Chapter 2

Who is your girlfriend? 

Haru's point of view 

Wala na akong maisip na paraan. That first year, and the brat from Flores Inc., sino ba namang magaakala na nanungab pala yun? Well yes, she is pretty. Kahit na minsan boyish siya. Whenever I saw her in some business parties, maganda siya talaga kapag nakaayos. Hindi ko talaga trip ang mga ganun. Because I'm going to be a Laboratory Chemist, at wala pa ding nagbabago sa gusto ko talagang kunin. Pagdating ko sa bahay, bumungad sa akin si Lolo. His stares are too fierce but I kept my calm and composure just like the usual.

"Who is the girl? There's a lot of people! Nakakahiya!" He glared at nginisian ko na lang siya, "May bago pa ba? Alam kong ginawa mo na to kay Dad. And if you think that you can fucking control me like your damn tool, you're not. Hindi magbabago ang isip ko, I'll go in the abroad and i'll be a Laboratory Chemist and I'll create a lot of perfumes. That's what I want to do." I said to him. Alam kong gusto niya ako ilipat ng business pero hindi siya hinayaan ni Mom and Dad. They don't want me to be controlled by anyone. 

Wag lang niyang saktan ang mga kapatid ko. Magakakasubukan kami. Not Luna, Not Treyton, not Adriel. Wala din naman akong dahilan para respetuhin siya. I hated him. Ni kahit kelan, hindi niya ako pinahalagahan. When I had a trauma, tanging yung isa ko lang lolo ang umintindi sakin. Now I understand why grandma turned her back towards a monster like him. "You brat," Pasugod pa lang si Lolo but Luna got closer at hinila na lang niya ako. "Get out. Bahay namin to.

She glared at him. Wala na siyang nagawa and he looked so disappointed. "Hindi pa tayo tapos Haru. Sinasabi ko sayo, ayus-ayusin mo ang buhay mo. Fix the media." He said seriously 

"I have a girlfriend so don't pry about it too much Lolo." I said to him. Alalang-alala si Luna and she touched my face, "Kuya, ayos ka lang?" She asked. Psh, dapat sarili niya ang iintindi niya. She has a lot of responsibility. She's taking Journalism at 2nd year na din siya. At isa pa, cheerleading din siya. And on top of that, kahit na college pa lang siya ay sinasabak na siya sa publishing company namin. Balita ko nga eh may pwesto na agad siya sa kompanya once she graduated. And she love writing, kaya alam ko na hindi naman pagsisihan ni ate ang kinukuha niya ngayon. 

"Luna, I'm fine. Next time wag ka ngang sugod na lang ng sugod. Paano kung bugbugin ka ng halimaw na yun? J--Just please.. do not be reckless again.." I said at napabuntong hininga na lang ako at tinignan ko na lang siya ng seryoso.

She rolled her eyes, "Okay fine. Pero that doesn't stop me from being a sister to you. We all know who is the fucking enemy here. And that old geezer is a abuser. Hindi ko hahayaan na saktan niya kayo. Ako ang nakakatanda sa inyo, wag ka ngang mag-inarte and just let your sister protect you. Entiende eso? [Understand that?] "

"Fine. Stop saying spanish words little sis. I can't understand you. Alam kong matalino ka sa langguage class pero wala ka sa klase ngayon." Sabi ko and I glared at her,  "Anyways, where's mom and dad? Treyton? Adriel?" I asked her 

"Adriel has a practice in Soccer. Treyton? I don't know. May hinahabol siyang babae in Sunshine Entertainment. Balita ko yung manager daw ni Koharu. Yung medyo maarte, si Piper? Goodluck na lang sa loko." She said and she laughed 

Well, I hope it's one of his love games. Umakyat ako and then kumatok ako sa kwarto. Binuksan naman ni Mom yung kwarto and then she hugged me, "My future laboratory chemist," she giggled at niyakap ko na lang siya. Kahit na nagkaroon ako ng alitan kay Lolo kanina maganda pa din talaga sa pakiramdam na nandito si Mom sa tabi mo. I feel so happy. "Hi mom. Can I talk you guys for a minute?" Tanong ko at tumango naman siya. I guess, i need to make this convincing. Nakausap ko na din naman si Hydra that she'll be my fake girlfriend. 

I just need the media to stop, hindi ko alam kung titigil sila. Parehas kilala ang pamilya namin pareho. It will be only matter of time na hindi ito kakalat sa lahat. At gusto kong maprotektahan si Hydra, ayokong gamitin siya ni Lolo due to our business. Ginawa na niya yun kay Mom, at hindi na mauulit yun. Yes, our relationship is only fake and it was only for the sake of the media kaya ko sinabing magiging girlfriend ko siya. Mahirap na. 

Isa pa, this has started dahil sa kabaliwan ng babaeng yun. This is not my first kiss, I dated other girls and I kissed other girls in some dare in some party pero hanggang dun na lang yun. Hindi pa ako handa magkaroon ng girlfriend lalo na ngayon. I'm still coping up with my broken heart now. Pinapasok naman ako ni Mom sa kwarto nila and I decided to sat on the sofa.

"What is this about son?" Tanong ni Dad sa akin at seryoso lang niya akong tinignan. I fixed my shirt. "Dad, Mom.. I have a girlfriend." Sabi ko sa kanila at napangisi na lang si Dad and he put his arms around me. "Yun ba yung iniistalk mo gabi-gabi?"

Hindi ko iniistalk ang babaeng yun. I mean, I just got curious since she helped me. Oo mabait pa ako nuon sa kanya, dahil hindi ko pa alam na nanghahalik na lang ng basta ang babaeng yun. I mean, she is sort of pretty, pero hanggang dun na lang yun. Hindi ko siya gusto, siya kaya ang may crush sa akin. Hindi rin naman bago na may magkagusto sakin. Pero hindi ko talaga priority ang pagkakaroon ng girlfriend ngayon.

