Chapter 8 - Endearment

- ERICA's POV -

Malapit na pala ang Anniversary sa school na pinapasukan ko. Maybe Three weeks from now, anniversary na. Medyo busy na rin mga staff at mga estudyante dito. Meron na ngang nagpapa-try out for the upcoming Sports Fest rin.

Hindi ako mahilig sa sport kaya shut up na lang ako. Hmf.

Umalis na ako dun sa bulletin board. Umalis na ko kasi naghahalo halo na naman mga amoy ng mga YOKAI nyo! Mga amoy pawis grabe!

Naglakad na ako. Papunta na pala ako sa dept. sa next subject ko. Habang naglalakad ako eh bigla akong napahinto kasi may nakita ako na biglang nagpahinto talaga sa kin at nagpabilis ng tibok ng dibdib ko kapag nakikita ko sya.

Napapansin ko na tong puso ko ah. Lagi na lang bumibilis ang tibok nya kapag nakikita ko sya. Sino pa ba? Eh di itong James Ryan na to.

Nakita ko syang naglalakad papunta sa kin. Nakangiti nga sya eh. Hala! Ngayon ko pa lang siguro to sya nakitang ngumiti. (^.^) Ba't ang cute nya kapag nakangiti sya!

Infairness, bagay sa kanya na nakangiti. Guma-gwapo sya kapag nakangiti sya. Ganyan! Ganyan lang dapat! Hindi yung lagi syang malungkot tapos masungit.

Teka? Ba't ansaya nya ngayon? Ano nakain nya. Ahh.. siguro kagagawan na naman yan ng isang Yokai. Kaya YOKAI aking kaibigan, lumabas ka jibanyan. bwahahahahaha (≧∇≦)/ Jibanyan, talunin mo ang YOKAI na sumanib sa lalaking yan! bwahahahahaha O(≧∇≦)O

Baliw na ako! (^.^)

"Hoyy. Wag mo kong tignan, baka malusaw ako"

"H-hah! Ano sabi mo?" Ayan, bakit napapatulala ako sa kanya. Siguro kagagawan na naman ito ng isang YOKAI. Whaaaa (≧∇≦)/ tama na nga yang YOKAI yokai na yan. Nababaliw na ako dyan eh. bwahaha (^ï½-^)

"Tss.. sabi ko ambingi mo."

"Aray... Ba't mo ko pinitik!"

Eh pinitik nya kasi noo ko eh. Sakit kaya! Hmm.. bakit parang close na close na kami sa isa't isa. Okay na ba kami? Hmf. maybe. Or maybe not. LOLOLOLOLOL

"Wait. Bakit parang ansaya mo ah? Curious ako sa 'Yo ako ngayon. Ano sumanib sa Yo na Yokai. Sabihin mo sa kin" (^~^) YOKAI na naman. Adik kasi ako sa YOKAI eh!

"Anong YOKAI ka dyan? Tumigil ka nga para baliw. Nagmumukha kang YOKAI dyan eh. Ehh ano ba masama kung masaya ako. Natural lang naman na masaya ako ngayon."

"Natural? Bakit? Hindi ka ba masaya araw araw. Hmf. Pansin ko nga eh na hindi ka masaya everyday."

"Tss.. pwede ba? Don't dare to talk about what happened yesterday. Ayoko na maalala yun. Pag naalala ko yun, nalulungkot na naman ako at---"

"Naiiyak..."

sinadya ko talagang putulin yung sasabihin nya. I want to teased him. I want to teased that he was crying yesterday. Mukha syang bakla kahapon hahahaha (≧∇≦)/ Hindi bagay sa kanya umiyak, you know!

"Tss.. I wasn't crying at that time."

"Suss.. Don't deny it. Alam kong umiiyak ko nyun pero pinipigilan mo lang hahahaha. Bakla ka pala eh.. bakla!" say ko, teasing him.

"Wag mo kong simulan ah.."

"Hmf. Bakla.. May pamahal mahal ka pang nalalaman eh. Tss.." say ko tapos ngumiti. Buti naman mukhang gumaan na yung pakikitungo ko kay James Ryan. Nakikita ko naman na nakangiti sya habang binibiro ko sya.

"Hindi ako bakla. Umiiyak ako nyun kasi mahal ko talaga si Sun---"

"Ang ex mo... Alam mo wag mo na ngang banggitin yan. Di ba sabi mo gusto mo na mag move on. Kaya don't say your ex's name para hindi mo na sya maalala."

