Chapter 6 - Stalker

- ERICA MAE's POV -

Pagkatapos ng nangyare, umuwi na lang ako sa bahay kasi wala na naman akong klase mamayang hapon.

Aish. hindi ko talaga makakalimutan yun. Malay ko na na ganun yung nararamdaman nya kapag nakikita nya ang ex girlfriend nya. Bakit ba ayaw na lang nya mag move on?

Ewan ko ba dyan sa lalaking yan. Kanina kasi sya talaga yung nakita ko na guy na may kahalikan sa gilid ng locker. Nakalimutan ko lang na sabihin yun sa kanya na sya ba talaga yun. Eh basta! Sya nga yun? Hindi ako nagkakamali.

Hindi pa daw sya nakaka move on pero nakikipaghalikan sya sa ibang babae. Tapos, sasabi sabihin nya na mahal pa nya ex nya. Anlabo nya talaga! Parang sira!

Naglalakad na ako, pupunta ako sa school kasi babalikan ko scooter ko at yun gagamitin ko sa pag uwi.

Nakarating na ako sa school at sakto naman na nakita ko na agad scooter ko.

Kukunin ko na sana yung helmet ko na nakasabit sa side mirror ng scooter ng biglang may humawak dun.

Huh? Sino naman to! ('・_・')

Pagtingin ko...

Whaaaaaaaa...

(」゚ロ゚)」

(◎_◎;)

Yung guy.. Yung guy na nakabangga ko sa dept. of BioSci tapos yung guy na gf nya yung girl na ex ni James Ryan. Gets nyo ba? ah?

Eh basta. Sya yun. Bakit? Bakit nandito sya sa harapan ko ngayon? Ano kelangan nya?

"Wait. Ikaw yung kasama ni Ryan kanina di ba?" tanong nya sa kin.

Huh? Sinong Ryan? Ahh si James Ryan ba kamo!

"O-oo bakit ba?" say ko. Nagtataka ako sa kanya. Mukhang may kelangan sya.

"Tss.. pwede ba sabihin mo sa kanya na lumayo layo na sya sa girlfriend ko!"

Huh? Bakit? Ano problema? Eh si mokong nga ang umiiwas eh para sa kanilang dalawa I guess.

"Bakit mo naman sinasabi yan.. Sya pagsabihan mo hindi ako." kukunin ko na sana yung helmet ko pero biglang hinablot nitung gwapong chinito na guy na to. Yes, chinito sya. (^.^). "Hoyy.. akin na yan. Akin na yan sabi eh uuwi na akooo" (ㄒoㄒ)

Ayaw nya kasi ibigay yung helmet ko sa kin eh. Uuwi na kasi talaga ako kasi napapagod na ako!

"Nope. Hindi ko to ibibigay kung hindi mo ko tutulungan."

Tumigil ako sa pagkuha ko sa kanya ng helmet ko tapos tumingin sa kanya na nagtataka.

"Tutulungan saan?"

"Tulungan mo ko na mawala isipan ng gf ko si Ryan. Alam mo ba, kapag magkasama kami ni Olivia, si Ryan na lang lage ang iniisip nya. Kaya tulungan mo ako na mawala na ang atensyon ng gf ko sa Ryan na yun."

"Eh paano ko gagawin yun. Ikaw lang makakagawa nyan kasi boyfriend ka nya."

"Yun nga eh. Ako kasama nya tapos isisingit nya yung Ryan na yan sa usapan. Alam mo, okay na sana ang relasyon namin eh, nasasaktan lang talaga ako kapag nasasali na sa usapan yang Ryan na yan. Iniisip ko tuloy na may pagtingin pa siguro sya kay Ryan kaya nya nasisingit sa usapan."

"So ano naman ang gagawin ko, aber?"

"Madali lang naman eh... ganun pa rin naman ang set up. At ngayon alam ko na nandito si Ryan nag aaral sa school, babantayan ko na si Olivia na hindi sila makapag usap ni Ryan. I know naman na hindi nag aaral si Olivia dito sa school natin pero kelangan ko pa rin sya bantayan kasi pumupunta si Olivia dito kahit hindi ko alam... and dahil dun, para hindi sila magkita o kaya mag usap, dapat lagi kang nasa tabi ni Ryan... dahil dun magseselos si Olivia."

