Chapter 4 - Secret

At ayun nga, sa sobrang takot ko na mapapunta ako sa Canada, tinigil ko muna ang pagiging playboy ko. Magseseryoso muna ako sa pag aaral ko para naman Mom and Dad will be proud of me soon. Ang bait ko na bang anak! Not really.

Para sabihin ko sa inyo, hindi ko talaga kayang magseryoso. I dunno. Maybe kelangan ko ng inspiration. Katulad ng dati na kapag kasama ko si Sunshine eh nagkakaroon ako ng inspiration sa mga ginagawa ko araw araw. Masaya ako kapag kasama ko sya. Masaya ako kapag nakikita ko syang masaya. At nawawala yung mga iniisip kong mga problema kapag lagi nya akong pinapakalma o kinakausap kung ano ang tamang desisyon sa mga problemang iyun.

Pero wala na sya eh. Wala na sya tabi ko; sa piling ko actually. Kasi ang totoo nyan eh sya talaga mismo ang nakipaghiwalay sa kin. Akala ko mahal nya ako. Akala ko ako lang yung lalaking mamahalin nya forever pero nagkakamali ako.

Nakipaghiwalay sya sa kin kasi meron daw syang ibang mahal at sila na daw ng lalaking yun. So I realized, nagmahal ako ng babae na hindi naman ako yung mahal nya. Naging tanga ako sa kanya. Nagalit nga ako sa kanya pero nandun pa rin sa dibdib ko yung pagmamahal ko sa kanya. At kaya kong patawarin sya sa ginawa nya sa kin kasi mahal ko sya.

At last, nakipag hiwalay sya sa kin. Para sakin, sobrang sakit yung nangyari. Dahil mahal ko sya, I'll let her go. Para maging masaya sya sa gusto nya.

And that was a time na naging playboy ako. Hindi ko alam kung bakit naging ganun ako. Maybe kelangan ko lang talaga magmove on sa nangyare sa kin in the past. Pero nasobrahan siguro ako.

And right now, I'm just pretending I am okay. Walang nangyare at sumusunod sa gusto ng parents. And now, I've met this girl na sobrang nakakainis kung tutuusin pero masarap syang asarin. Tsss.. baliw na ako.

At nandito ako sa canteen, waiting for her. Nasa kanya kaya yung bag ko. Kung hindi nya talaga dinala yun, patay sya sa kin. Papatakbuhin ko sya sa oval five times kapag hindi nya dinala bag ko.

I swear...

---

- ERICA's POV -

Papunta na kami ngayon sa next subj. ko ngayon na Microbio 22. Maghihiwalay na naman kami ni Maika sa ngayon kasi different na naman kami ng subj. na papasukan. Microbio ko na lab. kaya binilisan ko na paglakad ko baka kasi ma-late.

At oo, iniisip nyo ba kung nasan na yung bag nung mokong na James Ryan na yun. Eto nandito pa rin sa kin. Hindi ko na rin alam kung Nasaan na yung taong yun. Bahala sya maghintay sa canteen kung nandun man sya. Basta mamaya pa ako magla lunch pagkatapos ng Microbio ko. hmf.

Nagmamadali akong naglakad sa dept. ng BioSci para di ako malate hanggang sa may nasapid ako na guy tapos nahulog pa yung cp nya na hawak hawak nya.

('・_・')

Tss.. not again! Ba't ba ang malas malas ko ngayong araw ah! Yung totoo? Paki explain!

"Hala! Sorry.. Sorry.." naiiyak kong sabi dun guy na nakabunggo ko tapos pinulot ko yung cp nya na nahulog sa sahig. Semento pa naman yung nahulugan ng cp. Sana hindi nabasag huhuhuhuhu..

Sabay naman kaming napapulot sa cp nya pero ako na ang nakauna nagkuha tapos tiningnan ko kung basag ba o hindi. Baka kasi makabayad ako dis oras kapag nabasag nga tung cp nya. tss. (ToT)

Aish. (^.^) salamat walang basag at mukhang napa-function pa yung cp nya.

"Sorry ahh.. nagmamadali kasi ako eh.." binigay ko sa guy yung cp nya tapos kinuha naman nya.

"Wala yun. Survivor tong cp ko. Maraming beses na syang nahulog pero hindi naman sya nasisira."

Ahh ganun ba hihihi (^~^) Hindi naman kasi touch screen yung cp nya eh. Simpleng Samsung lang na keypad hihihi.

Yang mga ganyang cp na keypad, dito sa school binansagan yan ng "CP ng mga gwapo at ng magaganda" hahaha Lowl. Kasi hindi daw kasi madali malowbat kaya yun ang gamit nila tapos marami pa siguro silang katext kaya ganun gamit nilang cp. Haha. nakakatuwa ah. Cp ko nga touch screen eh pero wala naman katext. Nag cellphone pa ko (^.^)

"Sorry talaga ah.. Sorry hindi ko sinasadya.."

