Chapter 3 - Meet The Playboy

"Ba't nandito ka?" agad ko syang tinanong kung bakit sumunod sya sa kin.

"Why? Masama na ba na pumunta rin sa CR?" say nya.

"Eh bakit dito ka papunta. Nandun yung CR sa loob. Wala dito.." say ko.

"Tapos na ako umihi eh. And nagtataka ako kung bakit nandito ka. Siguro magka cutting ka."

Tumayo ako tapos humarap sa kanya. "Hindi ako magka cutting. Ikaw ah?! Nakakahiya kaya yung ginawa mo kanina sa classroom!"

"From what?"

Nagmamaang maangan pa sya ah. Tss. Bakit ba ganito ang mga lalaki. Marunong magmaang maangan LOL ┐( ̄ヮ ̄)┌

"Yung girfriend thingy. Bakit mo sinabi yun.." say ko.

Sasagot na sana sya pero tumawa sya. Yung mahina lang tapos bigla syang lumapit sa kin. Hala! Bakit sya papalapit sa kin. Ano gagawin nya ah! ⊙︿⊙

"Hehe.. Why? Hindi ba totoo yung sinabi ko na girlfriend kita?" say nya sa kin nung makalapit na sya pwesto ko.

What? (●__●) Teka? Nalilito na ako sa pinagsasabi ng lalaking to! (?___?)

"W-what do you mean?"

"Tss.. Poor girl. You're so slow. Okay, sasabihin ko sa Yo. From now on, you will be acting as my girlfriend. Clear?" say nya sa kin habang nakangiti.

What? Totoo ba tong naririnig ko sa kanya? I am acting as her girl. What? No way 'no!

"What? Nababaliw ka na ba? Hindi ako papa---"

"Easy.. Ito yung bayad sa ginawa mo sa kin kanina. Nang dahil sa Yo umuwi pa ako sa amin para magpalit ng damit. Now, is that enough for my explanation?"

"B-but..."

"No buts. My order is my order."

"Wala ka bang isip. It was an accident. Kasalanan ng letseng ligaw na balat ng saging kung bakit ako nadulas."

"That was not an accident. Kasalanan mo yun kung bakit ka nadulas. And because of that, nadamay pa ako."

"Ewan ko sa 'Yo..." naiinis na ako sa kanya ah. Maka walk out nga hmf. (T▽T)

"Kung ayaw mo sumunod, hindi pa yan ang mababayaran mo para sa kagagawan na ginawa mo sa kin."

Napahinto ako sa pag walk out ko tapos tumingin sa kanya. Ba't ba ang kulit nya. Sinabi ngang accident lang yun.. accident!

Tumingin lang ako sa kanya. And I feel mukhang seryoso sya sa sinasabi nya. Tss.. ipapapatay pa siguro ako nito kapag hindi ako sumunod. Tss.. (T_T)

"Eh paano kung ginawa ko yung sinabi mo? Ano na mangyayare?" say ko.

"Eh di hindi na kita guguluhin. Be my girl and you will be free someday.." say nya habang nakangiti.

Payag na ba ako?

Tsss..

Sige na nga..

"Oo na Oo na. Papayag na ako. Basta promise me walang kiss and hug ah."

Baka kasi halikan nya ako o yakapin. Wala pa kayang guy na humalik at yumakap sa kin.

"Asa ka pa! You're not my type tss.." (-__-)

Ansama nya rin 'no! Akala mo kung sinong gwapo? Oo gwapo ka pero ang hangin mo!

"Tss.. akala mo kung sino ka ah. Hindi ako papatol sa Yo no."

Bigla syang naglakad tapos dinaanan nya lang ako. "Oh saan ka pupunta?" say ko sa kanya.

"Magka cutting. Kunin mo bag ko pagkatapos ng class and we will meet at the canteen. Sabay tayo magla lunch. Clear?"

"Teka? Girlfriend mo ba talaga ako o alila mo ako?"

"Both.." tapos umalis na sya. Walangjo talaga yung lalaking yun oh! Girlfriend nya nga ako plus alila. Ang suwerte nya ah. Batuhin ko kaya to para matauhan hmf.

At yun, tuluyan na nga syang umalis. Ako naman eh bumalik sa room.

---

Bumalik na ako sa room, pagdating ko eh umupo kaagad ako. Nagdi-disscuss pa rin si Prof hanggang ngayon.

"Psstt.. friend.."

Tinawag ako ni Maika na katabi ko lang. I gave her Ano-yun-look kasi nagdidiscuss si Prof. Kung mahahalata kami na nagkukuwentuhan eh baka pagalitan kami.

