Chapter 04

Library study.

"Dinala mo ba yung magazines?"

Tumango naman si Masashi and he had a lot of magazines with him. Mosaic art kasi yung project nila same din ng sa amin kaya ayun sabay na kami gumawa. Anime girl na warrior yung sketch niya, while sa akin Old Victorian Vampire na Anime boy ang sketch ko. Mahilig talaga kami pareho ng anime kaya iyon lagi ang model namin kapag sa sketch. Nagsimula na akong mag gupit at si Masashi naman ang taga-dikit sa papel.

"Ayun sabi na, na ke crush---"

"Sabrina!"

Gagang to. Inaasar pa ako sa harap ni Masashi ah. Bwisit siya. She's turning like my mom and my little brother who's messing around me when it comes to him. Hindi pa nga ako sigurado dito sa nararamdaman ko eh. What if naging crush ko lang siya ng maikling panahon dahil parati kami magkasama? Isa pa 4th year na kami, kapag nag-college na kami baka mawala din to. Tutal magkakaiba kami ng university na papasukan.

"Kidding." She laughed, "Nga pala malapit na rin yung pagtake ng exam noh? Kelan kayo kukuha? Kapag di pa kayo kumuha magsabay na tayo. Para diretso MOA tayo, dun sa comic alley. Di rin kasi ako nakabili ng anime figurines eh dahil sa singing competition ko nuon." Ngumuso naman si Sabrina

"This Saturday. Busy ako this week eh, pinupudpud na ako ni Pres para sa school festival." Sabi ko at napakamot na lang ako sa ulo ko

Since the festival in St. Louisa Academy is coming it has been a busy day. And knowing Arche, that guy is very perfectionist at gusto niya na maiayos talaga ang festival next week. Kaya pagkatapos din nitong mosaic art namin ni Masashi. Ever since that we became closer talagang sabay kami nag-aaral. We have been serious when it comes to studies. Kaya kahit anong activities or project, we got each other's back.

When our study session is done, agad naman na ako nauna papuntang music room for the meeting. Arche already texted me for the meeting pero bago ako makapunta sa music room ay hinarang ako ni Rose. "Eto na pala yung ilusyunada,"

"I don't have time for any shits you have Queen Bee."

Wala na akong time para makipagdeal sa mga inggit na nararamdaman niya. She's not worth it. Nung nilampasan ko siya ay hinila naman niya ang buhok ko, "Stop dreaming you malicious bitch!Ang panget mo, sa tingin mo ba talaga magkakagusto sayo si Masashi? Pwede ba wag ka na ngang maglalapit sa kanya because he has a girlfriend," Sabi ni Rose at binuhusan na lang niya ako ng malamig na tubig niya sa bote niya. 

Panget...

Ilang beses ko na nga ba yan narinig sa bibig ng iba? I thought na sanay na ako marinig yun pero hindi pa pala. Dapat sanayin ko na lang ang sarili ko na makarinig ng masasakit na salita pero hindi. Masakit pa rin pala ang salitang yun kahit na ilang beses ko na naririnig sa mga ibang tao yun. Alam ko naman na panget ako eh, bakit kailangan pa na ipahiya nila ako? Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinulak ko na lang siya ng malakas. "Ano ba! Hindi niyo ba ako titigilan!"

Ano pa nga ba aasahan ko sa mga alepores niyang si Rose? Tawang-tawa lang naman sila sa nakita nila. Bakit kasalanan ko na naman? Whenever I wanted to be happy parating may haharang sa kaligayahan ko. Is it a curse that I have this face? Kasalanan ko ba? Pucha bakit ako! Ano bang nagawa kong kasalanan! Mabait naman ako! Why do I have to suffer like this? Bakit ako! Isang malaking kasalanan sa panget na tulad ko ang maging kaibigan si Masashi? And for the record, he's the one who approached me. He's the one who wanted us to be friends...

Pero bakit bawal makipagkaibigan sa kanya? Napayuko na lang ako at hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. 

"Tama na yan!"

Nagulat na lang ako sa sumigaw. It made me shocked nung nakita ko si Pres na papunta dito. Kinuha naman niya yung jersey niya sa bag at sinuot niya sa akin yun. Mukhang sa male's volleyball team yun ha. I didn't expected that. "Pres.." My voice are cracking at hindi ko mapigilan ang iyak ko so he got closer to me and patted my head, "I'm here. Wag ka ng umiyak diyan. Kitang-kita ko ang nangyari Secretary Kaneshiro."