"Okay okay.. Sabi mo eh.."

"Yun naman pala eh. Teka, saan next class mo.."

"Speech ko ngayon.. ikaw ba?"

"Speech ko rin.. Patingin nga COR mo."

Kinuha ko naman COR nya tapos tiningnan ko Number ng Speech nya. Baka kasi magparehas kami. Kung magkaparehas nga kami, mag-classmate kami.

And yun nga, mag classmate nga talaga kami.

"Oh.. classmate pala tayo eh. Tara na. Baka ma late na tayo.."

"Okay.." tapos naglakad na kami.

---

Habang naglalakad kami eh naguusap naman kami.

"Hoy.. yung deal natin, wag mo kalimutan."

"Anong deal?" Oo alam ko yun yung girlfriend thingy. Oo hindi ko naman talaga nakalimutan yun eh.

"Tignan mo to. Nakalimutan na. Tss.. magiging girlfriend as long as I want. Bayad mo yan kahapon na ginawa mo sa kin."

"Tss.. maiba ako, bakit ba hindi ka makaintindi na aksidente nga lang yung nangyare. Aksidente lang yun, wag mong personalin. Ako na nga tong nadulas, ako pa kawawa kasi gagawin mo kong girlfriend mo. tss.."

"Oh yun ang gusto ko eh. Nakakaabala ka kasi ng ibang tao. tss.. ikaw bahala. Whether you like it or not, gagawin mo yung deal natin as long as I want. Titigil lang ako kapag sinabi ko na. Yun ang usapan. Tapos!"

"Ehh di wow. Sabi mo eh.."

"Tss.. Ginagawa lang naman natin to kasi gusto ko ng mag move on."

Ouch ah! At sinali pa nya talaga ako. So, panakip butas ako!

"Panakip butas ako ganun! Gagamitin mo lang ako para makamove on, ansama mo ah!" (ToT)

"Tss.. ikaw nagsabi nyan hindi ako. Basta, makisama ka na lang." tapos umirap sya. Hmf. umiirap sya ah. Bakla siguro to!

"Gusto mo ngang mag move on pero nakikipaghalikan ka sa ibang babae kahapon.."

Nagtaka naman sya sa sinabi ko sa kanya. Tapos nag isip pa sya at inaalala nya yung kahapon. "Ahhh.. yun ba. Pinilit ako nyun. Pero wala na, good boy na ako! Pramis."

"Hmf.. good boy ka dyan?"

"Oo nga.. pramis. Good boy na ako. I changed na already. Bakit? Selos ka.."

Huh? Ako? Magseselos? Saan? Doon sa kahalikan nyang girl kahapon. Hindi no!

"Asa ka pa! Hinding hindi ako magseselos kahit kelan. Kapal mo!"

Bakit ganto? Parang nagiging close na kami sa isa't isa nitong si James Ryan. Ewan ko ba. Kabago bago ko pa lang sya nakilala, feeling close na kami sa isa't isa. Maybe siguro dahil sa transferee sya tapos ako yung una nyang nakilala, in a bad way nga lang.

Pero okay naman kami eh. Okay na okay na kami.

"Don't you mind. Hindi pa ko nagpapakilala sa Yo in formal." bigla nyang sabi sa kin habang naglalakad kami.

Bigla naman kaming napahinto sa paglalakad. Oo nga 'no. Hindi pa nga kami nagpapakilala in a formal. Eh kasi naman puro na lang kasi kasungitan ang pinapakita nitong lalaking to sa kin kahapon kaya Ayan.

"I'm James Ryan Omamalin. You can call me James pero mas maganda kung Ryan na lang..."

Ah.. Okay.. Ryan na lang tatawagin ko sa kanya.

"I'm Erica Mae Delos Reyes. You can call me anything you want basta wag lang kalokohan ah." tapos nag shake hands kaming dalawa.

"Nice to meet you.."

"Nice to meet you too.."

Tapos nagbitiw na kami ng kamay. Ang awkward na kasi nung nagshe-shake hands kami eh nakatitig kami sa isa't isa. Mata sa mata ganun. Kaya ako na yung unang nagputol nyun. May sparks kasi akong naramdaman nung nagtitigan kami eh. Nakakailang kaya titigan sya. Tsss. (//・_・//)

"So, dahil magkakilala na tayo at girlfriend pa kita, dapat may tawagan tayo.."

Tawagan? Ang corny lang ah! Seriously, totoo ba tong gagawin namin. Yung magiging girlfriend nya ba talaga ako as long as he want. Tss.. parang nararamdaman kong nakakatakot tong gagawin ko ah!

