Chapter 9 - Not Again

— RODNEY's POV -

Okay, this is my first point of view kaya kayo mga readers eh maging mabait sa kin LOLOLOLOL joke lang! Mabait naman ako eh. Tss.

Well, magpapakilala muna ako sa inyu, my name is Rodney Adrian Gonzales. 19 years old. Living independent na ako. My Mom was a pure Filipina and my Dad was a Australian. Kaya Half Filipino-Half Australian ako.

College na ako here at ****** University. Meron akong girlfriend and her name is Olivia Sunshine Sanchez. Isang pure Filipina sya. I met her sa isang restaurant. That time, nag iisa sya. Pero masaya naman sya nung time na yun eh. Nakangiti sya habang may kinakalikot sa cp nya.

Dahil siguro sa ngiti nya pati sa ganda nya, na love at first sight ako sa kanya. Tsss.. ba't ang corny ko!

Basta, everything was okay when I met her. Kasama ko pa mga kaibigan ko nyun sa restaurant habang nakain sya dun mag isa..

Lalapitan ko sana sya para magpakilala sa kanya pero bigla syang tumayo tapos lumabas ng restaurant. Mukha sigurong may hinahanap sya.

Maya maya pumasok ulit sya sa restaurant... pero may kasama na syang iba--- isang lalaki ang kasama nya. Maybe her boyfriend. Tsss.. may boyfriend na pala sya.

Pero hindi ako susuko, magiging akin rin sya. Kung ang mag asawa nga eh naghihiwalay pa, ano pa kaya ang magboyfriend pa. Tss..

Hanggang sa naging akin sya. BOOM! Hindi ko na muna ikuwento yung whole story ng love story ko. Masyado kasing mahaba eh.

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng biglang may tumatawag sa cp ko. Ah, si Honey. Sinagot ko naman.

"Hon, papunta ako ngayon sa school mo."

"Huh? Ako na lang pupunta dyan sa school nyo. Susunduin kita."

"Wag na Hon, ako na lang pupunta sa Yo."

"Tss.. sige.. ikaw bahala. Mag iingat ka Hon ah."

"Sige. I love you hon."

"I love you too.."

That is the end of our conversation with honey.

Ganun naman sya lage eh. Kapag sasabihin ko na ako na lang susundo sa kanya, ini-ignore nya. Sayang lang daw ang gasolina sa motor. Maraming nagugutom daw sa buong mundo.

Ano naman connect sa gasolina sa mga taong nagugutom. Tss.. minsan talaga itong si Honey, ang weird.

Pagkatapos ng tawagan namin eh napatingin ako sa bulletin board. May try out pala ang Team Tiger ngayon sa basketball para sa Sports Fest for the upcoming School Anniversary. Ang team tiger pala eh is composed of BSHRM, BSEcon, BSBA. Eh dahil Business admin ang kinuha kong course eh di sasali ako sa try out.

Hindi nyo natatanong na naging MVP ako noong high school ako sa basketball. Magaling kaya akong magbasketball. One on one tayo kung ayaw mo pa rin maniwala oh! bwahahaha (^.^) Joke lang.

Oo nga. MVP ako nung high school. At dahil may try out mamaya sa basketball eh sasali ako.

Magpapasama na lang ako kay Honey sa try out para may motivation akong maglaro hehe. (⌒▽⌒)

—--

— ERICA MAE's POV -

Magla-lunch na at hanggang ngayon hindi pa tapos ang class namin. Magclassmate pa rin kami ngayon ni Ryan.

Teka, bakit natutulog tong lalaking to? Natutulog kasi sya eh. Hindi na sya nakikinig sa discussion. Sabagay, sino ba naman inaantok sa subj. namin ngayon. History namin ngayon at yung prof. pa namin eh boring magturo. Tss.. pati nga ako inaantok na eh. Mga classmate ko nga eh tulog na. Hindi man lang sinasaway ni Prof. yung mga natutulog. Ewan ko ba kung bakit. Kung matulog na lang kaya ako.

