Chapter 5 - Move On

"Oh.. Nandito ka pala James. How are you?"

Mukhang nakita nga talaga sya nung girl na yun. Kinakausap na sya eh. Bakit parang hindi makapagsalita tong lalaking to? Hindi ba nya alam na may kumakausap sa kanya? Hah!

Mukha ring iniiwasan nya yung girl na yun. Bakit ba? Ano ba issue nilang dalawa? Hmm.

"O-okay lang ako. N-nice to meet you here.." say ni James Ryan dun sa girl.

At nabubulol sya sa pagsasalita ah. Baka crush nya siguro tong girl na to kaya ganun. Tsaka napansin ko na hindi nag aaral dito sa school namin itong girl namin. Mukhang taga ibang school sya. Ba't sya nakapasok dito? Ang alam ko bawal outsider dito eh.

"I am glad to here that. Mukhang nakamove on ka na talaga. Sino kasama mo? Bago mong date?"

"Ahh.. hindi, classmate ko sya. At Oo, n-nakamove on na ako."

Oh. nagtataka ako. Ba't nya hindi inamin sa girl na gf nya ako? Aish. ba't ba gustong gusto ko naman na maging gf ng lalaking to. Sira na talaga ako! whaaa (ToT)

Tsaka, naka move on na daw sya. Saan? Hmm.. I smell something fishy ah sa dalawang to.

"Ah ganun ba.."

"K-kasama mo boyfriend mo?"

Nag-nod na lang si girl sa tanong ni James Ryan sa kanya. "Ayun sya oh. Umu-order ng food namin." tapos tinuro pa ni girl na yung boyfriend nya kamo. Tinignan ko naman kung nasaan and...

(」゚ロ゚)」

Teka! Sya yung guy na nakabunggo ko kanina ah. Remember! Yung guy doon sa dept. sa BioSci. Yung nahulog ko pa yung Samsung na keypad na cp nya. Ayyy.. boyfriend pala ng girl na to si pogi.. hmf. sayang!

"Ahh.. ganun ba."

"Oo.. sige. Punta muna ako sa cr. I'll go ahead." say nung girl tapos nagpaalam rin sya sa kin. Then umalis na sya.

Pagkaalis nung girl eh mukhang natahimik si James Ryan. I dunno anong reason bakit ganyan kinikilos nya. Mukha nga talagang may something sa kanila nung girl sa past! Maybe ex nya yun! Siguro crush nya yun! Ahhh bahala na!

"Okay ka lang.."

"Wag ka ng magtanong..."

Hala! Kanina hindi sya makapagsalita dahil dun sa girl tapos ngayon naman nagsusungit sa kin. Ano ba problema nya ah! Tapos napapansin ko rin na mukhang galit na galit sya.

Kanino sya galit? Sa akin? Saan naman sya nagalit sa akin? Eh ginawa ko naman yung inuutos nya ah!

"Eh di shut up na lang ako.."

Shut up na lang ako. Baka kasi suntukin na ko nitong lalaking to kapag magtanong pa ko sa kanya eh.

Maya maya, bumalik na yung girl galing cr sa table nya. Hindi na bumalik sa amin yung girl para makipag usap kasi hinihintay na sya nung boyfriend nya na nakabunggo ko pa kanina sa BioSci dept.

Kitang kita ko naman kay James Ryan na parang galit na galit sya sa nakikita nya dun sa magcouple na yun. Ano ba ang issue ah! Ba't ba galit na galit sya dun sa dalawa! Ang bitter nya ah!

Ang sweet kasi nung magcouple na yung sa table nila. Nagsusubuan nga sila eh. Yun ba ang kinakagalit nya? Yung sweet sila! Tss.. ang bitter nya talaga!

Napapapansin ko rin kay James Ryan na mukhang... nagseselos sya?

Kanino? Doon sa mag couple. ('・_・') Nagtataka na ako sa 'Yo lalaking mokong ka!

"Ayoko ng kumain. Aalis na ako!" tapos bigla na syang tumayo tapos dali dali syang lumabas ng canteen.

Ako naman eh nagtataka kung bakit kaya sinundan ko sya.

Kinuha ko rin bag nya kasi nung pagalis nya hindi nya dinala yung bag nya. Kaya ako na naman ang nagdala ng walang laman na bag nya.

Ayun, sinusundan ko lang sya. Ambilis nya kasing maglakad eh. Anubayan!

"Huyy.. hintayin mo ko! Ano ba problema mo ah! Huyyy.. wag mo ngang bilisan ang paglakad. Hintayin mo kooo!" sigaw ko sa kanya nung sinusundan ko sya.

Nakalabas na nga kami ng school at kasalukuyan na nasa park na kami nitong mokong na to!

