Chapter 06

School festival (part two)


"So, how is it going?
The booths? The food stalls? The competition?"


Perfectionist nga talaga si Pres.
Kaya di ko maiwasang matawa sa kanya. He has been always making sure na maayos talaga ang event kapag ganito. Nginitian ko naman na siya, "Everything's fine. Kaya wala ka dapat mag-alala dahil chineck ko naman na ang lahat ng booth. And as for the movies, I make sure na R-13 ang ipapalabas nila."

"Good, you can go now Secretary Kaneshiro. May competition ka pa." He said at tumango naman na ako sa kanya at natawa na lang ako ng bahagya. Serious mode din talaga si Pres kahit saang angulo. Hindi man lang kasi ngumingiti.

"What's so funny?" He asked. Luh. Yaan oh, tamo nakakunot na naman yung kilay niya. Ang hirap makipagbiruan sa lalaking to.

"Wala! Sige una na ako pres!"

Ngumisi naman ito sa akin and he nodded, "Goodluck," Tipid nitong sagot sakin at tumango naman na ako sa kanya. Kinuha ko na din yung bag kong pang-art materials. It consist of color pencils, faber castell pa yun. Then charcoal pencils, oil color pencils and then bondpapers. Madami-dami akong bitbit.

Buti naman at nakarating din ako agad. At nakita ko na yung theme. Of course, it's about our school. Tumabi naman na ako ako kay Piper at nginitian naman niya ako. Hindi lang basta drawing to, sineseryoso ko talaga ang drawing. Tinasahan ko naman na yung color pencils ko and I decided to get a bond paper tsaka na ako nagsimula magdrawing.

I decided to draw the school. Halos perspective view pa nito, where the teachers were there, all the staffs of the school at kaming mga estudyante na masasaya. Lahat ng parte ng bond paper walang natira, lahat may drawing. Basta mahalaga lang naman kasi ay naiintindihan ko yung concept ng drawing eh. Matapos nun ay pinasa ko na rin yung bond paper kay Sir Marquez.

"Alam mo Wakana, may kakapuntahan talaga tong galing mo sa drawing at pagiging editorial cartoonist mo." Banggit naman niya at ngumiti naman ako.

Pag alis ko sa Room ng 2nd year ay bumungad naman na sa akin si Luna. Just like before, kakaiba talaga yung pagiging fierce niya. She got closer to me and looked at me seriously, "You need to layout sa event na to para sa newspaper. Well, alam ko naman na pagod ka today. I can expect the drawings in Thursday then."

Tumango naman ako sa kanya and I smiled her. Then maya-maya lang din ay pinuntahan na ako ni Masashi. Mukhang nakapaglinis na siya. Simple lang ang attire niya. Dark blue shirt, jeans at naka rubber shoes and he wears his glasses which made him more stand out. Kahit ano naman kasing porma ng lalaking to sadyang gwapo siya e.

"Cupcake?" Inabot naman niya sakin yung strawberry toppings na cupcake at tumango naman ako. Kinain ko naman na yun at napangiti ako.

He was busy at his phone at nagpapalevel siya gamit si Miya. Psh. Gustong-gusto talaga niya porket malaki hinaharap. ;-;

Napairap na lang ako sa kanya at nagtaka naman siya kung bakit ko siya sinungitan. Napakamot na lamang siya sa ulo niya at natawa sa akin, "What?" Tanong niya sa akin at umiling naman na ako sa kanya. Tinabihan ko naman na siya at napangiti ako. I really feel at peace kapag nasa tabi ko siya.

Yung feeling na magkaroon ka ng boy best friend na palagi mong makakasama, yung laging tumatambay sa inyo, I wouldn't forget those. Alam ko na gustong-gusto ako ipagtanggol ni Masashi sa ginawa ni Rose but I choose not to tell him. May rason ako kung bakit hindi ko sinabi sa kanya yun. Hindi ako sanay na humingi ng tulong ng iba. It has been always like that. Masasabi bang malakas akong tao? No, I wouldn't say that. I just choose not to because I don't even have the right to be protected...

Sa totoo lang, nai-insecure na ako. Because of my face.

Matapos ng isang game ay napabuntong hininga na lang si Masashi at napatingin na lang siya, "Wakana. Alam ko talagang may nangyari nung isang araw. Okay, I won't do unecessary things at least for now. Pero sabihin mo nga sa akin kung ano bang nangyari sayo. Best friend kita, at nangako ako sa nanay mo na proprotektahan kita."

"But I'm fine though,"

Stupid. Why are you running away Wakana?

Ganun ba talaga kahirap sabihin sa crush mo na binu-bully ka ng iba! Whoa, wait! At anong crush? Ugh, hindi ko na din alam kung ano ba tong pinag-iisip ko. Nasisiraan na ba ako ng bait? I don't understand anymore. He got closer to me and he sighed, "Hindi kita titigilan hangga't di mo sinasabi." Ngumuso naman siya sa akin at napabuntong hininga na lang ako.

Hindi siya titigil no?

Wala na akong ibang choice. As much as I wanted to keep my it from him, mukhang impossible. Alam ko sandaling panahon pa lang talaga kami nagiging magkaibigan pero alam niya kung ano yung mga inaalala ko. Kaya kahit ayoko, wala na din akong magagawa. Napairap na lang ako sa kanya, "Fine then! Sasabihin ko na manahimik ka lang." I said to him

"Yown!" Ngiting-ngiti naman na siya sa akin at natuwa.