"Okay, next meeting... we will have a short quiz about our discussion today. You can claim your photocopy of your handouts at **** to have your own copy of our lesson. Okay class, dismissed."

Aish. Buti naman tapos na ang klase. Makakapag lunch na. Gutom na ako eh.

Habang nagliligpit ako ng gamit ko eh nakita ko si Ryan na tulog pa rin hanggang ngayon.

Tss.. antok na antok sya sa discussion ni Prof. kasi ang himbing ng tulog nya.

Gisingin ko na nga to. Hindi naman pwedeng iwan ko na lang sya di ba.

Umupo muna ako sa katabing upuan nya. Pinagmasdan ko muna yung mukha nya habang natutulog. Aba! Akalain mo nga naman. Sobrang bait nya kapag tulog sya. Ang cute nya mukha syang anghel.

Dahil dun, napangiti ako. Tapos na realize ko na ang gago ng Ex girlfriend nya ah. Kasi bakit pa nya pinakawalan itong ex bf nya. Ang gwapo gwapo kaya. Aish. Tapos ang alam ko rin eh itong si Ryan eh mukhang mahal na mahal pa nya yung ex nya. Kitang kita ko kaya sa mata nya na nasasaktan pa rin sya hanggang ngayon. Kung ako lang ang ex gf nya, hindi na ko makikipaghiwalay sa kanya.

Mamahalin ko sya ng buong buo... ganun. Hala! Ano ba tong sinasabi ko?

Eh di ba nga boyfriend mo tong lalaking ito, Erica. Kasi nga may deal kayo na maging girlfriend nya as long as he want. Pero yun nga lang, fake girlfriend nya lang ako. Gagamitin nya lang ako para maka move on, kahit masakit pakinggan you know!

Pero Okay na rin yun. Atleast, makakamove on sya... nang dahil sa akin. Sana naman hindi maabot ito sa gulo itong ginagawa namin ah.

Tss.. gisingin ko na nga tong isang to.

"Hoy.. Ryan.. Gising na. Tapos na ang klase" kinakalabit ko sya pero ayaw nyang tuminag.

Aish. Mukhang antok na antok na nga talaga sya. Ang himbing ng tulog nya eh. Aish.. ansarap nya talaga panuorin habang tulog sya. Ang cuutttee nya talaga hihihi (^ω^)

Parang gusto kong hawakan mukha nya. Aish. Kelan kaya ako magkaka love life. Maganda naman ako. Meron ngang nanliligaw sa kin pero hindi ko naman type. Aish. sana magkaboyfriend na ako. Yung totoo ah. Hindi yung fake katulad ngayon sa amin ni Ryan. Aish. sayang ka talaga Ryan. Nagmahal ka ng babae pero nasaktan ka lang huli..

Aish. Hindi ko namalayan na hinahawakan ko na pala yung tip ng ilong nya. Hindi ko alam kung ano nangyayare sa kin basta gusto ko lang hawakan yung ilong nya habang natutulog sya.

At dahil siguro doon eh bigla syang napamulat ng mata. Hala! Gising na sya. Nakakahiya ginagawa ko sa kanya. Nakita ba nya yung ginawa ko sa kanya. Hindi siguro.. kung makita man nya, nakakahiya! Baka isipin nya pinagpapantasyahan ko sya. Tss..

"Tapos na ang class.." say nya.

"Ahh. O-oo. Gigisingin sana kita para maglunch na." tumayo ako tapos kinuha ko gamit ko. Umalis na ako sa tabi nya baka kasi isipin nya na pinagpapantasyahan ko sya habang natutulog sya. Nakakahiya yun ah!

Kinuha naman nya yung bag nya tapos tumayo na rin sa. Ako naman eh lumabas na ng room. Hindi ko namamalayan na sinusundan pala ako ni Ryan.

"Oh. saan ka na ngayon?" say ko.

"Magla-lunch sabi mo."

"Huh? Ahh ehh.. may kasama ako eh."

"Sino? Wait, di ba boyfriend mo ko, dapat magkasama tayo kahit saan. Bakit mo ko pinagtatabuyan?"