"Nasan yung boyfie mo?"

Boyfie? Sino? Wala naman di ba?

"Huh?"

"Tss.. si James Ryan. Di ba boyfriend mo yun.." medyo napapalakas na yata yung boses ni Maika ah.

"Boyfriend ka dyan |°з°|"

"Bakit? Hindi ba? Sya na ang nagsabi?"

"Sorry hindi ko sya type. Wag kang maniwala dun sa loko lokong lalaking yun. Baluga siguro yun kaya ganun hmf."

"Hmm.. ang sabihin mo gusto mo rin maging girlfriend nya. Ang sweet nya kaya."

"Anong sweet doon? Eh pinahiya nga nya ako sa harap ng mga classmates natin eh. Pati si Prof nadamay."

"Aish. Ang ibig kong sabihin, ang sweet nya kapag naging bf mo sya. Kasi ipagsisigawan nya talaga sa lahat na girlfriend ka nya. OMG! I'm so kilig whaaaa!"

"Psst. Wag ka ngang maingay dyan.."

Ingay na namin. Naririnig na yung mga boses namin ng mga classmates ko.

"Aish. Okay. Shut up na lang ako." say ni Maika.

So, shut up na rin ako.

---

Pagkatapos ng class namin, nagsilabasan na yung mga classmates ko.

Lalabas na sana kami ni Maika nung maalala ko yung bag nung lokong James Ryan na yun. Tss.. Oo nga pala, pinapadala pala sa kin yun ng loko.

Kung wag ko na lang kaya kunin. Hmm.. wag baka katayin pa ko nyun at baka ang susunod na namang gawin sa kin nun eh punasan ko ang sapatos nya sa harap ng maraming tao gamit ang dila ko. Sounds eew ba? haha (ToT)

Kaya ang ginawa ko eh binalikan ko yung bag nya. Hmf. parang hangin lang naman ang laman nito eh. Binuksan ko bag nya tapos ang laman eh isang cattleya notebook. Yung notebook na pwede pang irevised ng mga cattleya notes ganun gets?

Oo, yun lang yung laman ng bag nya pati isang earphone tapos ballpen. Wala man lang kahit ibang gamit. Tss..

Ang galing na estudyante ah. Siguro matalino yung loko lokong James Ryan na yun? lol

"Oh friend.. kanino yang bag?" hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Maika at nagtataka sya kung bakit bumalik ako sa room tapos hawak hawak ko pa yung bag ng mokong na yun. "Uuyyyy... sa bf mo yang bag na yan 'no.. Hahahaha akala ko ba hindi mo sya bf."

"Sira! Hindi ko sya bf no. Oo, sa kanya nga tong bag. Pinapakuha nya kasi sa kin tapos ibigay ko sa kanya sa canteen mamayang lunch."

"At bakit naman? May usapan ba kayo kaya ka umalis kanina at nag cr. Alam mo ba, nung pagkatapos na umalis ka kanina, nagpaalam rin sya na iihi tapos ayun, napansin ko na hindi na sya bumalik. Bakit? may usapan ba kayong naganap?"

Aish. sasabihin ko ba kay Maika yung totoo na ginawa akong girlfriend ng mokong James Ryan na yun para pagbayaran lang yung AKSIDENTE na nangyare kanina. Tss.. Sige na nga eh kaibigan ko na naman tong si Maika since High School pa lang kami eh.

"Siguro hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sa 'Yo."

"So totoo nga na may napag usapan kayo kanina ng boyfie mo?"

"Tss.. first of all, wag mong sabihin na boyfriend ko yung gagong yun. Tsaka pangalawa, sira ulo siguro yung lalaking yun. Hindi makaintindi."

"Eh ano nga yung nangyare?"

"Eh ginawa nya nga akong girlfriend nya."

"What? OMG! So hindi ka na magdedeny na boyfriend mo nga sya!"

Anggulo ba! Isa rin tong babaeng to. Hindi makaintindi. ╮(─▽─)╭

"Hindi ko nga sya boyfriend. It was a deal. Maging girlfriend nya lang ako tapos na, hindi na nya ako guguluhin. Tsss. Ansarap nya rin sapakin eh. Eh alam na ngang aksidente yung nangyare sa kin, pagbabayaran ko pa yung ginawang pagtapon ko ng buko juice sa kanya sa damit nya. tss.. "

(#^.^#) "Wow! Parang pang wattpad na yang love story mo friend. Imagine, may isang guy na na encounter mo, then ginawa ka nyang girlfriend nya. Friend ang susunod nyan, mai-inlove ka sa guy na yan.. Naku! tandaan mo yan"

"Hmf. naniniwala ka sa ganun. Hindi 'no. Maika, nasa reality tayo. Wala tayo sa fantasy. Tsaka ano yang sinasabi mo na mai-inlove ako sa mokong na yun.. sinasabi ko sa 'Yo hindi mangyayari yun. Hindi ko sya type."