"Ayoko.. ang corny eh. Pumayag na nga na maging girlfriend mo kasi ginagawa ko lang yun para daw sa bayad kamo na sabi mo. Okay na yun para sa kin basta wag na tayong maggawa ng tawagan.." tapos naglakad ako ng una.

"What do you think 'YHADZ' ang tawagan natin. Y.H.A.D.Z..." Ini-spell pa nya talaga ah. (Â'ï½¥_ï½¥')

Yhadz? Ayoko! Ayoko talaga! Ang corny na nga, pa emo pa! Dah! (҂⌣̀_⌣Ì)

Huminto ulit ako sa paglalakad tapos humarap sa kanya. Hindi ko namamalayan na nasa harapan ko na pala sya ngayon.

"Ayoko talaga.. ang corny at ang emo emo mo!"

"Bahala ka. I prefer to call you Yhadz instead of Erica."

"Bahala ka. Basta Ryan lang ang tawag ko sa Yo.. tara na nga, late na tayo eh.."

And that is how our endearment made. Yhadz? Ang corny talaga! Ang emo pa. tss (҂⌣̀_⌣Ì) Bahala sya. Kung yan gusto nya, eh di yan itawag nya sa kin basta yun tawag ko sa kanya eh Ryan. Tapos!

---

Pagkatapos ng Speech class namin eh sabay kaming lumabas ng room. Akalain mo nga naman na same din kami ng next subj. na papasukan ngayon. Tss..

Naglalakad kami sa hallway ng biglang napahinto si Ryan sa bulletin board. Ako naman eh huminto tapos tumingin rin kung ano yung tinitingnan nya.

Ito lang naman yung binabasa nya ngayon:

TO ALL BS HRM, BS ECONOMICS, BS BUSINESS MANAGEMENT UNDER FROM THE COLLEGE OF MANAGEMENT AND ECONOMICS:

Our school anniversary is coming, and there will be a Sports festival event. You can play any of the sports that is available but you have to try out for this for our team. This are the following schedule of the TRY OUT for the sport that you want to join for our team:

Basketball (Men and Women): July ***, 2016 Wednesday, 5:30 pm at Gymnasium...

Tennis (Men and Women): July ***, 2016 Thursday, 2:00 pm at Tennis court...

Frisbee (Men and Women): July ***, 2016 Friday, 1:00 pm at Oval...

Volleyball (Men and Women): July ***, 2016 Saturday, 12:00 noon at Volleyball court.

See you there Team Red Tiger!

"Yhadz.. Tignan mo to.."

"Oh ano yan.."

"May try out sa basketball.."

"Eh ano naman ngayon. Sasali ka? Eh di sumali ka.. Wala naman akong hilig dyan eh.." tapos umalis na ako. Bahala sya. Mukhang gusto nyang sumali sa Basketball for try out ah. Eh di sumali sya. Okay lang naman sa kin eh.

Habang naglalakad ako eh hindi ko namamalayan na nakasunod na pala sya sa kin.

"Yhadz.. sali ako sa try out basketball"

Di ba, sabi ko na nga ba eh. Gusto nya sumali sa basketball.

"Eh di sumali ka. Kelan ba ang try out ah."

"Mamayang hapon.."

Oh. mamayang hapon na pala. Wednesday nga pala ngayon.

"Oh eh di maghanda ka na."

"Okay. Basta... samahan mo ko!"

Huh? Ako? Sasama? Ayoko! Baka gabihan pa ko. Pagalitan pa ko ni Dad at ni Kuya King. Grabe pa yun sa dragon kung magalit.

"Huh? A-ayoko.. Ikaw na lang. "

"Tss.. sige na Yhadz. For support lang.."

"Support? Hindi na kelangan ng support no. Mukhang magaling ka naman eh kaya ikaw na lang"

"Ayoko basta kasama ka. Di ba girlfriend kita tapos boyfriend mo ko. Dapat lagi tayong magkasama. Kahit saan. Kaya please, samahan mo na ko. Pleaaasseee.." Hala nag pout pa sya. Tss.. Ryan why you are so cute! Wag ka ngang magpout please. Pumupogi sya kapag nagpa pout sya eh.

"Oh sige sige na. Sasamahan na kita." bahala na pagalitan nila Kuya King pati ni Dad.

"Yehey.."

Hmf. para syang bata eh. Nakakapanibago. Di naman sya ganito!

----

Next chapter