Chapter 01

First encounter. 

"Huy narinig niyo ba?"

"Ang gwapo nung nasa Section 3!"

"Anak daw ng CEO eh, kyaaah! Pang-boyfriend material!"

I don't care.

Tss, ganyan lagi dito sa St. Louisa Academy. Pag may transferee, bigdeal lagi. Bwisit. Papunta na ako ng library nung makabanga ko si Seven at halos mapatumba ako. "Aray!" Halos mapaiyak ako at napahawak na lang ako sa paa ko.

"Lagot ka Seven, pinatid mo yung 4th year. Hala lagot," Herrera moved her hand at sinamaan siya ito ng tingin, "4th year ka din Herrera wag mo ako matakot-takot."

"Naku okay lang. Hindi rin kasi ako tumitingin sa daan. Sige na babye, tawag na ako ni President Arche sa library eh." Sabi ko sa kanila and I bowed at them. Nagmadali naman na ako papunta sa library at mukhang nag-aayos pa lang si Pres.

Napatingin naman siya sa akin at ang seryoso ng pagmumukha niya, "Calm down. You're not even late. And if there's a slacker around, it will be Li QinSheng." He hissed at ngumisi na lang ako sa kanya. Lagi talagang banas si Pres kay Li noh? Halos nagbabangayan sila halos e. Hindi ata maalis yun sa kanila. Matagal na akong part ng student council, Secretary ako palagi eh. Kaya talagang palagi kaming busy. On the top of that, cartoonist din ako sa newspaper namin.

Basta related sa drawing hindi ko tinatanggihan. Kaya nga sumasali din ako ng poster making at sumali din ako sa Art Club. Ewan ko ba, nuon pa lang mahilig na talaga ako ng drawing eh. Inayos ko naman na yung gamit ko at kinuha ko yung notebook ko, dahil malapit na din yung school festival mukhang marami kaming pag-uusapan. Nung makarating na si Li ay agad naman siya nilapitan ni Arche at binangga, "Where the hell did you go huh?"

"Ay anak ng teteng, ininglish pa ako. Dyan lang ako sa tabi, kumain ng isaw. Di naman ako late ah. Pres, grabe ka sakin." Ngumuso naman si Li QinSheng at sinamaan lang siya ng tingin nito.

Inayos ko na ang gamit ko at nung nag-start na yung meeting ay nakinig naman na ako. Mostly, it was about the upcoming school festival. Maraming booths na pinag-iisipan kaya medyo pinagiisipan din namin yung kagamitan at sa mga dapat naming gawin. Sa tuwing may event talaga eh lagi kaming busy sa student council. Matapos kong ilista lahat ay binigay ko naman na yun kay Piper, yung treasurer na maganda.

"Sige una na ako. Basta iyan na yung listahan Ms. Wei," Sabi ko na lang and tumango naman siya. Bago ako umalis ay nagwave siya sakin, "Sige! Nga pala see you sa poster making contest Miss Secretary!"

Tumango na lang ako sa kanya at tsaka ako nauna. Palagi namang ganun, lagi kaming nagkakapaligsahan nung red haired girl na yun. Masiyahin siya and maganda. Basta, yun lang naman yung pagkakilala ko sa kanya. Habang papasok ako sa klase, halos dumugin yung buong Section 3, yun siguro yung transferee. Na-curious naman ako kaya napasilip na din ako. But before I can even look, bumungad na agad sa akin si Rosemary at tinulak niya ako palayo.

"Sabi na nga ba at eepal din ang panget na tulad mo--"Sasampalin sana niya ako kaso bumungad agad si Luna at humarap sa akin at tinulak niya si Rose at literal na nagtago na lang ako sa likod niya. I shouldn't be really thinking like this. Wala naman ako ginawa di ba?

Kinuha naman ni Luna yung phone niya and she pointed at Rose, "Ms. Park, gusto mo bang ilabas ko ang pambubully mo sa Secretary ng Student Council? Siguradong magandang scoop to sa Newspaper mamaya para sa Journalist Club, so what do you say?" Ngumisi naman si Luna at halos mapikon yung si Rose at dinala na niya yung mga alipores niya. I don't understand her.