He got closer to Rose at ang sama lang ng tingin ni Pres sa kanya, "Ms. Park, kung sa tingin matatakasan mo ito katulad ng ginagawa mong pambubully sa ibang estudyante? Pwes tumigil ka na! Wag na wag mo akong inaangasan porket pulis ang tatay mo? Sa tingin mo ba kapag nalaman ni Sir Jared ang ginagawa mong pambubully sa estudyanteng mahina sa tingin mo ba mataas ka? Pwes hindi! Magtago ka na dahil hindi ito makakalampas sa guidance councilor. Halika dito!" Galiit na saad nito at pwinersa naman siya ni Arche na sumama sa kanya 

"Are you nuts! I'm Rosemary Ann Park, The Queen bee Arche. No one can do this to me! Not even you," She glared at him

Sinenyasan naman na ako ni Arche na umalis na kaya tumango ako. Sumunod naman yung mga ibang alipores ni Rose at napairap na lang ako. Para talaga silang aso no? Na susunod-sunod sa gusto manyari ni Rose. Tch, bakit ko pa nga ba sila iniisip eh samantalang they bullied me. So I shouldn't even waste my time on them. Sa hitsura ko ngayon hindi ako pwede umuwi sa bahay. I don't want to trouble my mom. Dahil madami na siyang iniisip na pasyente. 

She's a doctor, a Doctor Specialist. And my dad, he has his own construction company at Civil Engineering si dad and he expected that I should be an chef or a flight attendant or any field in engineering pero ayoko. Kung matalino lang din ako at sanay ako magdrawing ng perspective, baka Master of Engineering ang kinuha ko sa PUP at pagiging Structural Engineering ang inatupag ko. But I'm not good in designing and calculations so I have to think of other options, in arts. In digital drawings. Gusto kasi niya na balang araw makakatulong ako sa mga planta at pagawa ng bahay but it's not my expertise. I'm still debating whether I take Fine Arts or Graphic Designing. Talagang sa arts talaga ako magaling eh. 

Siguro naman pwede naman ako pumunta kina Connor noh? Siya lang kasi matatakbuhan ko. I just can't go home when looking like this. Ayoko mag-alala si mom para sakin. Napabuntong hininga na lang ako and I called him at agad naman sinagot ito ni Connor, [What?]

"I can't go home...pwede bang duon muna ako sa inyo?"Tanong ko

[Wala ako sa bahay. Kasama ko si Ria. It's baby time. But if you wanna go, alam mo naman kung nasaan yung bahay. My red headed bitchy sister is there for sure okay lang naman sa kanya na matulog ka dun sa tabi niya. Sige na, bye!]

Napairap na lang ako. Tagsibol na naman ng kalandian tong si Connor.  =_= 

Ria, huh? Paniguradong hindi rin tatagal yan. Marami talagang babae yan si Connor at di na sa akin bago yun dahil talagang playboy na siya nuon pa lang. Palagi kong sinesermunan pero mas gusto daw niya ng excitement sa no string attach. Ewan ko ba, dakilang gago talaga yan eh. Now I understand kung bakit laging hambalos ang inaabot niya kay Tita Satsuki. Nag-jeep na rin ako agad papunta sa bahay nila Connor. Wow. Ang laki ng mansion. So it's not really a joke na anak pala talaga siya ng CEO.

Nag-doorbell naman na ako and then lumabas naman si Tita Satsuki at pinagbuksan ako. Ang cute niya. Hindi siya halatang 30s kasi mukha pa din siyang baby faced. She looked so happy when she saw me kaya niyakap naman niya ako, "Wakana right? Yung best friend ni Connor? Come in, pasok ka iha."

Dinala naman na niya ako sa loob at halos nagulat si Piper nung nakita niya ako. "Akalain mo, that bastard is not really lying huh? Talaga palang best friend ka niya Miss Secretary. Naku wag kang ma-fall dun ah baka maging mali ang landas mo kapag sa kapatid ko bumagsak."

"Hindi talaga. May iba akong crush. Magaling magdrawing. Tsaka sa gago ni Connor? Ew, ayoko." Napailing na lang ako at tawang-tawa naman si Piper sa sinabi ko and she just laughed her ass out, "I like you na ha! Buti matalino ka."

