Chapter 1

His fake girlfriend. 

Hydra's point of view

Napatingin ako sa gilid ko and I blink a few times and I find myself in a man's room. Kingina, kaninong condo to! Nagpanic ako at inangat ko yung kumot. I found myself wearing a black polo at maluwag sakin yun. Holy shit! Please, just don't. Iuumpog ko talaga ang sarili ko if ever I found out that I had sex with some stranger. I searched if there's something on the bed at nagulat na lang ako nung tignan ako ay may lalaki sa harap ko and he coughed.

Bumilis ang tibok ng puso ko nung nakita ko si Haru. "So the princess is awake huh? At iba ka din. Paghinalaan mo talaga ako na may ginawa sayo? Ikaw nga yung sumungab sakin diyan." Sabi ni Haru at seryoso lang niya ako tinignan. Napalunok na lang ako. J--Just what the fuck did I did!

Napalunok na lang ako at kinapa ko yung legs ko. Buti na lang may short ako. Hindi na ako magsasalita sa kanya. It's just I need to go home. Yari ako kay Knell nito! Bwisit, ang sakit ng ulo ko. Pero wala na akong pake. Gusto ko na lang talagang makatas. Hindi ko na alam kung anong kahihiyayan tong pinasok ko. At sa crush ko pa talaga ha. My gosh Hydra Celine, kelan ka pa naging marupok ah? Gaga ka!

Ano bang nangyari? Hindi ko talaga maalala. Maya-maya lang ay tumunog yung gc sa messenger.

Koharu Koyanagi sent a photo.

Koharu Koyanagi:

Hoy Hydra Celine kalat na kalat sa social media. Sinungaban mo pala si Senpai kagabi. Kelan ka pa naging wild girl hahahaha!

Calista Angela Dela Paz:

Akala ko chika lang ni Abi. Iba din paraan kay crush ah. Galawang marupok agad. Hoy Hydra Celine wag kang magseen diyan. We need answers.

Abigail Amaris Wei:

Kelan ba ako nagsinungaling sa inyo girls? Ano na Hydra Celine, sagot na aba. Sinungaban mo ba si Del Valle?

Juicecolored. Gusto kong sirain yung phone. There's a photo of me and Haru. Hinalikan ko nga siya. No wonder he looked so pissed off now. Hindi talaga ako makakatakas dito. Well anyone would get mad kung hahalikan ka ng lasing. Napahawak na lang ako sa damit ko at yumuko ako, "Tell me. Anong kailangan kong gawin." Sabi ko

"Tsaka na yan. Kahit na inis ako sayong baliw na babae ka, I can't let you going out without having a breakfast. Nagpaluto na ako, just go down." Sabi niya at tumango na lang ako at tsaka bumaba.

Ang ganda naman nitong condo niya. Parang exclusive pa yata to. Nakahanda na yung fried rice and some bacons. Pumunta na ako sa upuan and then I decided to eat. Then he put some medicines and some water, "Drink that. It will help you sober. Kukunin ko lang ang gamit mo. Then we'll negotiate. Hindi ka pwedeng makatakas sa kagagahan mo sakin." He glared

Kahit ang seryoso niya, crush ko pa din siya. Gosh! His perfect nose, reddish lips, those jawline gustong-gusto ko sa kanya yun. How can someone be so incredibly handsome like this? Ugh. Ano ba tong katangahan ko? I told myself na hindi na ako maiinlove sa mga lalaki and I convinced myself that I hated them pero wala eh. Sobrang gwapo talaga ni Haru. Hindi naman siya nagtagal at binigay din niya sa akin yung paper bag. Lahat ng accessories andun pati din yung dress at heels ko.

He got closer to me and he looked at me seriously, "Be my girlfriend. Kung gusto mo talaga makabawi then do that. At wala na tayong magagawa. The Del Valle and Flores are quite known, alam ko naman that we'll ended up getting forced by our families kapag nalaman nila ang tungkol dito." Sinabi niya at halos mapalunok na lang ako. If this is not real, please slap me.

Yung maging crush ko pa nga lang siya eh hindi na ako halos makahinga. Sa tuwing kasama ko siya, it always feels awkward. He's anti-social and I'm out of his league. Kaya anong gagawin ko?

I'm boyish. Not to mentioned, I used to be delinquent. Madalas ko din kasama si Koharu kapag napapatrouble kami. Kaya nga madaming takot sa amin. And I never tried to understand boys before. Galit nga ako sa kanila eh. Lalo na't I never even tried to understand them at all. I was a man hater, dala na din siguro ng nangyari sa akin nung iwanan kami ni Papa. And when I was rejected by man a countless times. Kaya nga bago to' sakin.

Yung mainlove. I only wanted to give him a mango juice just once at tulungan pero hindi ko inisip that I'll fall in love with Mr. Chemistry student, hindi ko inaasahan na isang Haru Kanae Del Valle.. tatanungin talaga niya ako na maging girlfriend niya. Hindi naman ako nanaginip di ba? And I heard it right. Though gusto ko pa din makasiguro tungkol dito. "So you mean to say.. "tayo na?" Is that what you're saying?" Tanong ko

"Fake lovers only, my dear. Alam kong crush mo ako. You confessed to me before and I'm only this kind of shit just for the sake of the media. Bago sila magbigay ng kung ano-anong assumptions ay uunahan natin sila. I'm going to tell them that you're my girlfriend." Sinabi niya ng seryoso.

