The Arrogant Mistake TAGALOG

PROLOGUE

Disclaimer: This story is a work of fiction. All names, characters, businesses, events and etc. in this story are either the product of author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. WARNING! This story also contains matured content so be aware of it.

*****

"Ikaw! Alam mo ba na bawal magtapon ng basura dito?!" Sigaw ng isang dalaga habang ang mga mata nito ay nag-aapoy sa galit. Bigla na lamang nag-init ang ulo ni Coen ng marinig ang pagsigaw sa kaniya ng isang babae.

"Are you shouting at me? Don't you know who I am?!" Nagtagis bigla ang bagang niya sa galit. Gusto mang pigilan ni Coen ang hindi mainis pero kanina pa siya nagtitimpi sa babaeng kaharap niya ngayon at pinuno na nito ang pasensiya niya. Itinapon lang naman niya ang upos ng sigarilyo tapos nagulat na lang siya ng biglang sumulpot ang babaeng ito at sinita siya. What the f*ck she's thinking? This is a bar and all people here was throwing there cigarette after they used it. Alangan naman na itago niya pa ang upos ng sigarilyo sa bulsa? That's crazy bullsh*t idea.

"Huwag mo akong english-in dahil nasa pilipinas ka tsaka hindi ka ba marunong magbasa? Nakalagay na nga na bawal magtapon pero ginawa mo pa rin. Purkit ba bar ito magtatapon ka na ng basura kung saan-saan?" Panganagaral nito. Pinulot ng dalaga ang upos ng sigarilyo at inilagay sa kamay niya dahilan para mapamura siya sa inis. "Kung ayaw mong magalit ang boss ko ay itapon mo na lang 'yan sa tamang basurahan." Sabay ngisi ng dalaga at naglakad na papalayo.

Napakuyom siya sa inis at itinapon kung saan ang upos ng sigarilyo.

Damn that girl! She's getting into my nerves.

Parang anumang oras ay sasabog na siya sa inis dahil sa inasta ng babaeng 'yon.

"Sorry pre nahuli ako ng dating, teka bakit ganiyan ang mukha mo?" Kunot noong tanong ni Chase na kararating lang.

"Where's Jackson?" Tanong niya sa kaibigan. Jackson is the owner of this bar at siguradong alam niya na empleyado iyon ni Jackson dahil sa suot nito.

"I think he's inside, enjoying his girls." Ngising sagot ng kaibigan. Hindi na nagdalawang isip pa si Coen at naglakad na papasok sa loob ng bar para puntahan si Jackson.

"Expel that woman." Walang preno na sambit niya sa kaibigan.

"Woah! Woah Coen! Hindi ka ba marunong kumatok?" Inis na sagot ni Jackson na abala sa pakikipaghalikan sa babae.

"I want you to fired that woman." Bakas sa boses niya na desidido siyang patalsikin ang babaeng 'yon. Hindi ba niyon alam kung sino siya at ang lakas ng loob na punahin ang mga gusto niya?

Nagkatinginan pa silang lahat dahil sa kinikilos ni Coen na tila seryoso ang mga mata at galit na galit.

She will pay for what she have done to me.

Bulong ng binata sa kaniyang sarili habang ang mga mata ay nanlilisik sa galit. 

To be continued...

Next chapter