May kinuha naman na damit si Tita Satsuki at binigay niya sakin yun. Mukhang napansin niya na basang-basa na ako. Alam na alam niya talaga pormahan ko. Simpleng yellow t shirt at maong pants. Basang-basa na kasi uniform ko dahil sa ginawa ni Rose eh. Nag-cr naman na muna ako at nagpatuyo. After that nagbihis na din ako nung binigay sa akin na damit ni Tita Satsuki. After I went out nagulat na lang ako sa lalaking nakaabang at nakangisi siya, "May chicks."

Hinampas naman siya ni Piper ng tsinelas, "Thor Colton, subukan mong gawing babae mo yang si Wakana babalatan kita ng buhay!"Sigaw ni Piper at natawa naman yung si Thor, "Whoa, whoa. Easy sis, I'm not going to do anything." He raised his hands up and he chuckled

So siya pala yung binabanggit sa akin ni Connor na kasama niya madalas sa lahat ng kalokohan. Parehas silang playboy. Hay naku ewan ko nga ba. Hinila naman na ako ni Piper at kitang-kita na nag-aalala siya. Pinunasan niya ang mukha ko and she sighed, "Nahawaan ka ng germs ng kalandian ni Thor naku!" She said at di ko maiwasang matawa. Talaga ngang ayaw na ayaw niya na nalalapit ako sa pinsan niya noh? Come on, I can handle Connor edi ibig sabihin lang nun I can handle Thor as well.

"Hey it's okay. Kaya ko nga si Connor edi kaya ko din yang pinsan mo."I chuckled 

"Naku no, no! Alam ko kung hanggang saan aabot yang kalandian ni Thor. You'd ended up in bed so proprotektahan talaga kita!"Sabi ni Piper

Are they always like this? It feels like ang riot dito sa pamilya nila na maingay pero masaya. Ang hirap isipin na mayaman sila pero ganito eh. I didn't expect that. I did expected na talagang serious mode sa bahay nila pero mukhang hindi pala. It feels like they were just an ordinary family, katulad ko sa bahay. Ganitong-ganito kami eh. Maya-maya ay nag-text na si Mama at mukhang nag-aalala na siya. 

From: Mom

Baby girl, where are you? It's 7: 00 pm

To: Mom

Wag ka na mag-alala ma. Dito ako kina-Connor magstay. I have some art project that I need to finish. Pero bukas na bukas uuwi din ako. 

From: Mom

Okay baby. See you tommorow.

Lies. 

I just wanted to run away dahil na-bully ako ni Rose. I couldn't even tell that to my mom...and to everyone. Para saan pa? Ayoko din naman silang abalahin dahil problema ko to sa school. At yung problema ko sa schoo duon ko na din iniiwan. My parents are always busy in their work kaya ayoko na magkaroon pa sila ng aalahanin sa akin. I'm such a perfect daughter right? Ni ayokong sabihin na meron akong problema dito sa school. 

Napatingin na lang ako sa cellphone ko at napabuntong hininga na lang ako. I'm sorry Mom.  I don't think that I can even tell you about this bullying. Kaya ko pa naman...at kakayanin ko pa. Ayoko na isipin mo pa ako, you have some patients to save. At yun na lang ang isipin mo. Napaupo na lang ako sa sofa and I slapped my face at napaiyak na lang ako, "Tangina bakit ang hirap sabihin?" I asked at napaluha na lang ako. 

I always put my smile on my face kaya akala ng lahat I have grown as a happy child. Yes, I have a complete family but I always question my looks dahil ang panget ko. This is why I'm scared to confess to Masashi. Ngayon pa lang na magkaibigan kami ang dami ng mga tao na kumu-kwestyon, ano pa kaya yung sabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko? Ngayon pa lang ang dami ko ng 'what ifs,'  paano pa kaya kung umamin na ako sa kanya?

"Siguro nga mahal na kita Masashi, pero bakit bawal? Bakit mahirap sabihin sayo yung tunay kong nararamdaman ko? Mali ba na magmahal ako?Kailangan ba talaga hitsura ang nagiging basehan natin kapag nagmamahal tayo? Ang hirap mong mahalin pero bakit sobra na akong hulog na hulog sayo? Kung maglaro nga naman ang tadhana, sobrang sakit ampucha,"

Next chapter