"Ano ba kasi yung nangyare ah! Bakit parang galit na galit ka dun sa mag couple kanina." sigaw ko pa rin sa kanya habang sinusundan ko sya.

"Wala ka ng pake alam!" say nya na patuloy pa rin sya sa paglakad nya. Teka? hindi ba sya napapagod. Ako, napapagod na ako!

"Ahh.. siguro crush mo yung girl 'no. Tapos hindi ka nga makapagsalita kanina kasi nandyan sya. Tapos nagagalit ka ngayon kasi may kasama syang iba. Ganun ba yun? Ang babaw naman ng pagkakagalit mo! Hindi makatarungan!"

At ayun, wala pa rin syang response sa sinabi ko. Lakad pa rin sya ng lakad. Ako naman eh parang tanga na sinusundan sya. Eh ibibigay ko lang naman sa kanya tong bag nya! Umaabuso na sya ah. Ako na lage ang humahawak sa bag nyang walang laman.

"O siguro naman... Ex girlfriend mo sya. Tama ba yun!"

Tapos bigla syang huminto sa paglakad. Pero nakatalikod pa rin sya sa kin. Ano ba talaga problema nya?

"Hmm.. sabi ko na nga ba.. Ex girlfriend mo nga sya. Totoo ba?" sabi ko tapos lumapit ako sa kanya sa likod nya. "Tapos nagagalit ka kasi kasama nya yung boyfriend nya ngayon. Hmf. ano bang issue doon. Di ba sabi mo baka move on ka na. Eh bakit para kang tanga dyan... siguro nagseselos ka 'no! Aminin mo nga, nagseselos ka 'no!"

"OO NA! OO NA! NAGSESELOS NGA AKO! Oh ngayon.. alam mo na.."

Hala! Bigla nya akong sinigawan! ⊙︿⊙ unexpected to ah.

Tapos nakikita ko na parang naiiyak sya. Bakit? Naiiyak sya kasi nagseselos sya! Ganun ba yun? Pero buti naman pinipigilan nya yung iyak nya. Mukha talagang may something itong lalaking ito dun sa girl na yun sa past.

"Nagseselos ako kasi may kasama syang iba... nagseselos ako kasi hindi na nya ako kasama.. at nagseselos ako kasi... m-mahal ko pa sya. Mahirap ba intindihin yun ah..." kalma na sya nyan nung sinasabi nya yan sa kin. Nakaharap na sya sa kin nung sinasabi nya ya. At ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya sa oras na ito. Nagseselos sya. Nagseselos nga talaga sya.

"At Oo tama ka. Ex girlfriend ko nga sya... at mahal ko pa nga sya. Yung sinabi nyang... naka move on nako... ang totoo nyan... hindi pa talaga ako nakakamove on... hindi ko pa rin sya nakakalimutan... at hindi ko pa rin nakakalimutan yung mga ala ala na nangyari sa amin dalawa... Kasi... mahal ko pa sya.. sobrang mahal na mahal ko pa sya"

Alam nyo, kung ako lang yung girl, hindi ko na pakakawalan itong lalaking ito eh. Kasi nakikita ko talaga na mahal na mahal pa nya talaga ang ex nya.

Second thought, sino ba ang unang nakipaghiwalay? Baka kasi sya eh. Kung sya ang nakipaghiwalay, dapat hindi nya sinasabi ngayon na mahal pa nya ex nya. Tss (╯︵╰,)

Nalulungkot ako para kay James Ryan. Sa pagkamasungit nyang attitude, mayroon din palang nakatago na lungkot at sakit. Parang gusto ko sya i-comfort ba. ganun.

Napansin ko na napahilamos na lang sya ng palad nya sa mukha nya. Tapos kinuha nya yung bag nya na hawak hawak ko pa. "Para na akong tanga. Uuwi na ako. Akin na bag ko.." tapos bigla na syang naglakad paalis.

Hindi ko na sya sinundan kasi alam ko kelangan nya mapag isa. Aish. Ang lungkot na nangyayare ngayon ah!

----

- JAMES' POV -

Dahil nga sa nangyare, umuwi ako. Plano ko na hindi muna ako papasok sa last subj. ko sa hapon. Gusto ko muna umalis. At gusto ko ng may kausap.

Kaya pumunta ako sa bahay ng pinsan ko na si Renz.

Hindi ko ini-expect na nandito pala silang lahat ng mga barkada ko.

"Oh. mukhang badtrip tayo ngayon ah! Ano ba problema ah?" say ni Kim Jhon sa kin habang naglalaro silang tatlo nila Russel at Jayson ng Snake n Ladder.

"Wala..." tapos dumaretso ako sa mini bar nila Renz na kasalukuyan na nanduon, kumakain.