"Hmf. Hindi daw type.. bahala ka. Basta mark my word. I'm pretty sure na maiinlove ka sa lalaking yun. Okay lang naman na maging kayo eh. Bagay kaya kayo tsaka kung maging kayo siguro, baka ang sweet nyo sa isa't isa whaaaaaa" (。♥‿♥。)

Hala! Kinikilig na tong babae na to ooh.. Tss.. iniisip ko pa lang yung sinabi ni Maika sa kin, parang gusto ko ng sumuka. Kakadiri kaya. Hindi siguro kami magiging sweet sa isa't isa kapag naging kami ng mokong na James Ryan na yun. Baka nga magwar pa kami nyun eh. Parang People power ganun. Hindi kami match 'no and he's not my type.

"Aray.. Aray naman!" (҂⌣̀_⌣́)

Kinikilig kasi ang loko kaya binatukan ko na. Ayaw tumigil eh.

"Tumigil ka na ah. Ito na lang masasabi ko, he is not my type. Tse! makaalis na nga"

Tapos umalis na ako.

"He's not my type daw.. Eh di wow!" ( ̄ω ̄;) Tapos sumunod na sya sa kin.

----

- JAMES' POV -

She is sucks. Nakakainis sya actually. Eh kasalanan naman nya talaga kung bakit sya nadulas eh. Tanga sya. Bakit ba sinisisi nya yung ligaw na balat ng saging eh sya naman tong tanga na hindi tumitingin sa daan.

First day of school ko dito sa school na ito tapos badtrip lang. Umuwi pa tuloy ako samin para magpalit ng damit. Ayan, na late ako sa class ko na Filipino.

And speaking of Filipino, classmate ko pa sya dun sa subj. na yun ah. Hmf. dapat makaganti ako sa kanya sa ginawa nya sa kin. Kaya habang nag iintroduce ako, may naisip na bright and evil idea *ting*

and yun ay maging girlfriend ko sya. Bakit? hindi naman masama eh. Totoo yung sinasabi ko. Hindi ako nagbibiro. Magiging girlfriend ko sya plus alila. Ansama ko na ba? Hindi siguro!

Oo nga pala, magpapakilala muna ako sa inyu. I'm James Ryan Omamalin. HRM student dito sa new school ko. I am living alone sa condo unit ko. Hindi ako umuuwi sa amin kasi ayoko lang. Gusto ko ay independent ako. Ayoko yung may sumasagabal sa kin sa ginagawa ko.

My dad is in Canada. Nandun lang sya kasama si mom. May business kasi sila doon kaya ako ang mag isa ngayon na nasa Pilipinas.

May ancestral house naman kami pero ayaw ko dun tumira. Wala akong kapatid kaya siguro loner ako kung tawagin ng iba.

Pero they didn't know na marami na akong naging gf. Playboy kaya ako sa unang school na pinasukan ko. Dahil na rin siguro sa pagiging playboy ko eh dahil nakick out ako sa school na yun. Dahil lang naman kasi sa naging gf ko lang ang anak ng may ari ng school.

Hmf. hindi pa yan. Sinaktan ko yung babaeng yun at dahil dun sinumbong ako sa dad nya na may ari ng school kaya ako nakick out. Ganun yung nangyare!

Naging playboy lang naman ako nung naghiwalay kami ng isang babae na sineryoso ko sa tanang buhay ko. Her name is Olivia Sunshine Sanchez. Sunshine for short. Palagi kasing Olivia ang tawag sa kanya sa karamihan kaya Sunshine ang tawag ko sa kanya.

And yes, she's the girl behind my mystery kung bakit playboy ako. Pero ngayon, tinigil ko muna ang makipag relasyon sa mga babae kase pinag-alitan ako ng Dad at Mom ko. Umuwi pa sila dito para pagalitan ako at mapa-transfer sa ibang school.

Buti na lang ninong ko ang may ari ng school na pinapasukan ko ngayon kaya madali akong napasok without the certificate of good moral character na importante talaga kapag magta-transfer ka.

Kaya ayun, sobrang galit yung naabot ko sa Mom and Dad ko sakin. Tapos binantaan pa ako na kapag gumawa pa ako ng kalokohan sa pag aaral ko, mapipilitan sila ipadala ako sa Canada para doon mag aral. At yun ang ayoko na mangyare sa kin.

---

Next chapter