"So yun lang.. Pagseselosan mo yang gf mo. Alam mo ang babaw ng problema mo. Kung.. mahalin mo na lang kaya yang gf mo ng totoo para hindi na nya maisingit pa si James Ryan sa usapan nyo. Bigyan mo pa siguro sya ng malaking atensyon para ma realize nya na ikaw na ang kasama nya at hindi ang ex boyfriend nya.. ganun lang po ka simple yun."

"Eh.. basta. Yun na yun. Please help me. Malakas kasi kutob ko eh na meron pang pagtingin si Olivia sa kanya and I saw it kanina sa canteen nung nagkita sila together with you. At kitang kita sa kilos ni Ryan na iniiwasan nya si Olivia pero hindi pa rin nawawala doon yung may pagtingin pa si Ryan sa kanya. Tss.. ayoko mawala gf ko sa kin. Mahal ko yun eh. Kaya.. please.. help me."

"Paano ko naman gagawin yan?"

"Simple lang naman eh. Basta nandyan ka lang sa tabi nya tapos bigyan mo sya ng atensyon. Basta wag mo lang syang hahayaan na mapalapit sa kanya o magkausap man lang sila ni Olivia. Hayaan mo, gagawa rin ako ng move para hindi rin sila makapag usap ni Ryan."

Ano ba tong pinagsasabi nitong lalaking to! tsss.. susundin ko na lang ba. Sige na nga!

"Sige sige. Gagawin ko."

"Good... And make sure si Ryan ay makapag move on na... Para magawa mo yun, ang madali lang mo lang gawin is... make him fall in love with you."

What! Huh? Make him fall in love with me! Sira ulo na talaga tong lalaking to! Impossible yang sinasabi nya eh kung magsama nga kami nung lalaking yun kahit ngayon pa lang kami nagkakilala eh hindi na kami pwede kasi away lang kami ng away. Paano na lang kaya yung make him fall in love with me. Negative na siguro yan para sa amin.

Tska di ba nga, hindi ko sya type! Ano ba! ( ̄ω ̄;)

"Imposible!" sabi ko na lang. "Akin na nga yang helmet ko at uuwi na ako." kinuha ko naman yung helmet ko sa kanya tapos umangkas na sa scooter ko.

"Basta, yun ang usapan natin."

"Oo na Oo na. Yun na yun.."

Seriously, hindi talaga ako serious sa plano nya. Ang gulo eh. Basta, si destiny na bahala!

"Okay... ahmf. By the way, I'm Rodney.. Call me Rod for short" say nya sa kin tapos nakipag shake hands sya sa kin. So Rodney pala name nya. Nice ah..

"Okay. Rod.. good bye" tapos pinaandar ko na scooter ko tapos umalis na ako.

Aish. On second thought, iniisip ko yung sinabi nya sa kin kanina.

Imposible talaga na ma fall in love si James Ryan sa kin. Tss. eh hindi nga siguro nya ako gusto eh.

Pero di ba may deal kami nyun ni James Ryan na maging girlfriend nya ako for these past few days dahil sa aksidente nga nangyare sa amin kanina na ito namang mokong na lalaking to eh hindi makaintindi kung ano ang aksidente. Gawin pa akong girlfriend para mapatawad nya ako! Hmf. Hockage moves nya eh.

Baka may gusto talaga sya sa kin hindi nya lang maamin lol xd. Masyado ba akong patawa. tss.. ( ̄へ ̄)

Aish. Bahala na talaga! Bahala na bukas! Hindi ko alam na magkikita pa ba kami nung James Ryan na yun. Baka nagpakamatay na yun eh!

hahahahaha ͡° ͜ʖ ͡°

Wag sana!

('・_・')

----

8:55 pm

Nasa loob ako ng kwarto ko. Wala lang, nakadapa lang ako habang nagla-laptop. Nagpe-peysbuk ako ngayon at tinitingnan ko yung mga post ng mga friends ko sa peysbuk.

Then suddenly, may nakita ako doon sa suggested friends na yung tao na familiar na familiar sa kin.

James Ryan Omamalin

500 Mutual Friends

Add friend

Hala! Sya ba talaga to! 500 mutual friends ah.. Kilalang kilala pala sya sa mga friends ko sa peysbuk.

In-open ko yung profile nya na nakikita ko sa computer screen ko.

Hmf. Infairness ahh.. gwapo sya sa profile pic nya. Tsaka parang di sya hilig magpeysbuk kasi hindi sya pala-post.