"Rosemary Ann Park, the Queen Bee. She bullied me the other day..."


Gulat na gulat siya sa sinabi ko so he just took my arm at tinignan na lang ako ng seryoso.
"Anong ginawa niya!" Galit na saad nito at napabuntong hininga na lang ako. Ayoko naman talaga ng gulo. If I'm bullied, I can just act like hindi nangyari yun. Ayoko lang na sisihin na naman nila ako dahil sa pagkuha ko ng sympathy ng iba.

That's what they think. Pero hindi naman ako kumukuha ng sympathy ng iba e, I was clearly hurt and bullied emotionally... alam kong hindi na maganda to that's why I'm researching for a psychologist. Oo nakikimkim ko at nakakaya ko yung mga sinasabi nila sa akin pero may limitation naman talaga ang lahat eh. Nilapitan ko na lang si Masashi and I touched his hands, "Come on, we're already 4th year. Wag mo sabihin na gagawa ka ng record ng dahil lang sakin? We need to graduate, ako kailangan kong makapasa sa STI and while you need to go in college in Manila sa UST. Please, I'm fine. Kaya wag ka na mag-alala..."

Hindi ko naituloy ang dapat kong sabihin at lumapit naman na siya sa akin at tiyaka niya ako niyakap ng mahigpit. It can clearly see na sobra talaga siyang nag-aalala para sa akin. Mas lumakas lang ang kabog ng dibdib ko ngayon na malapit kami sa isa't-isa. Because of this, it made me fall in love with him even more. Sinabi ko sa sarili ko that I only care about studying.

Pero nagbago ang lahat simula nung naging kaibigan ko siya. Simula nung naging close na kami sa isa't-isa. He sighed deeply at ang higpit lang ng yakap niya sakin, "Takot lang niya at wala ako nung araw na yun pero kapag nakita kong pagtulungan ka ulit ng iba pwes mayayari sa akin ang Rose na yun."

He really do take care of me..but only as a friend.

Oo mahalaga ako sa kanya, pero kahit kelan hindi ako ang magiging babae na pwede niyang i-girlfriend. Dahil hindi niya ako mapapansin. Seriously, ang sakit niyang mahalin pero bakit ba ang tanga ko? Bakit ba crush na crush ko siya? Oo dati crush ko lang siya pero mas lumalalim na ang nararamdaman ko. Tahimik lang naman kasi ang buhay ko dati pero unti-unti ko makikita ang kulay when he become friends with me.

Damn. I hate that word. FRIENDS.

"Masashi. Do you really care for me as a friend or as a girl? This...it's confusing me, whatever what we had."

Dapat ko bang sabihin sa kanya yung nararamdaman ko? Paano kung hindi ako sigurado dito at masaktan lang ako? Hindi ko na kasi alam! The way he cares for me, it was giving me false signals. Ni hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin sa ngayon. Kaya ayoko ng walang label e!

"Syempre. Kaibigan kita,"

"Yeah right friend..."Sabi ko na lang and I bit my lip at tinignan ko na lang siya at di ko maiwasang mapaluha. Hindi pa ba niya makita? Dapat ba ako magsabi sa kanya?

"Do we have a problem---

"Crush kita! Nuon pa lang, nagtransfer ka pa lang dito. Hindi mo ba talaga ako kaya mapansin? Ganun ba talaga role ko sayo? Yung babaeng hindi mo mapapansin?"

Damn this tears. They just won't stop. Nakakahiya tong ginawa ko. Pero sooner or later pagsisihan ko din ang lahat kapag hindi ko sinabi sa kanya. Napayuko na lang ako at hindi ko mapigilan iyak ko. Dapat di ko na inamin. Napakatanga ko. We should have stick as friends, ngayon ako pa gagawa ng dahilan kung bakit kami magkakaroon ng problema.

Ano bang problema ko? Whenever someone stays at my side, feeling ako ang may kasalanan kung bakit sila umaalis sa tabi ko. It's my fault. Tinalikuran ko na lang siya pero hinila na lang niya ako papalapit sa kanya at ang seryoso ng mukha niya.

"Wakana,"

He look at me seriously at lumapit na lang siya sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko at saka niya ako hinalikan. Halos manlaki ang mata ko sa ginawa niya. Gustuhin ko man na itulak siya pero hindi ko magawa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ang sobra akong namumula. His movements were slow pero ramdam na ramdam mo ang pagmamahal na pinaparamdam niya.

"Wait for me. Once we entered college, I'm going to date you." Sabi ni Masashi at nginisian na lang niya ako and he pat my head.

Halos napatong ko na lang ang likod ko sa pader at halos di ako makagalaw sa posisyon ko. Why did he kiss me? Is there a deep meaning to this? Gusto ba niya ako kaya niya ako hinalikan? Hindi ko na maintindihan kung ano pa bang dapat kong gawin eh. Ano ba dapat kong paniwalaan?

Masashi, are you giving me false hopes? Ano ba talagang meron tayong dalawa? Dapat ba akong umasa sayo?