"Oh.. naparito ka. Kain tayo insan." say ni Renz sa kin.

"Sige busog pa ako.." say ko.

"Ano ba problema mo?" say nya.

"Mukha sigurong nakakita sya na hindi maganda sa mata nya ah. Huhulaan ko, nakita nya si Olivia with her new boyfriend." sabat naman ni Russel na busy rin sa paglalaro. Mukhang inaasar nya ako. Batukan ko kaya! ( ̄^ ̄)

"Sasapakin kita eh.." say ko. "Tumahimik ka nga dyan.."

"Haha.. Ba't ba ayaw mong mag move on na bro? Antagal nyo ng naghiwalay ni Olivia mo tapos hindi mo pa rin sya nakakalimutan. Move on na bro." say ni Renz sa kin.

"Oo nga. Move on na... Uyyy.. teka ka nga ang daya mo ah! Suntukan tayo oh!" sabat naman ni Jayson. Nag aaway na sila dahil sa laro nila. Tss.

"Eh sa mahal ko pa eh.." say ko.

"Mahal? Tss.. ang martir mo bro. Kung suntukin kaya kita para matauhan ka. Bro, niloko ka ni Olivia. Pinagpalit ka sa ibang lalaki. Tapos mahal mo pa... ano ba yan! Antanga mo!" say ni Renz sa kin habang kumakain sya dun.

"Oo nga. Antanga mo!" sabat ni Kim jhon. (͡° ͜ʖ ͡°)

"Antanga tanga mo nga talaga!" Say naman ni Russel na nakisabat rin sa usapan. (^v^)

"Ikaw na siguro ang maa-award an ng BEST TANGANG TAO OF THE YEAR! Bwahahahaha" sabat naman ni Jayson. ( ^∇^)

Suntukin ko na nga kaya tong tatlong to. Nakikisabat sa usapan eh. Walang magawang matino. hmf.

"Aish. Mukha na nga talaga akong tanga. Mahal ko pa yung taong yun na niloko ako at iniwan. Siguro kelangan ko na nga talagang mag move on.." sabay inum ko nung alak.

"Tama. Libangin mo sarili mo. At... wag na wag mong uulitin yung pagiging playboy mo kasi kami na naman malilintikan ng Papa mo. Pati kami nadamay sa kagaguhan mo eh."

"Hindi na 'no. Last na yung kanina na nakipaghalikan ako sa gilid ng locker... aray!" kasi naman binatukan ako ni Renz. "Nambabatok ka! Kita mo nga naman na badtrip ako, babatukan mo ko."

"Hoy! Tigilan mo yang kalandian mo. Umiikot na naman yang pagkaplay boy mo." say ni Renz sa kin.

"Eh natukso ako dun sa babae eh. Ano magagawa ko, eh lalaki naman ako ah. Tsaka, last na yun. Ayoko na.. ayoko na talaga!"

"Sabi mo yan ah!"

"Wew. Ikaw Ryan, hindi na magiging play boy? Impossible eh. Hindi ako maniniwala!" sabat ulit ni Kim Jhon.

"Hahahaha.." tumawa lang yung dalawang ungas na kasama nya.

"Hoyy.. sinasabi ko sa inyo. Magbabago na ako. Hindi na ako magiging playboy ng dahil lang sa Sunshine na yan. Magmo-move on na ko at magbabago na ko. Tatak nyo sa utak nyo yan ah!" say ko sa kanila.

"Eh di wow! Sinabi mo yan eh.. hahahaha" say ni Jayson.

Maya maya..

"Whats up guys!"

"Uyyyyy!"

Bigla kasing dumating si King na may dalang tatlong box ng Pizza. Sa amin, sya yung pinaka kuya sa amin anim. Hindi ko alam kung paano nasali sya sa barkada. Basta bigla na lang pinakilala ni Renz sa amin yan si King kaya ayun, na belong na rin sya sa barkada namin.

"Oh.. bakit parang probmlemado tong isang to." tanong ni King kay Renz nung makita ako na nakasimangot.

"Wala. Hindi makatae kaya ganyan!" say ni Renz. Baliw!

"Hoyy Renz wag ka nganga bastos. Kita mo naman na nakain kami dito oh." Sabat ni Russel habang nakain ng Pizza.

Medyo nawawala na yung pagkabadtrip ko. Basta kasi may problema ako, dumadaretso ako dito kasi nandito sila. Alam ko kasi na sila lang yung makakapagpawala sa bad mood ko. Kaya ayun, medyo nagiging okay na ako.

Tss... itong mga barkada ko, hindi pa rin sila nagbabago.. Mga gago pa rin sila hanggang ngayon.

---

Next chapter