"Yeah, her. Okay lang po ba? Hindi ko naman papabayaan ang pagaaral ko sa college. And sineseryoso ko naman ang BS Chem ko." Sabi ko sa kanila and I put my hands together. My mom just touched my cheeks, "Basta wag mong lolokohin, okay na sa akin nak. At hindi mo na kinailangan na patunayan pa sa amin kung gaano ka katalino dahil walang duda hindi mo pinapabayaan ang pag-aaral mo nak. Unlike your grandfather...ugh..." She shrugged.

Yeah, I've been living nothing but a tool. At yun ang iniiwasan ng parents ko, dahil hindi parehas na maganda ang nangyari nuon sa kanila. My mom hated grandma. Dad hate grandpa. Parehas sila, they were treated as scapegoat in their family as well at nangyayari yun ngayon sakin. Kaya napaka swerte ko dahil kahit silang magulang ko lang ang meron ako ngayon ay sapat na sa akin. Wala na ata akong hihilingin dahil nararamdaman ko naman na mahal nila ako.

Our family is complicated, but I'm hanging through everything. I don't want in the same world as my grandpa, he's a tyrant and he is abusing his power as a businessman and he has a lot of illegal weapons that is transported into our business. Syempre, sinabi sa akin ni Dad yun kaya nga nung nag-college ako eh gusto ng parents ko ay ako ang pipili. They never wanted my grandpa to control me but he is still fucking doing it.

At alam ko ang dreams ko kaya never ko siyang hahayaan na gawin na lang ang gusto niya sakin. I'm a BS Chem student at isasampal ko sa kanya na seryoso ako sa ginagawa ko ngayon. After our conversation, I kissed their cheeks and then dumiretso na ako sa kwarto ko. Kailangan kong matulog ng maaga. 

The next day, I arrived at school at 6: 30 am, dumiretso na ako sa science lab and then I decided to grab my papers. Wala pa yung iba pero kailangan ko na gawin yung finished product ng perfume. I put on my gloves and I started doing my experiments. Inayos ko na yung mga lalagyan and then dumating na si Seven at nagtatakbo ang loko.

Kasama niya si Li QinSheng. At sa mga hitsura nilang dalawa ay sigurado naman ako na nakarating na sa kanila ang balita. Magsasalita sana yung dalawa pero pinandilatan ko lang sila pareho, "I hate you." Sabi ko at nagsitawanan naman ang dalawa. "Wala pa kami sinasabi ah. Bro, di ko alam na mahilig ka ng artista ah,"

"Go away. I'm doing my experiment." Sabi ko at inaayos ko ang paghalo sa ibang lalagyan. Mainit pa naman ito. At talagang ngayon pang naging chismoso ang dalawang ugok na to ah. I crossed my arms and I looked at them, "Teka, asan si Qing Xua?"

"With his girlfriend. Ganado mag-practice ang gago. Nasa gym kasama si Koharu. Broken ka pa din noh?" Tanong ni Seven and I raised an eyebrow at him. Talas talaga ng bibig nito bwisit. I mean, hindi naman siya nagkakamali but I just wanted to know how is he. Qing Xua is my best friend at gusto ko lang siguraduhin na ayos lang siya.

Tsaka na-reject na ako kay Koharu, wala na akong dapat isipin pa. At ang dapat kong isipin ay yung kalat na nangyari sa amin ngayon ni Hydra. I decided not to check on my twitter. But everyone is making a lot of assumptions na mystery girlfriend ko si Hydra or anything. Bwisit. Bakit ba kailangan ko pang mapunta sa ganitong sitwasyon kasama ang babaeng yun?

That stupid girl. If she didn't kiss me out of nowhere ay hindi mangyayari ang bagay na to. I only wanted to be a low profile, na volleyball at ang BS Chem lang ang iniintindi ko in college. But ever since that she came, gumulo ang buhay ko. I really hate this.

I hate her. This is all her fault! 

Hydra Celine Flores:

Nasa school ka? Anong ginagawa mo?

Haru Kanae Del Valle:

I'm in the middle of my experiment, my dear girlfriend. Don't disturb me.

Hydra Celine Flores:

Ay ang sungit. 😏 Grabe ka sakin. Talk to me na, hindi pa ako magpeperform eh. Sige na, crush na crush pa naman kita. 

Lakas din ng loob ng babaeng to. Parang di niya ako sinungaban nung isang araw. And she has time to chat me in messenger huh? I'm having a hard time because of her. At kung hindi lang sa kagagahan ng babaeng to, hindi naman ako mapupunta sa issue. Ganun ba talaga siya kapag nalalasing? Nanghahalik na lang? I guess I need to keep an eye on her now that she is my fake girlfriend.

Ayokong makita na baka manghalik na lang siya ng ibang lalaki. Kinakabahan tuloy ako sa babaeng to. At business party yun, aba't nakailang laklak ng bote. Kababae niyang tao ang lakas uminom. Damn it, hindi tuloy ako makapag focus sa experiment ko.

"That woman!" I hissed and put down the florence flask on the side at ginulo ko ang buhok ko. "Mamaya talaga siya sakin," I said seriously and I cursed.

"Oho, baka mamaya niyan mainlove ka diyan. Kalma lang bro, tignan mo hitsura mo. Ganyang-ganyan ang mukha ni Qing Xua nung hate pa nila ang isa't-isa." Sabi ni Li QinSheng

Kung ano-ano pang sinasabi niya. I'm not gonna fall for her.