Palaging ganun siya. Yung tipong laging naghahanap ng away, alam ko sa ibang high school marami din talaga siyang nababangga eh. I just don't know what to do with her at all. Tanging si Luna lang talaga ang may kayang gumanyan. Either it was Kim, Kris o kung sino pang alipores ni Rose ang makaharap namin. Si Luna kasi yung tipong matapang na babae na kayang tapatan ang kahit sino. Napatingin naman siya sa akin ng seryoso, "Tss, yun lang pala kaya niya. Fucking weak," She rolled her eyes at nagtaray naman na siya.

Napansin naman na niya ako at tinaasan na lang niya ako ng kilay, "Hindi ka na natuto Kaneshiro

Napansin naman na niya ako at tinaasan na lang niya ako ng kilay, "Hindi ka na natuto Kaneshiro. Diba dati ka ng napagtripan ng mga yun? To think ginago ka pa nila nung 2nd year tayo? Lumaban ka naman. Walang kakalagyan yung pagiging mabait mo. Sige na, magsusulat pa ako. See you." She tapped my shoulders

Mabait naman si Luna, talagang intimidating lang talaga siya at mukhang yung tipong akala mo makikipagaway pero nasa lugar naman siya kapag nakikipagaway. Madalas niya ako iligtas eh kaya malaki talaga ang utang ng loob ko kay Luna. Di bale na nga. Napatingin naman ako sa Section 3 at napailing na lang ako. Gaga ko talaga, bakit pa kasi ako pumunta pa dito? Hindi naman mali si Rose. Ang panget ko naman kasi talaga. Kaya sino nga ba talaga ako para mag-illusion para dun sa transfer student na yun? Napabuntong hininga na lang ako pero bago ako umalis ay may lalaki na nakatayo sa harap ko.

Ngiting-ngiti naman si Sabrina and he tapped the guy, "Oh yan yung magaling magdrawing na kaibigan ko. For sure magkakasundo kayo niyan." Sabi ni Sabrina at napakunot naman na ang noo ko sa kanya. Ano naman kaya tong sinasabi ni Sab dito sa transfer student.

"From Section 2 right? I'm Masashi Masatoshi, I heard you're cartoonist?" Tanong naman niya at bahagya naman ako tumango sa kanya. This feels awkward. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na madaldal sa paligid. Talagang si Sabrina lang talaga yung humahatak sa akin para makisalamuha sa iba.

It has been always been like that. Lagi akong introvert at di ko rin naman talaga kasalanan kung na-misinterpret ako ng iba. I don't even care about it. Ngumiti naman si Masashi at biglaang bumilis tumibok yung puso ko. Literal na napahawak na lang ako sa dibdib ko at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. What's this feeling? Hindi ko alam kung bakit ko to naramdaman? Hoy Wakana Kaneshiro, kumalma ka na nga! Mas sanay ka na mag-isa wag mong sabihin bumaba ka din sa level ng iba at magkaka-crush ka din sa kanya?

He lend his hand and he smiled, "Gusto ko din kasi magdrawing kaso mukhang kumpleto kayo sa editorial cartoonist, alam mo ba kung saan yung art club?" Tanong ni Masashi at napahawak siya sa ulo niya at kitang-kita ang hiya niya sa akin.

"Tara, hatid kita. Wala pa naman akong klase,"

"Oh really?" He asked me at kitang-kita ang saya sa mata niya, "Salamat Sab. I'll go with her, mamaya pa naman yung mosaic natin noh?" Tanong ni Masashi at nag-thumbs up si Sab sa amin pero bago kami umalis ay pinaalahanan naman niya si Masashi, "Oy ingatan mo yan. Best friend ko yan!"

Nauna naman na ako at hinabol naman na ako ni Masashi. I should accepted the fact that those brats only think that I'm the most ugly girl in class. Hindi ko naman inisip na magpapansin sa lalaking to or anything. Dahil sa totoo lang, I feel like masyadong malayo ang agwat naming dalawa eh. Nung dinala ko na siya sa art club ay kumatok naman ako para mapansin ni Ms. Fumiyo at nag-bow naman na ako sa kanya. "Uh Miss, may gusto po sumali ng art club. Dinala ko po siya dito," Sabi ko 

Mukhang tinuturuan niya yung ibang freshmen dito at di ko maiwasang mapangiti. Actually, tahimik akong tao pero napansin niya yung mga drawings ko kaya siya ang nag-alok sa akin na i-pursue ang pagiging part ng editorial cartoonist. Hindi na rin masama, madaming drawing kada-newspaper na gagawin ng mga taga-journalist pero ayos lang naman talaga sakin yun. Ngumiti naman si Masashi at pansinin talaga siya. "Hi po. Pwede pa po ba?" Nahihiyang tanong niya 

"Aba oo naman iho, halika sa loob." Sabi naman ni Miss Fumiyo at tumango na lang ako sa kanila. Seryoso ko na lang sila tinignan at nung nagusap na sila ni Miss Fumiyo, I decided to excuse myself.