"Oo.. okay lang. Sige una na ko ah. May naghihintay kasi sa kin.."

"Okay.. sige. ingat!"

Tapos umalis na sya. Mabuti pa yung guy na yun, mabait. Tapos naiintindihan nya kung ano ang aksidente o hindi. Samantalang yung mokong ng James Ryan na yun, kala mo kung sino. Aksidente nga lang yung nangyari kanina, ginawa pa ako gf para pagbayaran ko daw yung ginawa ko sa kanya. Cursed him! "ψ(`∇')ψ

Hmmm. Gwapo rin nung guy na yun. Magpala singkit pa yung mata nya tapos maputi sya. Mabait sya. Yun yung pagkakadescribe ko sa kanya. Aish. sana magkita kami. Crush ko na sya. hihihi (^.^)

Hala! Late na ako... kelangan ko ng magmadali whaaaa \(;'□`)/

----

After two hours,

Tapos na Microbio lab class ko. Wala na akong class ngayon kaya pwede na ako umuwi. Pero bukas naman eh loaded ako aish. Major subj. pa bukas! (ㄒoㄒ)

Teka, sa canteen muna ako. Dala dala ko pa kasi tong bag nitong James Ryan na to eh. Teka, wala ba syang pasok pagkatapos ng Filipino kanina. Hindi ko na sya nakita eh.

Aish. Makapunta na nga sa canteen. ( ̄^ ̄)

Pagdating ko eh bigla ko kaagad syang nakita. Nag iisa sya doon sa isang lamesa na pangdalawahan ang tao. Hahahaha mukhang bored na sya ah hihihi buti nga sa kanya. (͡° ͜ʖ ͡°)

Pumasok na ako sa canteen tapos nilapitan ko sya. Nakita naman nya kaagad ako kaya ayan, umikot na naman ang pagkamasungit nya. Sabi ko na nga ba eh, bored na sya.

"Why you are take so long! Where the fvck have you been? I been waiting so many hours tapos ngayon ka lang darating!"

Tss.. nosebleed ah. Nakakapag straight pala sya ng english speaking. Hanep! lol.

Teka, naghintay ba sya talaga dito sa canteen pagkatapos ng Filipino class nya. Wala ba syang klase?

"Wait. Naghintay ka dito sa canteen pagkatapos nung nagcutting ka sa Filipino class?" tanong ko sa kanya.

"Yes.. at ang sobrang tagal mo. Bakit ba ang tagal mo ah. Where have you been!"

"Excuse me. May pasok pa ako! Eh ikaw.. hindi ka man lang pumasok.."

"Don't mind it. Mamaya pa klase ko this afternoon. Akin na nga yang bag ko. Tapos bumili ka na ng pagkain dun.." say nya tapos kinuha na nya sa kin yung bag nyang walang laman tapos umupo sya sa upuan.

Hmf. Sungit. Ba't ba ang sungit ng mokong na 'to! Nireregla ba sya!

╮(─▽─)╭

"Akin na pera mo..."

"Pera?"

"Alangan naman na ilibre kita. Wala akong budget kaya akin na yung pera pambili pagkain mo.."

Ano sya sinusuwerte? Hokage moves na yan. Kunware nagsusungit yun pala magpapalibre. Hindi makakalusot ang ganyang moves sa kin eh. I know that moves!

"Di ba girlfriend kita. Dapat ilibre mo ko."

Huh?

Uyy, mukhang di na sya nagsusungit ah. (^.^)

"Girlfriend mo ko? Eh di ba ginagawa ko lang to para mabayaran ko lang yung ginawa ko sa Yo na aksidente lang kanina."

"Eh ayun naman pala eh. So being my gf, libre mo ko."

Huh? babae na pala ang maglilibre sa lalaki ngayon? San nya napanuod yung ganuong set up ah!

"Hmf. bakit ako na ang manlilibre sa Yo. Ikaw lalaki dapat ikaw ang manlibre sa kin. Not me no!"

"So ayaw mo?" say nya seriously.

I gulp. Mukhang may binabalak na naman sya sa lagay na yan ah ⊙︿⊙

Nakita ko na bigla syang tumayo tapos lumapit sa kin. I gulp again. Then naramdaman ko na nilalapit nya mukha nya sa mukha ko.

Wait wait wait wait wait! Ano gagawin nya! ⊙︿⊙

Nakatatakot sya ah. Mas nakakatakot sya ngayon habang nasa harapan ko sya na naka evil smile. Oh my Ghad! Please help me! (╯︵╰,)

"You are keeping a secret..." say nya na nakangiti pa rin.

