Come after the Canvas [#Living the Dream Series 2]

Prologue

A U T H O R ' S N O T E :

~ Before reading, I want to remind everyone that this story is 16+ content. Di na sa akin bago yung young adult/teenfic kasi eto talaga ang unang genre na sinulat ko nuon kaya madali na lang sa akin to. So since my character is graphic artist, medyo madali sakin to kasi graphic artist din ako. So for further explanations, makikita ninyo dito yung designing about logo, brochure, tarpaulin, portfolio, billboards, scenery, 3d designs, character designing, product designing and website designs, at simple coding ng website since c++ lang yung required sa amin ksi designs lang talaga ang target namin and paggawa ng interactive games. So ayun haha, I'll explain further in the story. And towards the architect character that I had, I need entire research for this one so pag may mali ako pakisabihan na lang ako. Feel free to leave votes & comments at parehas nating subaybayan ang story ni Wakana & Masashi.

Important details to remember. This story is not affiliated with UST and STI Malolos, some parts may inspired on the place but I came up with some made up names for copyright purposes. I hope everyone understand. This is the second installment of the Living the Dream Series, so if you're looking for a teen romance and kilig feels then this story might be for you. Enjoy reading! 

D I S C L A I M E R:

~ This talks about a 22 years old college student, Wakana Kaneshiro. She's a Graphic Artist from STI Malolos. She's taking up Bachelor of Multimedia Arts and she's already in her 3rd year. Halos nasanay na siya na makasama si Masashi simula pa lang nung 4th year sila. Kahit na Section 2 lang si Wakana at Section 3 naman si Masashi there are no gap between them. Mahalaga ang pagiging magbest friend nila kaya nga hindi na nagawang aminin ni Wakana ang tunay niyang nararamdaman para sa kaibigan. She has been her number one supporter at tanging si Wakana lang ang naging best friend ni Masashi simula pa nung high school sila that's why she helped him in studies para makapasok siya sa dream school niya in UST so that Masashi can take up his Architecture. Gusto kasi niya makapagtayo ng own construction company niya kaya gusto niya ang maging architect.

 Can Wakana waited for him for a long time?Her feelings left with many 'what ifs,' kung hanggang saan ang kaya niya pa maghintay sa isang tao na di kayang pahalagahan ang presensya niya. Can Wakana keep waiting for his love for her? The names, events, places, and happenings are only made by the author's imagination. Don't take this seriously. Any resemblance to the actual person, events, living, or dead are only coincidence.

Plagiarism is a crime. No parts of this story may re-produce without the author's permission. I wrote this for weeks at if ever may magtatangka man, mahiya kayo. This work is mine alone. I hope everyone understands it, thank you. Anyways, enjoy everyone.

written by:  MissNerdyGirl20

All rights reserved 2020

Copyright MissNerdyGirl20

---------------------------------

#Living the Dream Series 1:   -The trouble girl's matched made in heaven (COMPLETED)

#Living the Dream Series  2: Come after the Canvas (COMPLETED)

...

Napatingin ako sa billboard habang nasa bus. Something caught my attention.

-Koyama Constructions Company-

Architect Masashi Masatoshi |Senior Architect|

Why him? Of all people, yung lalaking niloko ako...

Para tuloy gusto ko na magbackout. Yes, I took the offer to work here in France and build a team with Sabrina. Pero paano ko nga ba kakayanin to? I don't think I'm even capable of doing that. Hindi ko alam kung paano ako magiging okay kasama ang lalaking yun. Napakapit na lang ako sa bag ko at nilapitan ako ni Sabrina and she tapped me, "Huy kabado ka."

"Ikaw din," I fight back on her, "Architect din yung ex mo." Pambabara ko sa kanya

Ako pa hinamon talaga ng babaeng to. Ngumuso naman si Sabrina at inirapan na lang niya ako. Isa kami sa napili para sa project eh. And apparantly, dahil sa bahay na i-showcase ni Architect Masashi, he needed a graphic artist for the logo, brochure, billboard, website and tarpaulin. Wala naman akong problema sa design, dahil once nasimulan ko na ng c++ yun, pwede ko naman na ipasa sa ibang programmers na magtutuloy ng html,turbo at javascript. Tsaka malalaman ko pa kung paano ang gagawin namin sa project.

Nung makarating kami ay halos napatulala na lang ako at napatingin ako sa bintana. And while I'm out of it, ay binunggo naman na ako ni Sabrina. "Hoy andito na tayo. Andito ex mo, back out ka na?"