"Huh? Ano ka ba. Hindi kita pinagtatabuyan ah. Oh sige, tara sabay tayo mag lunch."

Hindi kita pinagtatabuyan, Ryan. Iniiwasan lang kita. Baka kasi maremember mo ginawa ko sa Yo kanina nung tulog ka nung hinawakan ko ilong mo. Aish. Bakit ko ba sinasabi to. Eh malay ko ba na nakita nya yung ginawa ko o hindi.

"Yhadz, okay ka lang ba. Ba't parang iba kinikilos mo ngayon? Iniiwasan mo ba ako?" say nya.

"Hah! Ayy hindi.. ano ka ba. Ganto lang talaga ako. Hindi kita iniiwasan no. Hayaan mo na nga ako. Tara na. Kumain na tayo. Gutom na ako eh."

Hindi na naman sya nagtanong eh kaya Okay na. Aish.. napapansin na nya kinikilos ko ah. Ehh sa nahihiya ako sa kanya eh.

—--

Pagdating namin sa canteen eh nakita ko kaagad si Maika doon.

"Friend, sinama ko si Ryan para maglunch."

"Ahh ganun ba. Oh sige. Okay lang na sumabay yang boyfriend mo sa atin sa paglunch." at diniin pa talaga ang word na boyfriend ah. Haynaku! Tigil tigilan mo ko Maika sa ngiti ngiti mong yan. Ngiting mapang asar. Tss..

Nilagay muna namin ni Ryan yung bag namin sa upuan tapos pumunta na kami sa counter para um-order.

—---

Habang kumakain kami eh nagkukwetuhan naman kami ni Maika. Si Ryan naman eh tahimik lang. Himala ah! Antahimik nya ngayon. Tss.. paminsan minsan talaga eh pabago bago mood ng lalaking to. Weird.

"Friend. May try out mamaya para sa basketball. Pupunta ako sa gym para manuod kasi nandun si my labidab crush.. magta-try out din sya."

Aish. Ganyan talaga si Maika. Baliw na baliw dun sa crush nya na... ahh sino nga ba ulit yun? Tss.. Ah ewan. Basta. Yun na yun. Yung crush ni Maika na sobrang tagal na nyang crush. Ang loyal nya ah. Hindi pa rin sya nagbabago. Galing!

"Alam mo friend, nagmumukha ka ng kawawa dahil sa crush mo." say ko. Natawa na lang si Ryan na katabi ko habang kumakain.

"Ha? Bakit naman?" hindi nya magets ah. Dukdukan ko kaya ulo nitong si Maika sa ulo ng tinidor. Tss.. slow eh.

"Eh kasi naman po. Sobrang tagal mo ng crush yang lalaking yan. Since high school, sya na yung naging crush mo. Move on na uyy. May girlfriend na yung crush mo at ang bali-balita daw eh buntis pa yung girlfriend nya. Hindi ka pa ba matu-turn off sa lalaking yun ah." gawa gawa ko lang yung nabuntis yung girlfriend ng crush nya. Para naman ma turn off si Maika. Pero mukha talagang malabo eh.. May girlfriend na nga yung tao, crush pa rin nya. Sabagay, naranasan ko na rin yan. Pero kinalimutan ko na yun.

"Hindi 'no. Never ever! Kahit makabuntis pa sya ng 65 years old na babae hinding hindi pa rin magbabago. Sya pa rin crush ko at siguro mahal ko na yung taong yun."

"Friend, kadiri ka. Ang hopeless romantic mo 'no. Bahala ka. Pinagsasabihan lang naman kita eh. Tss.." sabay subo ko ng kanin ko.

"Eh ikaw Ryan, may crush ka ba?"

(´・_・')

Pinagsasabi nitong Maika na to. Bigla nya kasing tinanong si Ryan ng ganyan eh. Si Ryan naman na kumakain eh napatawa na lang. Aish. Maika, kung alam mo lang. Walang crush si Ryan, pero may ex sya na mahal na mahal pa nya hanggang ngayon. Tss.

"Ahh.. I have some. Pero hindi ko na siniseryoso yun."