Secret? Anong secret? Wala nga akong secret na tinatago eh. Secret pinagsasabi nya ah! (T⌓T)

"S-secret? What secret?" (ㄒoㄒ)

Biglang tumibok ng malakas yung puso ko nung biglang hinawakan nya buhok ko sa gilid tapos nilagay yung hibla ng buhok ko sa gilid ng tenga ko. Nararamdaman ko na rin yung mainit nyang hininga na sobrang... bango!

"A secret... A secret that I've been discovered a minutes ago."

Ano nga yun? tss.. kinakabahan ako sa mangyayare ahh..

"W-what secret..." ⊙︿⊙(╥_╥)

"That... you have those beautiful eyes and kissable lips on yours."

Whaaaaa... \(;'□`)/ Ano ba pinag sasabi nya ah! (┳Д┳) Feeling ko hahalikan nya ako! Whaaaaa nooo (ㄒoㄒ)

Dahil sa kaba ko bigla ko syang tinulak! Ang manyak nya ah. Hokage talaga sya. Dah! Bakit ba sya ganyan ah!

"Tumigil ka nga. Oo na, ililibre na kita. Basta... basta don't dare to do that again. Hindi ako natutuwa!" tapos bigla akong umalis papunta sa counter. Hmf. Adik ba sya! Bakit ba kelangan nya gawin yun? Para mapikot ako na malibre sya!

Whaaaa.. (ㄒoㄒ) Ginawa nya yun para malibre ko sya. Tinakot nya ako para malibre ko sya. Tss.. Bakit ba ganyan yung lalaking yun? Bakit parang iba pakiramdam ko yung ginawa nya sa kin yung ganun bagay!

Bakit parang sanay na sanay syang pikutin ang mga babae sa ganoong sitwasyon? Anlakas ng impact kapag ginagawa nya yun! Siguro ganun ginagawa nya sa mga girlfriend nya sa una. Tss... Wag na nya dapat gagawin yun sa kin kasi kinikilabutan ako! Waaaaa (┳Д┳)

"Susunod pala eh. Kelangan pang takutin. Tss.." say ni James Ryan nung umalis ako. Akala nya hindi ko marinig. hmf. Hokage sya!

---

Pagkatapos kong umorder, kumain na kaming dalawa. Medyo walang imik imik kasi ang awkward ng feeling eh. Kapag naaalala ko yung nangyare kanina na you have secret na sinasabi nya tsss.. kinikilabutan ako eh!

"May pasok ka pa ba ngayon?"

Buti naman nagsalita na sya ng una. Eh mukha kaming pipe dito eh kasi hindi kami makapagsalita.

Ah, Oo nga pala, nagtataka kayo wala si Maika. Ayun, umuwi na. Wala na rin kasi yung pasok. Wala na rin syang subj. na papasukan this afternoon kaya umuwi na sya.

"W-wala na. Ba't mo natanong..."

"Wala lang. Masama bang magtanong. Hoy! Wag ka ngang mag isip ng mga bagay dyan sa sinasabi ko sa 'Yo. Akala mo naman na yayayain kita na mag date tayo, hindi 'no. Asa ka pa!"

"Wala akong iniisip na ganyan ah. Hmf." hindi rin pala sya masungit, maarte rin.

"Ano ba course mo ah!" tanong nya ulit sa kin. Ba't ang hilig nya magtanong ah!

"HRM"

"Ganun ba."

"Bakit? Hindi ba obvious sa uniform ko na HRM ako!"

Oh ah! Nabara rin kita. Bawian lang tayo!

"Hindi. Mukha kang Animal Science."

Tss.. ano daw? Ako animal science? Tss.. whatever! Hindi talaga ako makaone point sa pang aasar sa kanya eh.

----

Habang kumakain kami dun ni James Ryan eh biglang may napansin ako sa kanya na bigla syang namutla at natataranta. Hindi ko alam kung bakit? Ano ba meron?

Eh napansin ko rin na para may tinitingnan sya banda sa entrance ng canteen kaya tinignan ko rin.

Hmf. ano nakakaputla at nakakaranta dun. Eh may pumasok lang naman na lalaki at babae na I'm pretty sure mag couple yung mga yun. Kasi PDA sila masyado magholding hands eh.

So anong connect dun?

Napansin ko na parang hindi na tinuloy ni James Ryan yung pagkain nya. Ewan ko ba dito sa lalaking to. Siguro isa syang psycho. Tss.. bigla bigla nagbabago ng mood eh.

Mas lalp siguro syang namutla nung biglang tumayo yung girl na hula ko tinitignan nya ng palihim tapos papalakad yung girl papuntang CR tapos yung cr naman eh malapit rin sa amin. Kaya doon rin sa banda namin sya mapapadaan yung girl.

And yun nga, napadaan si girl at nakita nya kami ni James Ryan sa lamesa namin.

Mukhang nagulat pa yung girl nung makita si James Ryan. Ito namang lalaking to, parang natatae sa inuupuan, pinagpapawisan eh tapos parang iniiwasan nya yung girl. Ba't kaya..

---

Next chapter