Nagsimula din naman sa akin to.'  

If only I didn't drink a lot of tequila in the party. Kahit na ayaw ko ito, I hated the media at humarap sa maraming tao pero dahil sa nangyari kahapon, because of one kiss ay wala na akong magagawa. I can't do anything about it kaya sa ayaw at sa gusto ko gagawin ko. Even though we're only fake lovers, aba chance ko na din mapalapit kay crush to. Kaya sige. So I looked at him at ngumiti ako sa kanya, "Sige. Payag ako. But as much possible I want to keep this as a low profile. I hate that the media would assume things about us."

"And I planned to." He said seriously. Ngumuso na lang ako sa kanya. He's so masungit you know. Para bang galit sa mundo. Pero wala! Asan ang hustisya? Napakagwapo mo lang naman Haru Kanae Del Valle.

After our negotiations, Haru decided to take me home. At parang gulat na gulat si Knell nung may lalaking nagdala sakin. Iba na naman iniisip niyan kaya pinandilatan ko siya. Tumawa-tawa na lang si Kuya at ngumisi. Bwisit! Hindi niya ako tinulungan kagabi. Mamaya ko siya raratratin. Makikita niya ang hinahanap niya.

"I'll see you at school Hydra." He said seriously at umalis na din siya. Nagpapadyak naman ako sa kilig at ngumisi naman si Kuya Knell, "Ayun. Di hatid ni crush ah," Sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman kasi mangyayari ito kung hindi niya ako pinabayan in that business party. Ugh!Well, it's not like I care about him in the first place pero nakakamangha na wala pang sinasabi si Dad. Ni hindi ko nga siya makita din sa loob eh. Ako lang ba ang kinakabahan dahil in the first time of my life naging ultimate gaga lang naman ako. I crossed my arms and I looked at my brother, "Kuya Knell, bakit parang wala pang nangyayari ngayon?It feels too weird."

"Bakit? Gusto mo ba sinasaktan ka? Oh girl, nag-aadvance ka agad mag-isip ah." He tilted his head at halos mamula na lang ako sa galit! He was like so green minded. Ugh. I really can't keep up with my kuya dahil palagi siyang ganito. Hindi naman sa umaakto akong inosente but he is too irritating. Nakakaimbyerna. Nanadya na naman siya ang aga-aga! 

Pumasok na kami ni Kuya Knell sa loob and nagulat na lang ako when Mom is crossing her arms and she looked at me, "Where did you go young lady? Nawala ka na lang." She got closer to me at napalunok na lang ako. Well, I should expect na pagalitan talaga ako. Siguro hindi naman kasi talaga magugustuhan ni Mom kapag nalaman pa niya. And, it's as if I have choice in here.  Then suddenly, Mom's expression change and then she hit me on my arms slightly. "Ikaw, ba't di ka nagsabi na sa crush mo pala ikaw nagstay? So ano? Nakuha mo na ba?" She asked at napataas na lang ang kilay ko. 

Huh? She's not even mad that I stayed in a man's condo? Oo si Haru nga yun, pero lalaki pa din yun. For sure Kuya Knell got something to do with this. Pinandilatan ko na lang siya ng mata at kanina pa ito tawa ng tawa. Really? Is it really that fun to tease your own sister? Grabe lang din Kuya Knell. For sure kapag nalaman nila ang tungkol sa amin ni Haru, they would probably teased me with it, almost everyday. Naalala ko pa nuon nung una pa namin pagkakilala nuon, nung galing akong practice at nung inamin ko na may crush na ako halos nagtatalon sila sa tuwa. At least daw hindi daw puro pagiging man-hater ko at ang pagiging delinquent ko ang inaatupag ko. 

I mean yeah, I used to be a bad girl before. At dati akong napasama sa isang mafia, in Koharu's family. Knowing that I was a best fighter in Kendo before, I was asked to protect her before. Kaya nga nag-alala si Kuya Knell and si Mom na puro bugbugan na lang ang inaatupag ko. I literally rolled my eyes at the both of them. "I just had enough for one day, don't start me with this.

"At least you're finally a normal girl Hyd. And there's nothing wrong with that. Wag kang mag-aalala dahil i-cheer pa kita kay Mr. Chemistry mo." Sabi ni Kuya Knell at napahawak na lang ako sa pisngi ko. Ugh. Nakakainis siya! Alam naman niyang malakas ang epekto sa akin ni Haru eh. Is he doing this for purpose! 

Nagpapadyak na lang ako tsaka ako dumiretso sa kwarto ko. Tignan mo, hindi na naman matapos ang araw ko kapag hindi talaga nila ako dalawa naasar sa crush ko. Though I love them both kahit na inaasar-asar pa nila ako ng ganyan. 

Next chapter