Pero ang ex gf mo, sineryoso mo talaga. Tss..

"Ahh ganun ba. Ang boring ng life mo ah. Hindi mo ba crush si Friend ko?"

(」゚ロ゚)」

Maika naman! Tama na oh! Nakakahiya ah! Ano ba pinagsasabi talaga ng babaeng to! Kakaloka! Aish. Mamaya, sasapukin ko tong babaeng to kung wala na si Ryan. Humanda sya sa kin.

Nakita ko tumawa lang si Ryan. Tss.. Nakakahiya ah.. Pinandilatan ko si Maika ng mata para tumigil na kakatanong. "Hindi ko sya crush." Yun ang sabi ni Ryan.

"Tss.. di ba. Hindi nya ako crush. So tumigil ka na Maika. Isa pa!"

"Hmf. Masakit ba friend. Masakit ba malaman na hindi ka crush ng gwapong lalaking to? Bwahahahaha kawawa ka naman hahaha peace yow!" ( ^∇^)

Sira ulo tong kaibigan ko. Tss.. biruin ba daw ako! Suntukin ko sya eh. Ipatapon ko sya sa bermuda triangle para makain sya dun ng giant squid. Tss..

"Tse!" say ko na lang sa kanya. Narinig ko lang na tumawa si Ryan. Hmf.

Pero deep inside talaga, masakit! Basta masakit! Masakit yung malaman mo na hindi ka crush ng isang tao. Aish. Ba't ba ako nasasaktan ah? Hindi dapat ako nasasaktan sa sinabi ni Ryan. Wala ngang kami eh. Tss.

"Pero Ryan, di ba fake girlfriend mo lang si Erica. Wag mong personalin yan ah, ikaw rin, baka ma-in love ka sa friend ko sa huli hahaha." (^ω^)

Hala! Humirit na naman si Maika! Tss.. Aish. Isa pa, bubugbugin ko na tong isang to! \(;´□`)/

Again, wala ng sinabi si Ryan. Tumawa na lang sya.

"Maika, magta-try out pala si Ryan mamaya."

"Ha? Talaga? Ryan, magaling ka magbasketball.." say ni Maika.

"Maybe hehe.. Ita-try ko. Baka malay mo makuha ako." say ni Ryan.

"Sige, manunod ako. Pati si Friend manunuod rin."

"Oo na. Manunuod nga ako. Eh ito kasi pinilit ako na sumama para panuorin sya." tinuturo turo ko pa si Ryan nyun ah. "Bahala na mamaya.."

"Eh gusto ko lang naman na manuod ka para for support man lang sa kin. Di ba boyfriend mo ko.." say ni Ryan. Yes, boyfriend nga kita pero fake boyfriend nga lang. So, ano naman! (҂⌣̀_⌣́)

"Whaaa.. nakakakilig kayong dalawa. You're such a perfect couple. Bagay kayong dalawa." hirit naman ni Maika na kinikilig dun sa upuan nya.

Nagkatinginan naman kami ni Ryan. "Pagpasyensyahan mo na yang isa. Ganyan lang talaga yan kapag kinikilig. Over!"

"Hehehe. Basta Yhadz, manunuod ka mamaya. Dapat nandun ka.." say ni Ryan.

"Eh bakit ba kasi dapat nandun ako ah.."

"For support nga eh. Ulit ulit!" say nya habang nakangiti.

For support! Tss.. bahala na nga sya. Kung yan ang gusto nya, eh di yan. Susundin ko na lang baka kasi magalit pa sya sa kin kapag hindi ako nanuod.

—--

Pagkatapos ng lunch eh nagpaalam na si Maika sa amin dalawa kasi may afternoon class pa syang hahabulin.

Kami naman ni Ryan eh naiwan pa dun sa canteen kasi kumakain pa kami ng dessert na ice cream.

"Yhadz, manuod ka ah.."

"Oo nga manunuod nga ako."

"Ikaw pag hindi ka nanuod, magagalit ako sa 'Yo." see! Magagalit nga kapag hindi ako nanuod. Tss..