Tumalikod na ako sa kanila at napansin ko naman si Connor na hinihintay ako kaya tinanguan ko naman siya. "Oh, ba't di mo kausapin yung crush mo?" Tanong ni Connor at napangisi naman siya tsaka ko siya binatukan. Pinagsasabi ng gagong to? Pasalamat talaga siya at kaibigan ko siya talaga eh. Actually sa lahat ng lalaki, sa kanya talaga ako mabarkada eh. Eh elementary pa lang naman kasi kasama ko na to. 

Kaya sanay na talaga akong ginagago ako nito. Tss, saan naman niya nahagilap na crush ko yung transfer student sa Section 3? Hindi kaya noh! Tsaka ang dami ko kaya iniisip. Yung sa student council, sa newspaper tapos yung upcoming poster making. Sa dami na ginagawa ko sa school, may time pa ba ako magkacrush? Parang wala na siguro. Inirapan ko na lang siya, "Alam mo pasalamat ka mas bata ka sakin. Gago tara na. At pumasok ka na sa inyo baka itanong na naman sa akin ni Tita Satsuki kung pumasok ka na baka mamaya mababae ka pa.

"S--Sinabi mo?" Tanong niya at napalunok na lang siya

Natawa na lang ako sa kanya ng bahagya, "Malamang hindi. Ayusin mo kasi buhay mo. 2nd year ka na ah ipapaalala ko lang.

This is the reason why I can't imagine myself together with Connor. 

Halos madami din kasi siyang babae. At dahil ako ang best friend niya madalas pagtanungan ako. Kaya isipin ko pa lang na magkakacrush ako kay Masashi, parang ang impossible naman yatang mangyari yun. Ewan ko, basta malabo talaga siyang mangyari. Tsaka ayoko ng attention, kita mo naman sobrang gwapo niya at ke bago-bago niya at transferee ang dami na agad na fall sa kanya. For some reasons, he had a bright colors with him while I don't have. Siguro yun ang dahilan kung bakit hindi kami pwede. Tch, hindi ko din dapat iniisip masyado to dahil ayoko pa isipin crush na yan.

"Pero seryoso. Alam mo wala namang masama kung bawas-bawasan mo pagiging santo mo. Hindi naman kasalanan pagkakaroon ng crush. And uh I heard with Luna, na may mga umagrabyado sayo. Tara resbakan natin." Sabi ni Connor at pumorma pa siya at napailing na lang ako sa kanya. Pasikat langya. 

Inirapan ko na lang siya. Tch, ayoko talaga ng gulo and it's useless. Basta, mas gusto ko ang tahimik ang buhay. Siniko ko na lang siya tsaka ko siya inirapan. "Alam mo tara na. Ayoko lang lumaki gulo. At ewan ko sayo, basta di ako magkakacrush and that's final."

"Sige, sabi mo eh." Ngumisi naman si Connor

Baliw. =_=

Pagpasok ko sa room, as usual hindi ako close sa mga kaklase ko. Ano pa bang bago? Ako naman yung kaaway nila. Kaya mas gusto ko na maging mas close pa sa ibang section dahil wala talaga ako ditong kaibigan kahit ni isa. I guess I'm born to be alone. Sanay na rin ako sa mga kaartehan nilang pangbackstab sa akin at yung masama nilang tingin sakin. Kinuha ko na lang yung sketchpad ko at nagdrawing na lang ako nung may bumukas ng pinto at halos mabitawan ko yung color pencils ko dahil sa sobrang higpit ng yakap ni Masashi.

"Thank you Miss Editorial Cartoonist! Tanggap na ako sa Art Club. I guess ikaw talaga yung lucky charm ko!"

Napahawak na lamang ako sa dibdib ko at bumilis na lang ang tibok ng puso ko. This is really a trouble, dealing with a flashy guy like Masashi. But can I deal it? Etong maingay sa paligid niya? I don't believe in destiny...but is there a reason kung bakit to nangyayari?

Next chapter