"No," I flipped my hair at inayos ko na lang ang salamin ko. "Excited nga ako eh. Ano pa iniintay natin Sab? T--Tara na." Nauutal kong sinabi at inayos ko na lang yung bag ko at tawang-tawa naman si Sabrina sakin. Iba din ang babaeng to eh. 

Pumunta naman na kami sa loob at mukhang may kausap siya. He looked so manly now. Ang tagal na nung huli ko siyang nakita. Honestly, I don't even know what to say. He excused himself sa ibang mga kausap niya and he got closer to me at ang seryoso lang ng mukha niya. Katulad ng dati, ang cold pa din ng hitsura niya. He seems not to care at all. This jerk.He stared at me for a moment at halos mapaurong na lang ako. Ngumisi naman siya at tinignan na lang niya ako ng seryoso, "What's with that? Naging mag-ex lang tayo naging wary ka na sa akin. Ngayon pa lang binabalaan na kita, I do hope na professional sana tayo sa isa't-isa Graphic Artist Wakana Kaneshiro."

Napakasama talaga ng ugali! Hindi ko na siya matantiya! Kahit ayoko naman ay wala din ako magagawa. I gave him a fake smile and I stared at him, "Kelan kami mag-start architect? You know that I have a precious time so don't waste it." I smirked at him. Sinimulan niya ako ng pambabara eh, edi tatapusin ko. 

"Kailangan pa ba itanong mo sakin yan Miss Kaneshiro? You had your team to do those designs wag mong sabihin na kailangan mo pa talaga na itanong sakin kung kelan mo balak simulan o hindi.Graphic Artist ka di ba?"

Napa-rolled eyes na lang ako sa kanya, "Fine! Next week then. Ipapadala ko agad yung designs para di ko na makita yung pagmumukha mo. Deal?"

"Deal." He said

Weeks passed, halos ilang gabi din namin pinaghirapan yung designs na i-showcase sa event. Mukhang isa sa malaking project to eh kahit na pagbenta lang naman ng bahay ang gagawin dito. Isa pa, isa sa mga magagaling na architect ang kinuha nila dito. Kaya kahit ayokong itong sitwasyon ko, whether I like it or not sister company ng Koyama Advertising Company ang Koyama Constructions. Pagpasok ko sa loob ay laking gulat ko ng ma-meet ko siya. 

Seryoso nga talaga si Architect Seven. Dahil nasa site siya, etong lalaking ito ang kailangan mapadpad sa pagmumukha ko. Seriously, is this a curse? Bakit ba pinaglalapit ang landas namin? Okay na sana na si Architect Seven na lang sana eh bakit siya pa?

Tinignan ko na lang ito ng seryoso and I crossed my arms, "So ikaw yung architect?" Pagtataray ko kay Masashi

Bakit kasi sa dinami-dami nang architect, sa kanya pa ako kailangan na bumagsak. Hindi rin maganda ang pinagsamahan naming dalawa. At oo, gustong-gusto ko siya iwasan. Masama ba na gawin ko yun? I was compared...by Chandria. Alam ko naman na mabait yung manager ni Hydra and they were friends pero talagang kapag nakikita ko ang babaeng yun hindi ko talaga maiwasang masaktan. Nung nag-high school ako at una ako nagka-crush kay Masashi nuon, palagi silang close nuon. At halos isinasampal na sa akin na dapat tigilan ko na yung nararamdaman ko.

Pero wala. Hanggang ngayon siya pa din yung lalaking gusto ko. Kaya nga ngayon pa lang na makita ko siya, masakit na. Tinignan na lang niya ako ng seryoso at inayos naman niya yung bag niya, "Malamang Ms. Kaneshiro, may iba ka pa bang architect na nakikita bukod sakin? Dalian mo na. Patingin nung design."He ordered at napa-irap na lang ako sa kanya. Tinanong ba niya sa akin na gusto ko to? Hindi ko gusto na mangyari din ito fyi. He glared at me at wala na ako nagawa kaya binigay ko na sa kanya yung folder, "Oh."

"Kupad," He glared.

Luh. Makapagutos naman tong lalaking to.

He's getting on my nerves. Tinignan naman na niya ito ng seryoso and looking at my designs. Ewan ko ba, kabado ako ngayon. Bakit ba ganito ang dating ng lalaking to sakin. Samantalang sinaktan naman na niya ako. This feelings is so fucked up...