I add ko kaya sya as a friend? Sige nga.. I sent him a friend request. Tapos bumalik na ako sa home ko.

Pero in a minute lang ang lumipas, may one notif akong natanggap tapos tinignan ko naman yun.

Tapos..

Hala!

(◎_◎;)

James Ryan Omamalin accepted your friend request. You can now see his latest post on his timeline.

Hala! In accept nya kaagad. Hala! baka poser lang to ah. Baka hindi sya to! Wait, tignan ko nga ulit profile nya.

Nung makita ko na yung profile nya eh ini-scroll ko na yung window para tignan yung mga latest post nya at wow ah.. adik na adik sya peysbuk. Akala ko hindi nya hilig to. Ahh.. kaya pala. Baka friend lang ang mga pinopost nyang status.

Tinignan ko lang yung timeline nya. Mukha na ba akong stalker? Maybe hehe (^.^) Eh sa tinitingnan ko lang, ano ba masama!

Hanggang sa may mabasa ako na post nya.

"Hanggang ngayon... mahal pa rin kita. Pero oras na siguro para kalimutan kita kasi ayoko na talagang masaktan pa kapag nakikita ko kayong dalawang magkasama."

Yun yung nakapost nya ngayon at nakita ko na ngayon pa lang nya to na post kasi naka-JUST NOW pa yung oras ng post nya eh.

Ano ibig sabihin niya? Connect ba ito kanina sa nangyare? At totoo ba tong nababasa ko sa post nya. Magmo-move on na sya! (^.^) teka? ba't ansaya ko yata!

Ni-like ko yung post nya tapos bumalik na ako sa home ko.

Tingin tingin ulit ako sa mga post ng iba ko pang mga friend hanggang sa...

*Ting..*

May nagchat sa akin and I saw James Ryan's name. Hala! Sya? nakikipag chat sa kin! Hala!

Ba't ganto nararamdaman ko. Ambilis ng tibok ng puso ko nung biglang lumitaw yung chatbox na ang nakapangalan eh sa kanya. Tss.. ano ba nangyayari sa kin? o(╥﹏╥)o

Binasa ko message nya sa kin.

James: Hoy! Don't dare to stalk my profile! ( ̄^ ̄)

Hala! Replayan ko kaya!

Me: Asa ka pa! Hindi kita ini-stalk 'no!

Wew! Eh ano ba yung ginagawa ko kanina.

James Ryan is typing...

James: I know you are stalking me right now! You liked my recently post. Ano tawag mo dun?

Gago talaga nya! Replayan ko nga!

Me: Hoy! Ni LIKE ko kasi yung post mong over sa drama kasi yun yung unang lumabas sa news feed ko. I never stalk you no! Asa ka pa!

SENT

James Ryan is typing...

James: Eh di wow! ( ̄ω ̄;)

Hmf. Ini stalk ko ba daw sya! Asa pa sya!

Eh sa totoo lang! Mukhang ini stalk ko nga sya kanina eh. Hindi naman talaga sa news feed ko nakita yung post nya. Sa sariling profile ko talaga nakita yung post nya.

Tsss.. ni LIKE ko lang post nya, stalk agad! Masama bang mag LIKE. Nag post pa sya kung ayaw nyang hindi sya ini-stalk.

Aish. Bahala ka na dyan! Hindi na kita rereplayan!

Bumalik ulit ako sa news feed ko tapos pumunta sa profile ko.

Hanggang sa...

James Ryan is calling you...

Answer | Ans with video | Decline

Hala! natawag ang mokong!

Hala! Yung dibdib ko! Ambilis ng tibok nung tumatawag sya. Alam nyo yung ganung feeling! Basta! Bakit ba sya tumatawag ah!

Sasagutin ko ba tawag nya? Ayoko! Ayoko talaga!

So hindi ko sya sinagot. Hinintay ko lang na mamatay yung tawag.

Tss.. eh sa ayoko eh!

Hindi pa kami close para magtawagan na. In enemy situation pa nga kami hanggang ngayon eh, di ba.

Hmf. bahala sya.

Pagkatapos nyang tumawag, wala na syang response. Hindi na rin sya nag message sa kin. Pero still online pa rin sya hanggang ngayon. Hmf. maka off na nga. May pasok pa bukas eh. Loaded pa ko.

So I log out na. Then humiga na ng ayos tapos natulog.

---

Next chapter