Tutok na tutok ang atensyon ng lalaki sa hawak nitong gadget kaya siguro hindi na nito namalayan na kanina pa umiilaw at nagba-vibrate ang coaster pager sa lamesa.

Napailing na lamang siya. Naisip niya na parang nilamon na ng gadgets ang kanilang customers. Coffee shops are built para makapag-relax at makapag-usap ang mga customers while having a cup of warm coffee. Pero ang nangyayari ngayon ay nagiging parang study at working place na ang mga coffee shops ngayon.

People nowadays should take a break,once in a while...

Since hindi naman sila masyadong busy dahil kakaunti pa lamang ang mga customers ng mga oras an iyon ay napagpasiyahan niyang ihatid na lamang niya ang Caffe' Latte sa customer.

Nang makalapit na siya sa lalaki ay tinapik niya ang balikat nito.

"Sir, your Caffe' Latte's ready."

Agad namang iniangat ng lalaki ang paningin nito sa kanya. Parang nagulat pa ito habang nakatitig sa kanya.

Astrid secretly surveyed the man. He got almond-shaped eyes and she was a bit surprised nang makita niya na mahaba ang mga pilikmata nito. Itim na itim din ang kulay ng mga mata nito,at kung makatitig ang lalaki sa kanya ay para bang binabasa nito ang kanyang iniisip. Matangos din ang ilong nito pero bumagay naman iyon sa mukha nito. Bumaba ang kanyang tingin sa manipis na labi nito...His lips looked soft and she wanted to----!

"I'm sorry,what were you saying?"

Her train of thoughts stopped in a halt nang marinig niya ang boses ng lalaki.

"Uh,your order is ready,Sir. Kanina pa po nagba-vibrate ang coaster pager pero busy po yata kayo kaya hindi ninyo napansin." Astrid explained, once she regained her composure. Inilapag na niya ang order nito sa lamesa.

Para namang natauhan ang lalaki matapos nitong marinig ang sinabi niya.

"Oh. I'm sorry. Oo nga,masyado kasing akong tutok sa trabaho kaya hindi ko napansin. Thank you." the man responded,as he sheepishly smiled at her.

Parang bumagal ang pagtakbo ng oras nang masilayan niya ang ngiti ng lalaki. He got the sweetest smile and it made her heart skip a beat!

"Y-You're welcome." para siyang na-possess habang nakatingin pa rin siya sa lalaki.

Matapos noon ay muling ibinalik ng lalaki ang atensyon nito sa hawak na tablet. Hindi magawa ni Astrid na iwanan ang lalaki. Para siyang mina-magnet nito...
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita na iniaabot ng lalaki ang clear flower vase na may lamang isang tangkay ng sunflower at may kaunting tubig.
 Napaka-absentminded ng lalaki,at ang akala nito siguro ay kape ang kanyang iinumin.

Maagap niyang hinawakan ang kamay ng lalaki upang pigilan ito.

"Sir, ito po ang kape ninyo." pigil niya sa estranghero.

Tinitigan ng lalaki ang kamay niya na nakahawak sa kamay nito. Nakita ni Astrid na biglang namula ang buong mukha ng lalaki.

"How cute. May nagba-blush pa palang lalaki sa modernong panahong ito." ang kinikilig na naisip ni Astrid.

"I-I have to go. M-Maraming salamat ulit." ang nauutal na paalam ng lalaki. Dali-dali nitong kinuha ang kape at ang tablet, at pagkatapos noon ay nagmamadali na itong naglakad palabas ng coffee shop.

Sinundan ni Astrid ng tingin ang lalaki hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin.

"Looks like I've been struck by Cupid's arrow." ang nangingiting bulong niya sa sarili.


**************

Muli nanamang nakita ni Astrid ang lalaki sa coffee shop nila makalipas ang ilang araw. And as usual, um-order ito ulit ng Caffe' Latte, at hindi nanaman nito napansin ang pag-vibrate ng coaster pager, na hudyat na ready na ang in-order nitong kape.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng ilang sandali. Kumuha siya ng slice ng matcha cake at kinuha ang order nitong kape. Inilagay niya iyon sa isang tray, at pagkatapos noon ay naglakad siya papunta sa table ng lalaki.

"Hi! Your Caffe' Latte's here!" Astrid chirped.

The man was obviously taken by surprise nang makita siya nito. Muli nanaman itong namula na parang kamatis...

Kumunot ang noo nito nang makita niya ang platito ng matcha cake.

"Hindi ako nag-order ng kahit na anong cake."

Astrid flashed her signature million-dollar smile towards him.

"It's my treat!"

"But why do you have to treat me?"

Humila si Astrid ng upuan upang makausap niya ng maayos ang lalaki.

"Because I want to get to know you better. Kung gusto mo akong makilalang mabuti, you can call me." kinuha niya mula sa bulsa ang ballpen at kumuha din siya ng tissue paper sa lalagyanan. Isinulat niya doon ang kanyang contact details.

Hindi na nakuhang makapagsalita ng lalaki. Parang shocked na shocked ito na malapitan ng isang babae and she really find him cute.

Magsasalita pa sana si Astrid ngunit hindi na niya naituloy iyon dahil tinawag na siya ng kanilang Manager. Napansin din niya na dumadami na ang mga tao sa kanilang shop kaya magiging busy na sila ulit.

"By the way,I'm Astrid...How about you? What's your name?" mabilis na tanong niya dito.

"I-I'm Gale." muli nanaman itong nautal.

"Maghihintay ako ng tawag o text mula sa'yo,okay?" Astrid gave the man a playful wink, at pagkatapos noon ay tumayo na siya upang bumalik sa kanyang trabaho.

Samantala,Gale stared at the tissue paper kung saan nakasulat ang phone number ng babae. He lets out a small smile, while putting the tissue inside his pocket.

"She is really something." ang lihim na naisip niya.

Next chapter