"I can expect Sabrina to code the website for next week then? Kailangan ng maihabol yan." Sabi ni Masashi and I tried to look away from as much as possible. Oo alam ko naman na dapat ay hindi kami masyadong nagpapadala sa nararamdaman namin. Dahil trabaho lang naman to. But what do you expect?

Hanggang ngayon, I was still left with many questions. Na kung gusto ba talaga niya si Chandria, at kung ganun bakit hindi niya sinabi sakin? It was useless to think about it anyways. Hindi na rin naman mahalaga yun because whatever happened between the two of us, it was over. Ang tanging mahalaga na lang sa akin ngayon ay maalagaan ko si Koharu and my cousin needs me. Yun lang ang mahalaga sa akin ngayon.

Sa dami-dami kasi ng papasukan ko bakit kailangan ko pa siya makasama eh. Nakakairita. I crossed my arms at tinaasan ko siya ng kilay, "Wag ka mag-alala dahil i-follow up ko na lang kay Sab yung website so you don't need to be worried Architect." I said to him and I tried not to make an eye contact to him.

"Ms. Kaneshiro," 

Inayos ko na lang yung bag ko at napatingin na lang ako kay Architect Masashi at halos ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ganito ba talaga kalakas ang epekto niya? Kahit na simpleng pagtawag lang niya sa akin hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Kung ano man ang kaugnayan namin, maybe dahil sa designs lang involved nun. Nothing else. As if naman pwede akong magreklamo.

Malaking kompanya din itong trabahong pinapasukan ko. It's Koyama Advertising Company, sister company to ng Koyama Constructions, pagmamayari ni Sir Yuuto. Kaya nga kahit mahirap sa akin tong sitwasyon kailangan kong maging okay. I gripped my bag at napatingin na lang ako sa gilid, "I still need to do my work...magkita na lang tayo sa event. I need to go sorry." Sabi ko

Kitang-kita ang dismaya sa mukha niya. May sasabihin ba siya?At kung ano man yun wala na ako sa mood para pakinggan ang lahat ng yun. Napagod lang ako. Dahil madalas na akong ikumpara kay Chandria, and he doesn't have any idea kung gaano kasakit para sa akin yun. Sa bagay, yung mga masasakit na salita na natamo ko nuon may idea ba talaga siya kung gaano kasakit sa akin ang lahat? Kailangan ko lunukin ang sinasabi ng iba dahil ayaw nila sa akin bilang girlfriend niya. Panget ako. That's why they love Chandria. She graduated in States, at sobrang ganda at talino pa niya. Oh, saan pa ako lulugar dun?

Pero imbes na pakawalan niya ako ay hinigit na lang niya ang kamay ko and he looked at me seriously, "Ganyan ka pa rin Wakana. Ang hilig mo akong takbuhan! Ang hilig mo akong itaboy kahit na gusto ko lumaban para sayo.."

Don't fall for him.

Ipinikit ko na lang ang mata ko at napahawak na lang ako sa dibdib ko. I shouldn't be feeling hurt. Ako naman talaga ang nagdesisyon para sa aming dalawa, kaya ano bang karapatan ko para masaktan. I decided to ended it dahil sobra-sobra na akong nasasaktan. Isang bagay lang naman na talaga ang mahalaga para sa akin ngayon. Yun ay yung pinsan ko. Kaya kung ano pa man tong nararamdaman ko sa kanya, kailangan ko tong pigilan. I should be with Koharu right now dahil kailangan ako ng pinsan ko.

"Dahil wala na.."

Natawa na lang siya at ginulo na lang niya ang buhok niya at tinignan niya ako ng seryoso, "Just like how your last message, ang sakit pa rin na bumitaw ka na lang na ganun kadali. Ilang beses ko pa ba sasabihin sayo? Chandria, she's just like a big sister to me. Wala kaming relasyon. Kaya kung ano man yung narinig mo sa iba wag mo nang paniwalaan.Just come back to me please. Hindi ko kaya na mawala ka Wakana."

His eyes looked so sincere. Hindi ko pa nakita sa kanya ang ganitong mga mata niya, kung paano man niya ako titigan. I can say that it was affecting me. But If I can be cold, I'll do it. Kung yun lang ang paraan para tigilan ko ng kahibangan na to. Dahil simula pa lang, isinasampal na sa akin ang katotohanan na pinagtagpo lang kami...pero kahit kelan I'll be the girl who's out of his league. Yung babaeng kahit na kelan ay hindi niya mapapansin. 

Next chapter