"Manunuod nga ako ang kulit!" say ko sabay subo sa ice cream.

"Mabuti naman kung ganun. Ready na kaya ako for try out. Lagi akong handa 'no!"

"Siguraduhin mong masasali ka sa team ah kung hindi..."

"Kung hindi ano.." say nya.

"Kung hindi ano.. basta. Bubugbugin kita."

"Hahaha.. Teka nga muna, magsi-CR muna ako sandali. Dyan ka lang Yhadz."

Tapos tumayo sya at naglakad na papuntang CR. Ako naman eh pinagpatuloy pa yung pagkain ko nung ice cream ko. Sarap kaya! Try mo hihihi (^~^)

Habang kumakain ako eh may nakita naman ako sa pinto ng canteen. May dalawa kasing couple na pumasok dun at yung girl eh taga ibang school sya. Hindi sya taga dito. At yung guy... (」゚ロ゚)」

Hala! Si Rod yun ah. Pati yung gf nya na ano nga ba ulit pangalan. Hala! Nandito sila! Naalala ko Tuloy yung sinabi ni Rod sa kin na dapat hindi sila magkita nung babae pati si Ryan. Tss.. what to do? Ayoko rin naman na makita ni Ryan yung ex nya kasi baka naman masaktan sya ulit. Tapos may try out pa sya mamaya. Baka hindi sya maka concentrate sa laro.

Hala! What to do? What to do?

Ah basta, aalis na kami ni Ryan dito sa canteen.

Hindi ko na inubos yung ice cream ko. Tutal busog na naman ako. Tumayo na ako tapos kinuha ko na bag ko then dumaretso sa CR. Dun sa Boys CR ako tumuloy.

Hindi ako pumasok ah. Bawal kaya! Dun lang ako pumunta sa pinto ng CR ng pang boys. Hinihintay ko lang si Ryan na lumabas.

Maya maya lumabas na si Ryan. Nakita nya kaagad ako. "Oh Yhadz, napano ka? Magsi-CR ka rin. Wag dito panlalaki to eh."

"Hindi ako magsi-CR. Sinusundo kita kasi aalis na tayo." say ko.

"Sinusundo? Eh nasa CR lang naman ako eh. Wait, kukunin ko muna bag ko."

Hala! patay! Baka pag pumunta si Ryan sa table namin kanina, baka makita nya ang ex nya. Tsss..

Huhuhuhu (ㄒoㄒ) Antanga tanga! Bakit ba hindi ko na lang dinala bag nya. Magaan lang naman yun eh. Tsss.. antanga tanga mo talaga Erica! (╯︵╰,)

Tinignan ko na lang kung ano mangyayari. ( ̄^ ̄)

Aish. Salamat. Hindi nakita ni Ryan yung ex nya pati si Rod. Kasi nakita ko rin na nasa counter pa silang dalawa at mukhang umu-order pa. Eh sadyang nakatalikod yung dalawa kaya hindi nakita ni Ryan ang ex nya pati si Rod. Phew! Salamat. (#^.^#)

"Tara na Yhadz" nakalapit na pala si Ryan sa kin. Maglalakad na sana sya pero pinigilan ko sya.

"Wait."

Nagtaka naman sya. "Bakit?"

"Wag tayo sa unahan dumaan. Dito tayo sa back door ng canteen dumaan." say ko.

"Bakit?"

"Basta. Tara na." tapos hinila ko na braso nya para wala na syang tanong.

At sa wakas, nakalabas rin kami. Mukha akong tanga 'no! Para kaming criminal kanina sa canteen.

"Ano ba nagyayari ah?" tanong nya nung nakalabas na kaming dalawa.

"Wala.. Tara na.."

tapos naglakad na kami. Phew! (^_^;) Muntik na yun ah. Buti hindi sila nagkita. Kung magkita sila, baka ngayon eh nasasaktan na naman itong si Ryan tapos magwo-walk out. Pano na lang kaya yung try out nya mamaya. Ayoko kaya syang masaktan ulit! tsss.. (#^.^#)

—---